Chapter 68

1808 Words

PARANG napako si Fay sa kinatatayuan niya habang nakatingin pa rin sa TV. Iba na ang palabas na naroon pero nakatingin pa rin siya. “Anong plano mo ngayon, Fay? Tatawagan mo pa ba si Storm?” nag-aalalang tanong sa kaniya ni Candice. Doon siya napatingin dito at doon niya na-realize na wala palang tigil sa pagpatak ang luga niya. Hindi na niya nagawang sagutin pa ang tanong na ‘yon ni Candice pero napahagulgol na siya. Dahil ano pa nga bang laban niya kung ikakasal na si Storm, siya rin naman ang unang nang-iwan kaya alam niyang walang ibang dapat sisihin sa nangyari kundi siya. “Fay, hindi makakabuti sa ‘yo kung iiyak ka nang iiyak. Magpahinga ka na lang muna, tara muna ro’n sa loob ng kuwarto,” aya sa kaniya ni Candice at inakay siya nito papasok ng kuwarto na inilaan sa kanila ni Trey

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD