KOMPLETO halos ang lahat ng stocks na mayroon doon sa loob ng cabin para sa kanilang dalawa ni Storm. Mukhang talagang pinaghandaan ng mga pinsan nito ang pagtakas nilang iyon, dahil sa tingin niya ay aabot na hanggang sa apat na buwan ang lahat ng stocks nila na naroon. May mga ilang damit din na naroon para sa kanila, pati gasolina para sa yate ay napakaraming stock doon. Parang maliit na bahay nga rin ang yate na ‘yon dahil mayroong kusina, maliit na bathroom at mayroon ding laundry room at siyempre bedroom. Halos kompleto na rin ng gamit sa doon, nagluto siya ng inihaw na baboy sa grilling area na nasa deck ng yate. Pinuntahan niya si Storm na nasa loob ng nag-iisang silid na naroon, inabutan niya itong nakadapa lang sa nag-iisang higaan sa loob. “Storm, tara kain na tayo,” aya niya

