NAGLULUTO na si Gio nang lapitan ito ni Candice. Alam nang dalaga na may kakaibang ikinikilos ang kasintahan niya. “May problema ka ba, Love? Parang kanina ka pa tuliro diyan?” tanong ni Candice sa binata. “Ha? Hindi, ah, marami lang kasi akong iniisip,” pagtangi naman nito. “We? Anim na buwan na tayong magkasama, ‘noh, although, hindi pa naman tayo mag-jowa ng gano’n katagal. Ako na mismo nagsasabi sa ‘yo na iba ang observation ko kaya kilala na rin kita. Lalo kapag alam kong hindi ka mapalagay.” Napabuntong-hininga naman si Gio sa narinig. “Hindi, kasi, ‘di ba lagi mo sa ‘king kinukuwento ‘yong tatay no’ng mga anak ni Fay?” Nagtaka naman si Candice sa tanong nito. “Oh bakit?” “Eh, kasi kanina sa ospital, lumapit siya sa ‘kin, at tinanong niya kung kaanu-ano ko raw si Fay,” diretson

