“WHAT THE heck!” gigil na sigaw ni Genevieve sa mga humabol kay Storm. “Ang dami-dami niyo tapos hindi niyo man lang nagawang habulin si Storm! Napakawalang silbi niyo naman! Nag-iisang tao lang 'yong hinahabol ninyo!” sigaw pa rin niya habang pinagbabato ang mga ito nang kung anu-anong bagay na madampot niya. “Pasensiya na po, Ma’am, mabilis po talaga ang naging pagtakbo ng Young Master kaya hindi namin nagawang makahabol,” sagot pa ng isa sa kaniya. “Ano bang nangyayari dito, Gen?” nakakunot-noong tanong ni Tito Sandro sa kaniya habang isinusuot nito ang roba at kasunod naman nito ang Mama ni Fay. “Nakatakas si Storm! At ‘yang mga walang silbing tauhan ninyo ang dapat na sisihin!” galit na galit na sigaw pa rin niya. Mas lalong napakunot ang noo nito dahil sa sinabi niya. “Don’t talk

