Chapter 02

2707 Words
 "FAY, iniwan ko 'yong allowance mo sa ibabaw ng table!" ang malakas na sigaw na iyon ng kaniyang ina ang gumising sa kaniya. "Bumangon ka na riyan dahil 6:30 na rin baka tanghaliin ka," muling sigaw nito dahil nasa loob pa rin siya ng kaniyang silid. Kaya naman bumangon na siya at pumunta ng CR na nasa tabi lamang ng kaniyang silid upang maghilamos. "Bakit sobrang aga mo yata, Ma?" nagtatakang tanong niya rito nang makalabas siya ng CR. "May emergency kasi kami sa ospital at bilang head nurse kailangang nandoon ako," tugon naman nito saka humigop ng kape. "Kailangan ko nang umalis, hindi muna kita maisasabay sa ngayon," nagmamadaling paalam nito saka nagmamadaling humalik sa noo niya. "No worries, Ma. Ingat po sa biyahe," aniya habang nagtitimpla ng kape. Narinig na lamang niya ang marahang pagsara ng pintuan nila tanda na nakalabas na ito ng bahay. Marami pa naman siyang oras dahil 7:30 AM pa ang simula ng kanilang klase at 15 to 20 minutes lang naman kung lalakarin ang eskuwelahan mula sa bahay nila. At dahil nga wala na ang ina ay nagpasya siya na huwag na kainin ang niluto nitong umagahan para sa kaniya. Naghanda na lang siya para pumasok. Pagkatapos maligo at nagbihis na siya. Mataman niyang tiningnan ang sa sarili sa salamin. Simpleng-simple lang ang itsura niya sa simpleng kasuotan din niya. Nakasuot lamang siya ng itim na knitted turtle-neck blouse na ang manggas ay hanggang siko lamang n'ya at pinarisan lamang niya iyong ng puting skinny jeans at putting rubber shoes. Paalis na sana siya ng may marinig siyang katok mula sa kanilang pintuan. Mabilis naman siyang lumabas ng silid para pagbuksan kung sino man iyon. "Storm!" gulat na bulalas niya dahil hindi niya inaasahan na ito ang makikita niya roon. "Anong ginagawa mo rito? At paano mo nalaman ang bahay ko?" hindi makapaniwalang tanong niya rito pero sa halip na sagutin siya ay bigla lamang nitong itinulak ang pintong hawak pa rin niya para lamang makapasok. Kaya naman wala siyang ibang nagawa kundi ang isara na lamang ulit iyon. "So, this is your house?" wika nito na bakas sa tinig ang pang-iinsulto. "I think this house was only as big as my bathroom," mayabang pang dagdag nito. "Alam mo, Storm, wala akong pakialam," iritableng wika niya rito. "Pwede bang lumabas ka na rito sa bahay namin? As you can see, hindi ka welcome rito," naiinis pang dugtong niya. "Alam mo, wala rin akong pakialam," saad nito na ginaya pa ang tonong ginamit niya rito. Habang patuloy na iniikot ng tingin nito ang buong bahay nila. Nabahala siya ng bigla itong humakbang palapit sa pintuan ng silid niya kaya naman bago pa man nito tuluyang mabuksan iyon ay mabilis na siyang humarang sa pintuan. "Anong ginagawa mo?" nagtataka namang tanong nito saka walang kahirap-hirap na binuksan ang silid niya. Useless lang din yung pagharang niya dahil tumambad na ngayon dito ang kabuuan ng silid niya. "So, this was your room. Iwan na iwan dito yung amoy mo," wika nito habang nilalanghap pa ang amoy ng silid na iyon. "Storm, pwede ba lumabas ka na?" galit nang wika niya rito pero sa halip na pakinggan siya ay lumakad pa ito papasok at naupo sa kama niya. Kaya mas lalo siyang umusok sa galit. Mabilis siyang lumapit dito at marahas niya itong hinila sa braso nito para hatakin palabas ngunit sa gulat niya ay siya ang nahila nito palapit dito. Kaya naman sa kandungan siya nito bumagsak. Sinubukan niyang muling tumayo upang makaiwas sa mapang-akit nitong mga tingin pero niyakap lamang siya nito ng mahigpit. Amoy na amoy niya ang mabangong amoy nito pati na ng hininga nito. "Alam mo ba kung bakit gustung-gusto kong iniinis ka?" mahinang tanong nito sa kaniya. "Because you always turned out like this," seryosong wika niya. "Always remember this, Fay. As long as you want to get away from me, the harder you will fall for me." Then he gave her a small kiss on her forehead, down to her nose, and deeply down to her