“SERYOSO KA talaga, Fay?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Candice. Naikuwento na niya ang lahat dito. Tumango-tango naman siya sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa apartment nila. “Naisuko mo na talaga ang bataan kay Storm?” hindi pa rin makapaniwalang ulit nito. “Oo nga!” naiinis nang sagot niya. “So, how was the feeling? Masarap ba talaga?” parang kinikilig pang tanong nito. “M-masakit,” pagtatama naman niya. “Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala, Fay! Eh di mahal na mahal mo na talaga si Papa S,” muli naman siyang napatango sa sinabi nito dahil iyon naman talaga ang totoo niyang nararamdaman. “Saka wala akong pinagsisisihan sa nangyari, Cand, kung hindi man siya ang huling lalaki sa buhay mo, masaya pa rin ako na sa kaniya ko ibinigay ang lahat,” saad niya na galing sa pus

