NANG dumating sila Candice ay tumayo na rin ang kaniyang ama at tumingin sa kaniya. “I’m sorry, Fay, kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sa ‘yo ang totoo, kung alam ko lang ng masasaktan ka ng ganiyan sana noon ko pa pala in-insist sa Mama mo na sabihin na namin sa 'yo ang totoo,” puno ng sinseredad na sabi nito. "Okay lang po, ' Pa. naiintindihan ko naman po ang lahat." “Sige, uuwi na muna ‘ko, babalik na lang ako ulit bukas.” “Sige po, ‘Pa, ingat po kayo,” paalam na rin niya rito at sinamahan pa ito hanggang sa makalabas ng pintuan. Kahit naman gano’n ay hindi siya makaramdam na kahit kaunti man lang na pagdaramdam sa mga kinilala niyang magulang. Dahil kung tutuusin ay malaki ang utang na loob niya sa mga ito at alam niyang wala siyang karapatang magalit kasi kahit h