lips. "I love your lips. It was like telling me to kiss you every time I saw you." Sinubukan niya muling makawala sa mahigpit na yakap nito but it was useless. Ni hindi niya maramdaman ang mga kamay niya. Tanging t***k lang ng puso niya at ang masuyong paghinga nito ang naririnig niya. Ikinawit nito sa tenga niya ang buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha. At doon ay muling bumaba ang mga labi nito upang dampian siya ng halik sa mga labi niya. He deeply kisses her this time. Her heart is throbbing more. She can't back to her senses. His kiss feels like it touches every part of her body. Storm, what are you doing to me? My body is not even listening to me. He touched her face to deepen more the kiss. He gently opens her mouth with his tongue and softly enters it there, na parang may kung ano itong hinahanap doon. She felt a wildfire inside her. She even can't control herself, she started to love his kisses and his touches on her skin. He lifts her and slowly laid her down in the bed. Tiningnan siya nitong maigi at tanging tingin na lang din ang naibigay niya rito. Hinawakan nitong muli ang mukha niya papunta sa kaniyang ilong pababa sa mga labi niya. Muling hinawi nito ang buhok niyang nakasagabal sa kaniyang mukha habang diretso pa ring nakatingin sa kaniyang mga mata. He then bent down again and kiss her even more softly, as she started responded to his kisses, he kisses her more deeply and roughly. Naramdaman na lang din niya ang paglikot ng kamay nito hanggang sa patuloy iyong tumalilis papasok ng blusa niyang suot. He also started to uncapped her bra and slowly caressing her breast. His touches gave her goosebumps and she can't resist it. Mali itong ginagawa namin. 'Yun ang pilit na sumisiksik sa utak niya kaya bago pa man kung saan mapunta ang ginagawa nila ay inipon na niya ang buong lakas niya para pigilan ito. "Mali 'to, Storm!" awat niya rito at para naman itong nagulat kaya hinayaan siya nitong makatayo mula sa pagkakahiga niya sa ilalim nito. Pagtayo niya ay mabilis niyang inayos ang sarili. "Hindi ka nga dapat nandito! Tapos naisipan mo pang gawin lahat ng ito sa akin," di makapaniwala na sumbat niya rito pero ang mas hindi niya mapaniwalaan ay ang muntikan niyang pagpayag sa mga ginagawa nito sa kaniya. "But you like it too, right?" He used her husky voice again and tried to tease her once more. "Stop it, Storm! Hindi mo pwedeng gawin sa akin lahat ng maisipan at magustuhan mong gawin!? Hindi mo ko laruan!" Bulyaw na niya rito. He was so insensitive. "Hindi ko nga siguro nakuha yung gusto ko ngayong araw, But, I will assure you, na ikaw mismo ang kusang magbibigay sa akin niyan," puno pa rin na kayabangan na saad nito. "Kahit anong gawin mo hinding-hindi mangyayari 'yan," iritableng wika rin niya rito. "We will see that." Pagtapos ay tumayo ito sa kama niya at muling lumapit sa kaniya. Napaatras siya pero dahil maliit lamang ang silid niyang iyon ay mabilis pa rin siyang nahapit nito sa kaniyang bewang. At mabilis na idinamping muli nito ang labi sa mga labi niya. Kung yung mga unang halik nito ay makatutukso mas naging mapanukso ang mga halik nitong iyon. At hindi kayang balewalain iyon ng kaniyang sistema kaya naman on her first move he finally stops and looked at her. Now, she realizes her body already betrays her. "See?" Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin kaya hindi niya maiwasan ang mamula sa hiya. Hanggang sa narinig niya ang malakas nitong pagtawa kaya naman naghanap siya ng maaaring ihampas dito, at ang make up kit niya ang una niyang nadampot at ipinalo rito. "Aw!" Daing naman nito bagaman nakangiti pa rin. "Lumayas ka na nga rito bago pa ako tumawag ng pulis," banta niya rito ngunit ni kahit kaunting takot ay hindi mababakas sa mukha nito. He just capped her face then a light kiss fell down on her lips. "See you in school, my girl," paalam nito at mabilis na lumabas ng kaniyang salita