Two years later… “Good day, Philippines! This is your anchor, Fay Ortega bringing you five minutes of fearless and balance news broadcast. Here are today's headline.” Halos sabay-sabay napatingin ang magpipinsan na Chavez sa nakabukas na TV ng opisina ni Storm nang marinig nila ang tinig at pangalan ni Fay. “Seryoso bang si Fay na ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Jax at halos palaglag ang panga nito habang nakatingin sa nagbabalitang dalaga, na hindi alam ni Storm kung talaga bang dalaga pa nga ito. Base kasi sa pagpapaimbistiga niya two years ago ay hindi naman ikinasal ang dalaga pero sa tuwing susundan niya ito ay hindi naman nawawala sa tabi nito ang lalaking nagsasabing asawa siya ni Fay kaya ni minsan ay hindi rin siya nagkaroon ng pagkakataon na lapitan ang dalaga kaya halos

