PAGPASOK pa lang ni Fay ng News 8 ay ramdam na ramdam na niya ang ambiance ng News Company. Hindi niya mapigilang makaramdam ng excitement sa mga nakikita niya at lalo siya nasasabik na mag-trabaho roon. “Hello, good morning!” nakangiting bati sa kaniya nang nasa reception. “Good morning!” nakangiti ring ganting bati niya. “Saan dito ang HR ninyo?” “May appointment po kayo today?” paniniguro naman nito. “Yes, I’m Sofia Kiara Ortega,” pagpapakilala naman niya rito at hinanap naman nito ang pangalan niya sa applicant list. “Okay, punta ka sa second floor, HR department ang buong floor na iyon,” pagbibigay instruction nito sa kaniya nang makita ang pangalan niya sa list. “Thank you,” pasasalamat naman niya bago ito tuluyang talikuran at tinungo niya ang HR Department na sinasabi nito. P