kaya naiwan na lamang siyang nakatulala sa kawalan. My God, Fay! Ano bang ginagawa ko sa sarili mo? Naiinis na kundena niya sa sarili pero magsisi man siya ay huli na ang lahat. BUONG araw na wala siya sa kaniyang sarili at halos hindi mawala sa isipan niya ang mga nangyari sa pagitan nila ni Storm. Hanggang ngayon hindi pa rin niya masagot ang mga tanong na, bakit ba niya nagawang pumayag at bakit hindi niya magawang magalit man lang dito? "Oy, Fay, are you with me?" Saka marahang ikinaway nito ang isang kamay sa harapan mismo ng mata niya para kunin ang atensiyo niya. It was Candice, her best friend pero kahit dito ay hindi niya masabi ang mga nangyari kanina lang. Sa totoo lang, dalawa silang matalik niyang kaibigan pero alam niyang mas lalong hindi niya iyon pwedeng sabihin doon. "Bakit ba?" wala sa sariling tanong niya rito. "Ay, kanina pa ko daldal nang daldal tapos hindi ka pala nakikinig, ghorl!" di makapaniwala na wika nito sa kaniya. "Simula ng dumating tayo dito, ghorl, ang dami ko ng nasabi alin ba doon ang gusto mong ulitin ko?" sarkastikong dagdag pa nito. Nasa park sila sa loob din mismo ng unibersidad, tambayan na nila ang lugar na iyon mula nang first year pa lamang sila. "May problema ka bang hindi sinasabi sa akin o may masakit ba sa 'yo?" seryosong tanong nito sa kaniya. "Hindi wala naman. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi," walang ganang sagot naman niya rito. Hay! Buwisit kasi talagang Storm 'yan! Hindi ako dapat nagkakaganito, eh. Hindi siya dapat na laman ng isip ko pero bakit ba kasi hindi siya mawala sa isip ko. Sa sobrang frustration na nararamdaman niya, wala sa loob na naihagis niya ang librong nasa harapan niya. At hindi niya inaasahan na may tatamaan ng binato niyang iyon. "Aw!" angal ni Treyton dahil ito ang tinamaan ng libro habang naglalakad papalapit sa kanila. Tumakbo naman siya palapit dito. "Ano bang ginagawa mo, Fay?" galit na tanong nito sa kaniya habang sapo ang ulo nitong tinamaan ng libro. "Sorry, Treyt, di ko sinasadya," paghingi naman niya ng paumanhin dito. "Para kang wala sa sarili," angil pa nito. Siya yung isa pa niyang matalik na kaibigan kaya alam naman niya na hindi siya matitiis nito. "Kanina pa 'yan, wala sa sarili niya, kinakausap ko nga 'yan tulala lang, eh. Daig pa na-rape," nanlaki naman ang mga mata niya sa winikang iyon ni Candice at hindi niya napansin na nakalapit na pala ito sa kanila. "Bakit may nangyari ba sa 'yo, Fay?" nag-aalalang tanong naman sa kaniya ni Treyton at bigla ring nawala ang galit nito dahil sa pagkakatama niya ng libro rito. "Hindi naman. Wala naman nangyari sa 'kin, talaga lang siguro na hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong araw," sabi na lamang niya dahil baka makahalata pa ang mga ito ang totoong iniisip at pinoproblema niya. "Sigurado ka ba, ha?" paniniguro naman ni Treyton at sinapo siya sa ulo niya. Meanwhile, hindi alam ni Fay na nakita ni Storm ang ginawang iyon sa kaniya ni Treyton at lalong hindi niya napansin ang naging mabilis nitong paglapit sa kanila. "Oo, okay la—aw!" angal ni Fay dahil bigla nitong hinablot ang braso niya at hinila siya palayo kay Treyton. "Anong ginagawa mo sa kaniya?!" Punong-puno ng galit na tanong nito kay Treyton. "It's none of your business, Mr. Chavez," galit ding tugon ni Treyton dito kaya naman tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. "She is my business. Kaya huwag na huwag mo siyang hahawakan!" Matapang na banta nito kay Treyton. At habang nagtatalo ang dalawa ay pilit niyang hinihila ang braso niyang hawak nito pero mas lalo lamang nito hinihigpitan ang pagkakahawak doon. "Storm, let me go!" Angal naman niya rito dahil nasasaktan na siya sa pagkakahawak nito sa kaniya. "Ang sabi niya, bitiwan mo siya!" matigas ding segunda ni Treyton at mabilis siyang hinawakan sa kabilang braso niya at hinila ring palayo kay Storm. "You, let her go!" mabagal ngunit mariing wika