MABILIS pa rin ang bawat paghinga ni Fay habang tahimik lang silang nakatitig ni Storm sa isa’t isa sa ilalim ng nakabukas pa rin na shower. Kahit iyon na ang pangalawa nilang pagkakataon, she was still feeling nervous by just his glare. Maraming naglalaro sa isip niya nang mga oras na iyon ngunit mas nananaig naman ang nararamdaman niyang init, idagdag pa ang pagkalálaki nitong tumutusok sa kaniyang tiyan. Titig pa lang nito ay pakiramdam na niya’y hinahalukay nito ang kaniyang pagkatao. Marahan nitong hinawakan ang kaniyang pisngi. Sa mga tingin nito pakiramdam tuloy niya siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at itinaas niya ang kaniyang kamay at idinampi ang kaniyang kamay sa malapad nitong dibdib. Humaplos ang palad niya roon

