NAKATINGIN si Genevieve sa labas ng opisina niya mula sa full-length glass panel habang hinihintay niya ang pinsan. Uminom siya ng wine sa wine glass na hawak niya. Isang mahinang katok ang pumukaw sa atensiyon niya. “Pasok,” aniya pagtapos ay sinalinan niya ng wine ang isa pang wine glass na naroon. “Bakit ba kung kailan gabi na saka mo pa ako naisipang papuntahin dito?” nagtatakang tanong naman sa kaniya ni Lucas, diresto itong naupo sa sofa na naroon sa loob. Bago sagutin ang tanong nito ay ibinigay niya ang isa pang wine glass dito. Inabot naman nito iyon. “I was planning to send you to Cebu by tomorrow,” seryosong wika niya na ikinagulat naman nito. “Cebu? At bakit?” nagtatakang tanong naman nito pagtapos inumin ang wine na ibinigay niya rito. “May ipapatrabaho ako sa ‘yo ro’n. M

