SOBRANG inis ang nararamdaman ni Storm dahil sa katangahang nagawa niya. Hindi naman siya makapalag dahil napapaligiran siya ng mga lalaking nakaitim at naka-bonnet. Naisandal na lang niya ang sarili nang makitang malapit na sila sa b****a ng mansyon nila at alam niyang wala na siyang pag-asa. Ang isang ipinagtataka lang niya ay bakit ang naka-bonnet ang mga ito. Hindi tauhan ng ama niya ang mga taong ito dahil hindi na kailangan pang gumamit ng van at bonnet ng mga ito para lang mahuli siya. "Who the hell are you?!" Napatingin siya sa mga lalaking kasama at doon niya na-realize kung sino ‘tong mga hinayupak na kasama niya. “What the fvck!” naiinis na mura niya sabay hilamos ng palad sa mukha niya kasunod noon ay binalot ng malakas na tawanan ang buong van at halos sabay-sabay itong nagt

