PAPASOK na nang ospital sila Fay nang makaramdam siya ng kaunting hilo, mabuti na lang at naging maagap si Candice at Gio para alalayan siya. “Okay ka lang, Fay?” nag-aalalang tanong sa kaniya ni Candice, marahan naman siyang tumango sa kaibigan. “Siguro, Cand, ikuha mo na lang ako ng wheel chair dahil parang hindi ko kakayaning maglakad hanggang taas,” pakiusap niya sa kaibigan habang sapo pa rin ang kaniyang ulo pati na rin ang kaniyang tiyan. “Sige, sige,’ pagtapos ay tumingin si Candice sa kasintahan. “Love, ikaw muna saglit ang bahala kay Fay, saglit lang naman ako,” saad nito saka mabilis na tumakbo palayo sa kanila. Si Gio naman ay mahigpit lang na nakaalalay sa kaniya. Mabuti na lang din na naisama nila si Gio dahil may isang lalaking pwedeng umalalay sa kaniya. Masyado na kas

