HANGGANG sa mag-uwian sila ay hindi nawala sa isip ni Fay si Storm, gano’n naman siya kadalasan kapag napag-uusapan nila ang binata. Hindi ito agad-agad nawawala sa isip niya. “Fay, hindi ako makakasabay sa ‘yo pauwi, susunduin kasi ako ni Gio ngayon, may date kami, eh,” paalam naman ni Candice sa kaniya habang nagliligpit na sila ng mga gamit nila. “Sige, okay lang, pupuntahan ko na lang si Treyton para may kasabay ako,” tugon naman niya. “Sige, ingat kayo, pag-uwi, ha!” nakangiting paalam pa nito sa kaniya at hindi na nito hinintay na sumagot siya dahil agad na itong nakalabas ng opisina nila. Naiiling na lang na lumakad din siya malabas ng opisina at tinungo naman niya ng News Writer and Research Department para puntahan si Treyton. Sa halos mahigit dalawang taon nila sa BvN ay na-p

