“PAPAAA!” malakas na tawag ni Fay sa lalaking hinahabol niya at sa lakas ng pagkatawag niya na ‘yon, maging ang iba pang mga naglalakad doon ay napalingon din sa kaniya. Lumingon naman sa kaniya ang Papa niya at hindi niya namalayan ang pagbagsak ng mga luha niya. “Fay!” gulat na tawag din nito sa pangalan niya. “Oy, teka, ‘di ba si Fay Ortega ‘yon!” turo sa kaniya ng isang lalaking nakatingin na rin sa kaniya. Dahil sa dami na rin ang nakapanonood sa kaniya ay unti-unti na rin siyang nakikilala sa News Industry. “Tara nga rito, bakit kasi sumigaw ka pa?” naiiling na hila sa kaniya ng ama pagtapos ay muli siyang ipinasok nito sa loob ng BvN pero sa may lobby lang sila nito naupo. Naupo sila sa provided couch na naroon at sa magkaharap na upuan sila naupo. Round and hotel style ang couc