ni Storm dito. My gosh! Hindi ko naman pinangarap yung ganitong klaseng eksena sa buhay ko. Gusto ko lang makapag-aral at makapagtapos ng matiwasay at maayos dito sa paaralang ito. Nauubusan ng pasensiya na wika niya sa sarili. Masamang tiningnan ni Storm si Fay at kitang-kita ni Fay ang galit sa mga mata nito pero nakipagtuos lang siya sa galit nito at nakipagtitigan lang dito. "I think you forget how I picked you," napipikon na wika ni Storm sa kaniya. Alam naman niya kung ano ang ibig nitong sabihin, napili siyang bully-hin nito dahil sa ginawa niyang pagtatanggol sa kaklase niya katulad ng ginawa ngayon ni Treyton sa kaniya. Tumingin itong muli kay Treyton. "Alam mo mas maganda, let us her choose between us," matapang na hamon nito kay Treyton saka tumingin sa kaniya. "Now, Fay, choose between us!" utos nito sa kaniya kaya naman napakunot ang noo niya. "Huwag mo siyang takutin!" bulyaw naman ni Treyton dito. "Magpakalalaki ka, Chavez, huwag yung sa babae ka lang malakas," dagdag pa nito at makikita sa mukha ni Storm ang sobrang pagkainsulto sa sinabing iyon ni Treyton. "O, baka naman kasi takot ka lang na hindi ikaw ang piliin niya," nagpipigil na saad ni Storm. Marahas naman niya itong tiningnan dahil napipikon na talaga siya. "Kailan mo ba talaga kasi ako balak tigilan, ha, Storm?" nauubusang pasensiyang na ring tanong niya dito. "Until you're finally mine," diretso namang tugon nito sa kaniya kaya napaawang mga labi ko dahil hindi ko inaasahan iyon. "Stop it, Storm! Tigilan mo na yung kagaganiyan mo sa akin dahil hindi ako isang bagay na pupulutin mo kapag gusto mo at itatapon mo kapag ayaw mo na!" sigaw niya rito nang makabawi siya at marahan niyang iwinaksi ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniya. Nakita niya ang gulat na rumehistro sa mukha nito. Sinamantala naman ni Treyton ang pagkakataong iyon para hilahin siya palayo kay Storm. "Tama na 'yan, Fay, umalis na tayo," aya sa kaniya nito. "At sino bang nagsabi sa 'yong magagawa kitang itapon!?" malakas na wika nito. "Once you are mine, you will be forever mine, Fay. Remember that!" saka ito tumingin kay Treyton. "Ito ang unang pagkakataon na palalampasin ko ang paghawak mo sa kaniya pero hinding-hindi na 'yan mauulit," punong-puno ng diin at pagbabanta na wika nito saka sila tinalikuran. Nang tumalikod na ito ay bitiwan na rin naman ni Treyton ang kamay niya. Nakahinga naman siya ng maluwag nang tuluyan itong mawala sa paningin niya. Ang kinatatakot kasi niya baka may gawin ito o kaya sabihin tungkol sa nangyari sa pagitan nila sa harapan ng maraming tao. "Grabe, Fay! Ang haba ng hair mo sa part na 'yon," nang-aasar na wika ni Candice pero hindi siya natutuwa. "Alam mo, Candice, hindi nakakatawa," napipikon na sabi niya rito saka siya humakbang pabalik ng table nila kung saan nandoon pa rin ang mga gamit nila. "Wag na wag ka nang lalapit ulit sa lalaking 'yon," seryosong wika din ni Treyton kaya napatigil siya sa paghakbang at muling napalingon dito dahil punong-puno ng awtoridad ang salita nitong iyon. Knowing him, hindi nito pinapalampas ang mga lalaking hindi gumagawa ng mabuti sa kaniya. "Huwag na huwag kang magpapadala sa mga salita niya," dagdag pa nito. Si Candice naman ay naglipat-lipat lang ng tingin sa kanilang dalawa dahil kahit hindi nila aminin ay mayroon namumuong tensiyon sa pagitan nilang dalawa. "Teka, guys!" singit naman nito sa kanila. "Alam niyo, si Storm ang kalaban dito, okay? Hindi tayo, hindi kayong dalawa," awat nito sa kanila pero sa halip na sagutin siya ay mabilis akong muling tumalikod sa kanila. "Uy, teka naman, Fay, saan ka pupunta?" Habol sa kaniya ni Candice. "Pupunta na ako sa next class natin, saan pa ba?" iritableng sagot niya rito. "Init ng ulo, ghorl, ha!" naiiling na wika nito at mabilis na ring kinuha yung mga gamit. At wala na silang nagawa kundi ang sumunod na lang sa kaniya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD