SAKTONG katatapos lamang ng huling subject nila nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis naman niya iyong sinagot.
"Hello po, Ma?" bungad naman niya rito pagkasagot niya ng tawag.
"Nasaan ka na? Nandito ako sa labas ng school ninyo, sinundo na kita," di niya maiwasang mapangiti ng marinig ang mga salitang iyon buhat dito.
"Palabas na ko, Ma. Wait for me," sabi niya saka mabilis na pinatay ang tawag na iyon at tumingin sa dalawa niyang kaibigan. "Una na ako sa inyo, sinundo ako ni Mama, eh." Nakangiting paalam niya sa mga ito.
"Okay, ingat," nakangiti ring paalam sa kaniya ni Candice. Si Treyton ay hindi pa rin siya kinikibo magbuhat noong nangyari sa kanila ni Storm.
Kumaway pa siya sa mga ito saka nagmamadaling tumakbo palabas ng campus. Nakita naman agad niya ang sasakyan ng kaniyang ina na nakaparada di kalayuan sa gate ng campus at nilapitan niya ito kaagad at sumakay sa passenger's seat.
"May coffee shop pala riyan sa tapat. Magbihis ka na muna dahil may pupuntahan pa tayo," wika nito sabay abot sa kaniya ng paper bag. Nagtataka man ay inabot niya ang paper bag na ibinigay nito.
"Saan tayo pupunta, Ma? Bakit kailangan ko pang magbihis?" tanong niya rito tapos ay binuklat niya ang paper bag na iyon. Damit ang laman noon.
"Mamaya ko na ikukuwento sa 'yo, basta magbihis ka na lang muna," utos nito sa kaniya at kahit na nagtataka ay sinunod niya ito kaya muli siyang bumaba ng sasakyan at tumawid sa kabilang panig ng kalsada upang makapagbihis sa coffee shop.
Pagkabihis naman niya ay bumalik na rin siya kaagad sa sasakyan ng ina.
"Saan ba talaga tayo pupunta, Ma, at bakit ganito kaganda itong damit na pinasuot mo sa akin?" Naguguluhang tanong niya rito dahil hindi lingid sa kaniya na mamahalin at branded ang damit na iyon na pinasuot nito sa kanya.
The dress leaves her shoulders mostly uncovered and flows down into a beautiful keyhole neckline. Her arms have been covered fully. The sleeves are tight, but comfortable fit from top to bottom. While the waist is narrow, it's a tight fit. Also, a cloth ribbon has been wrapped around her and tied in the front. While below the waist the dress widens and has a trapeze style. The length was just below her knee with the same length around. She paired it with t-strap sandals.
"Ngayon na kasi namin nai-set ni Sandro yung pag-meet sa inyong dalawa noong anak niya," masayang wika naman ng kaniyang ina at bakas na bakas sa mukha nito iyon.
"Bakit parang ang bilis naman yata, Ma?" di maiwasang tanong niya rito dahil hindi niya inaasahan na magiging ganoon kabilis iyon.
"Mamaya mo malalaman, anak kung bakit," saad nito at tahimik na lamang na nagmaneho. Siya man ay tumahimik na lang din.
Sa halos kalahating oras na pagmamaneho nito ay sa wakas kumaliwa ito sa isang kanto. Isang mahabang bukid ang gilid ng kalsadang tinahak nilang iyon pagtapos ay lumusot sila sa isang malawak na tunnel kung saan paglabas nila ay wari'y nasa ibang mundo na sila. Namamangha niyang nilibot ng tingin sa labas ng kanilang sasakyan. Pakiramdam niya'y nasa loob siya ng fairy tale.
They entered to a fancy and elegant gate. Isang gate na parang ang tinutumbok ay isang palasyo at sa kahabaan noon ay mayroong wall grass habang sa dulo noon ay hindi siya nagkamali ng iniisip dahil isang napakalaking bahay ang tumambad sa kanila at mayroon pang center fountain sa harapan mismo ng mansyon na iyon.
"Ma, seryoso ka bang ito yung bahay nila?" hindi pa din makapaniwalang tanong niya rito.
"Oo, anak," natatawang wika nito sa kaniya at tuwang-tuwa ito sa naging reaksyon niya. Inihinto nito ang sasakyan sa harapan nang mansyon na iyon at hindi iyon nababagay doon. "Sige na, anak, bumaba ka na," utos naman nito sa kaniya kaya naman tumalima siya at bumaba ng sasakyan nila.
Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala kaya nilibot muli ng paningin niya ang buong paligid.
Grabe! Para akong nasa loob ng isang fairy tale parang nagkikislapan ang bawat bagay na nandoon. Natutulalang wika pa niya sa sarili.
"Fay," pukaw ng kaniyang ina sa atensiyon niya. "Tara na, pumasok na tayo sa loob. Kanina pa nila tayo hinihintay," aya nito sa kaniya at hinawakan siya sa kamay niya.
Di pa man sila tuluyang nakakalapit sa pintuan ay automatic na iyong bumukas para sa kanila. At napakaraming katulong ang sumalubong sa kanila.
Grabe talaga! Sa mga palabas ko lang talaga ito nakikita, eh.
Nagulat siya ng sabay-sabay itong nag-bow sa harapan nila. Wow! Well-orient! Natatawang wika pa niya sa sarili. Isang maid na iba ang suot na uniporme ang sumalubong sa kanila.
"The Masters are already in the dining hall." Wow! Englishera, friend!
Nauna itong maglakad at dinala silang dining hall.
Kung sa bahay nila ay pagpasok mo kitang-kita mo na kaagad ang kusina, sa mansyon na iyon ay naglakad pa sila ng limang minuto para lang makarating sa dining area ng bahay. Lahat din ng nadaanan nila ay hindi nakaligtas sa kaniyang paningin. Pakiwari'y niya ay nasa loob sila ng isang palasyo at lahat ng gamit na nandoon ay literal na nagkikislapan.
Ganoon siya kalupet! Namamanghang wika pa ring niya sa sarili.
"Lord Sandro, the visitors are already here," magalang na wika nito sa lalaking nakapuwesto sa pinaka-head ng lamesa. At may kasama siyang isa pang lalaki, siguro ito yung sinasabi ng kaniyang ina na nag-iisang anak nito pero dahil sa kabilang panig ito ng lamesa nakaharap ay hindi pa niya nakikita ang mukha nito.
Inilibot niyang muli ang mga mata. Sa laki ng dining area na 'yon ay tama lamang na tawaging dining hall. Mahigit 20 seats ang makikita roon mayroon ding tatlong chandelier na nakasabit mismo sa tapat ng mahabang lamesa.
Napakaraming pagkain nasa hapag-kainan na pakiramdam niya ay may piyestahang gaganapin. Pero mapapansin ding apat na upuan lamang ang mayroong mga nakalagay na kubyertos at plato. Na halatang inihandaan lamang para sa kanila.
Pakiramdam din niya ay nasa isang fine dining restaurant sila dahil may mga katulong din doon na nakatayo lamang sa mga gilid at parang anomang oras ay handang mag-silbi sa kanila.
"Kendra, you may sit down here," wika nito sabay turo ng upuang nasa tabi nito. Tumalima naman ang kaniyang ina kaya sumunod na rin siya rito.
Hindi pa sila tuluyang nakakaupo nang biglang sumigaw ang anak nitong lalaki.
"What?! She is going to be your new girl?!" Di makapaniwalang tanong nito habang salubong ang kilay na nakatingin sa kanila pero halos malaglag din ang kaniyang panga sa gulat dahil walang iba kundi si Storm Jaydon Chavez lang naman ang nasa harapan niya ngayon.
"Storm, pwede bang matuto ka namang gumalang kahit ngayon lang!" Matigas at puno ng awtiridad na wika ng ama nito. Bagaman mababakas sa mukha nito na hindi nito gustong nandoon sila ay nanahimik naman ito.
Habang kumakain sila ay tahimik lang ang buong paligid na hindi niya kinasanayan. Na halos hindi niya malunok ang mga pagkaing inilalagay niya sa bibig niya, masarap naman ang mga pagkain na nakahain siguro nga ay may Master Chef ang mga ito roon dahil sa kakaibang sarap ng mga pagkain. Ang problema lang ay yung ambiance sa paligid niya, idagdag pa ang panaka-nakang tingin sa kaniya ni Storm na bakas pa rin sa mukha nitong hindi ito natutuwang nandoon sila ng kaniyang ina.
Nang matapos silang kumain ay umayos ng pagkakaupo si Mr. Chavez.
"Tingin ko lahat naman tayo ay tapos nang kumain." Pagsisimula nito. "So, we can now discuss everything," wika nito at tumingin ng seryoso sa kaniyang ina. "Kendra, let's talk in my office with these two." Pagtukoy nito sa kanilang dalawa ni Storm. Nang tumayo ito ay sumunod naman sila rito, unang sumunod dito si Storm at sunod silang mag-ina.
May walong minuto na silang naglalakad pero sa dami ng pintuang nadaanan nila ay hindi pa rin nila nararating ang sinasabi nitong opisina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa laki ng bahay na 'yon dahil sa paglalakad nila ngayon ay mas napatunayan niya sa sarili kung gaano iyon kalaki.
Para silang naglalakad sa hallway ng isang hotel dahil sa structure at mga kagamitan na nandoon at mayroon pa itong red carpet na kalatag sa hallway ng buong bahay.
Palagay niya ay mahigit trentang pintuan ang nadaan nila bago ito lumapit sa isang pintuan at buksan iyon. Pagpasok nila sa loob ay para silang nasa opisina ng Presidente ng bansa.
"You may sit down," wika nito kaya naman naupo sila ng kaniyang ina. Katulad ng ayos nila kanina sa dining area ay nasa kaliwa nito si Storm at sila naman ay nasa kabilang panig ng inuupuan nito. "What is your name again, hija?" tanong nito sa kaniya kaya naman napukaw ang ginagawa niyang pagmamasid sa buong silid.
"Ah. I'm Sofia Kiara Ortega po but you can call me Fay," magalang naman niyang wika rito.
"Ah, very beautiful name, just like you and your Mom," sabi nito kaya naman namula ang kaniyang ina sa sinabi nitong iyon. Naiiling na lamang siya sa naging reaksiyon na iyon ng kaniyang ina. "Anyway, this is my son, Storm, minsan pagpasensiyahan na lang ninyo ang kabastusan at pagkawalang modo nitong batang ito." Napataas naman ang kilay ni Storm sa winikang iyon ng ama pero hindi na lamang ito kumibo pa. "Kaya nga kailangan ko ng isang taong makakatuwang ko para kahit paano maiayos pa ang ugali ng batang ito. Sa tingin ko kailangan niya ng ina na titingin at magpapangaral sa kaniya," malungkot na saad nito sa kanila. At naiintindihan niya ang sinasabi nito dahil alam niyang wala naman talagang pag-asa ang ugali nito.
"Nuh. Over my dead body," padaskol na wika naman ni Storm.
"Storm! Hindi mo ba talaga kayang rumespeto kahit minsan lang?!" Muling saway ng ama nito rito. "Fay and Storm." Inilipat-lipat nito ang tingin nito sa kanilang dalawa. "Nagkasundo na kasi kami ni Kendra na, manirahan at magsama-sama na tayo sa iisang bahay," diretsong wika nito at pareho silang nagulat ni Storm sa sinabi nito. Kaya naman tumingin siya sa kaniyang ina at puno ng pagtatanong ang mga tingin niyang iyon. Wala itong nabanggit tungkol sa bagay na iyon pero naramdaman niyang pinisil nito ang kaniyang kamay na hawak pa rin nito.
Waring sinasabi sa kaniya maghintay siya ng tamang pagkakataon para sa paliwanag nito.
"Hindi ba masyado pang maaga para diyan?" mariing tutol ni Storm pero sa pagkakataong iyon ay sumasang-ayon siya rito.
"Yes, but we need to do this, before we decide to get married for the first place. So, we could see if you both can adapt to our new family setup," patuloy na paliwanag nito sa kanila pero wala siyang maintindihan. "Fay, you and your Mom are going to live here. Gusto ko ibigay sa 'yo yung buhay na hindi naibigay ng Papa mo," sinsero nitong wika sa kaniya.
"Lahat naman ng bagay na sinasabi namin sa inyo ngayon ay napag-usapan at napagplanuhan na namin ng maayos," biglang wika ng kaniyang ina.
"Napagplanuhan at napag-usapan niyo na pala lahat, eh, bakit pa kami nandito?" iritableng tugon naman ni Storm.
Kaya nagulat siya nang biglang tumayo ang kaniyang ina at lapitan si Storm. Hinawakan ng kaniyang ina ang kamay nito.
"Can you please give me a chance to become your mother? Di ko naman sinasabi na papalitan ko ang Mama mo, pero gusto ko maiparamdam din sa 'yo kung paano magkaroon ng isang ina, tulad ng ginawa ko kay Fay." Gulat na gulat at hindi makapagsalita si Storm pero marahas niyang inalis ang kamay ng kaniyang ina na nakahawak dito.
"Pwede ba? Huwag kang umasta na parang kilalang-kilala mo ako!" Galit na wika ni Storm dito.
"STORM!" Muling sigaw ni Mr. Chavez.
"Kung gusto ninyong bumuo ng pamilya pwede ba kayo na lang at huwag niyo na lang akong idamay sa kalokohan niyong 'yan!" Bulyaw nito saka mabilis na lumabas ng silid na iyon. Nasundan na lamang nila ito ng tingin ngunit sa unang pagkakataon ay naintindihan niya kung ano'ng nararamdaman nito.
"Humihingi ako ng paumanhin sa inasal na iyon ni Storm. Alam ko namang hindi magiging ganoon kadali para sa kaniyang tanggapin ang desisyon nating ito pero sana mapagtiyagaan mo pa ang anak ko na 'yon," punong-puno ng pagpapakumbabang wika ni Mr. Chavez saka muling tumingin sa kaniya. "Fay, sana ay makasundo mo ang anak ko na 'yon kahit ganoon ang batang iyon ay nanatiling anak ko pa rin siya at malawak na pag-intindi talaga ang dapat na ibigay sa kaniya."
"Wala pong problema, Mr. Chavez," magalang na wika pa rin niya rito.
"You can also call me Dad. Nakikita kong naging maganda ang pagpapalaki sa 'yo ni Kendra kaya siya ang napisil kong maging ina din para kay Storm," dagdag pa nito.
Di ko akalain na sa nilaki-laki ng mundo yung pinaka ayokong tao pa ang magiging stepbrother ko.