“WALA pa ba yung doctor na sinasabi ninyo?” nababahalang tanong niya sa nurse na umaasikaso sa anak niya. Sasagot na sana ito nang biglang may naka-doctors coat na humawi ng kurtina. “Good evening kayo po ba ang ina ng bata?” tanong sa kaniya ng babaeng Doctor na lumapit, marahan niyang hinahaplos ang ulo ng anak, kitang-kita pa rin niya na hirap itong huminga. “I’m Doctor Mangahas, gusto ko lang sana itanong kung ano ba ang kinain ng batang ito sa loob ng maghapon at may history of allergy attack na ba siya before?” Nagsalubong naman ang kilay niya sa tanong nito. “Hindi po kasi ako ang kasama ng bata sa loob ng maghapon, and this was the first time na ma-experience niya ‘to kaya nga po natataranta ako,” tugon naman niya. “Okay, base on our observation ay allergy attack ang nangyari sa

