NAGISING si Fay sa mararahang tapik sa kaniyang pisngi. “Nandito na tayo,” usal ni Storm, doon siya naging aware sa paligid nila, nasa helipad sila ng isang gusali. “Hotel Strata na ‘to?” di makapaniwalang tanong niya, sa mahigit isang oras na biyahe hanggang Cebu ay parang nabibilisan pa siya. Tumango naman ito sa kaniya pagtapos ay inalalayan siya nitong makababa ng private plane. May mga hotel attendant na sumalubong sa kanila kaya nagulat siya. “Good morning, sir Storm,” magalang na wika ng mga attendant. “Pakisunod ang mga gamit namin sa hotel room,” utos naman ni Storm sa mga ito. Sumunod ang mga attendant sa sinabi ni Storm, pagtapos ay nauna silang pumasok sa premises ng hotel habang nakasunod lang ang mga attendant sa kanila. “Kakilala ka nila?” hindi makapaniwalang tanong n

