UNTI-UNTING nadadala si Fay ng nararamdaman para kay Storm. Bagaman nang mga oras na iyon ay hindi na rin malaman ng dalaga ang nararapat niyang gawin kaya naman sa halip na sundin ang sinabi nito ay muli niyang hinalikan ang mga labi nito.
Sa pagkakataong iyon mas naging mapusok ang mga halik na itinugon ni Storm. Marahan nitong ibinaba ang strap ng suot niyang damit habang ang mga halik rin nito ay unti-unti nang bumaba sa kaniyang mga leeg.
Sa mga halik at haplos nito sa kaniyang katawan ay unti-unti na ring kinakain ang kaniyang katinuan. He gave her a small kisses down to her collarbone.
Ngunit bago nito ipagpatuloy ang ginagawa ay tumingin muna ito sa dalaga.
"You like it, right?" mapang-akit na tanong nito sa kaniya. And he started to kiss her again, from her lips to her earlobe, which gives her goosebumps, down to her collarbone again, and finally down to her breast; then he immediately grabs her n1pples with his bare mouth, while the other crown was played by his finger.
Nang dahil sa kakaibang ginagawa nito sa kaniyang katawan ay hindi niya maiwasan ang mahihinang ungol na umiimpit sa kaniyang bibig.
"O-ooh... Storm!" wala siyang tanging masabi kundi ang pangalan nito. His mouth didn't leave her crowns, not even once and that what makes her crazy, tuwang-tuwa itong makita ang reaksiyon ng dalaga. Kaya naman pinalipat-lipat pa nito ang bibig sa mag-kabila niyang korona.
Then, his hand started exploring her body. Hindi niya inaasahan ang biglang pagbaba ng mga kamay nito sa pagitan ng kaniyang mga hita at maingat na ipinasok ang mga kamay sa suot niyang panloob, may kung anong hinahanap ito roon at nang maapuhap ay agad siyang napasinghap at napaigtad sa ginagawa nito. He was currently playing her c**t when her phone suddenly rang.
"D*mnit, Fay! You ruin the moment!" galit na sigaw nito sa kaniya at tama ito dahil tila nawala ang apoy na bumabalot sa kanilang dalawa.
"I am sorry..." naiusal na lamang niya habang patuloy pa rin sa pagtunong ang cellphone niya.
"Answer it!" utos naman nito pagtapos ay iniayos ng binata ang damit niyang ibinaba nito kanina lang.
"Hello?" sagot niya sa tawag na iyon habang ibinababa siya ni Storm sa lababong kinauupuan niya.
"Hello, Fay? Tulungan mo naman ako!" nagpa-panic na wika ni Candice.
"Oh, bakit?" hindi rin niya maiwasang mag-alala dahil sa lagay ng tinig nito.
"Si Treyton kasi..." putol nito.
"ANO! ANG SABI KO BIGYAN NIYO PA KO NG ISA!!" Narinig niyang wika ni Treyton mula sa kabilang linya at sa palagay niya ay lasing na lasing na ito.
"Ano ka ba, Treyt? Tama na kasi 'yan!" narinig niyang awat din ni Candice.
"Nasaan ba kasi kayo?" nag-aalalang tanong niya.
"Nandito kami sa Beer Garden malapit lang diyan sa Jack Ridge," tugon naman nito.
"Bakit ba kasi kayo nandiyan akala ko ba uuwi na rin kayo?" nagtatakang tanong niya.
"Eh, kasi nga broken hearted ang lolo mo! Kaya naisipan kong ayain siya rito. Hindi ko naman alam, ghorl, na maglalasing ng sobrang ang mokong. Jusko! Pagdating pa lang namin umorder ng isang boteng rum at nilaklak lang niya ng ganoon kabilis!" di makapaniwalang wika naman nito.
"Sige, pupuntahan ko kayo ngayon diyan." Pagtapos ay madali na niyang pinatay ang tawag na iyon.
"Saan ka pupunta?" mahina ngunit seryosong tanong ni Storm sa kaniya.
"Ah. Kasi si Treyton daw nagwawala roon sa bar kaya kailangan kong pumunta para tulungan si Candice," paliwanag naman niya saka siya naglakad paalis sa lugar na iyon ngunit nang lampasan niya ito ay mabilis siyang hinigit nito sa braso. "Bakit?" angal naman niya.
"Hindi ko gusto yung ideya na pupuntahan mo yung kurimaw na 'yon!"
"Storm naman! Naglasing yung tao dahil sa 'kin kaya hindi ko pwede hayaan na ganoon na lang siya."
"That exactly the point, Fay! May gusto siya sa 'yo and d*mn that guy to hold you like that!" sigaw nito.
"Ano bang problema mo, Storm?" naiinis na tanong niya rito dahil pakiwari niya'y sinasaniban na naman ito ng sama ng ugali nito.
Ngunit sa halip na sagutin siya ay hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi niya at mabilis na namang siniil ng halik.
"You are my problem, Fay! Ayokong may ibang taong tumitingin sa 'yo, ayoko ng may ibang lalaki kang tinitingnan, at lalong ayokong may ibang humahawak sa 'yo! Mahirap bang intindihin 'yon?" galit na tanong nito. "Umpisa pa lang, sinabi ko na sa 'yo na akin ka lang!" Hindi na siya muling nakasagot dahil muli na naman nitong inangkin ang mga labi niya.
Sa mga salita at ginagawa nito sa kaniya ay mas lalo lang lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Isang bagay na alam niyang hindi nararapat ngunit hindi rin nila alam kung paano pa pipigilan.
"Pero kailangan ko talaga silang puntahan," nag-aalalang wika niya nang maglayo ang kanilang nga labi.
Napabuntong hininga na lang ito.
"Okay, fine! Pero sasama ako," matigas na sabi nito pagtapos ay hinila siya palabas ng Jack Ridge Kaya wala na siyang nagawa pa kundi magpatianod na lang dito.
"Sumakay ka na!" utos nito nang tumigil sila sa tapat ng isang kulay itim na Mercedes-Benz AMG GT.
"Seryoso ka na ito ang sasakyan natin?" di makapaniwalang tanong niya rito.
"Oo, bakit naman hindi?" nagtatakang tanong nito. "Sumakay ka na bago pa magbago ang isip ko!" naiinis na saad nito kaya napaismid na lang siya.
Kanina lang ang tatamis ng pinagsasabi ngayon 'kala mo sinaniban na naman! Naiiling na usal niya sa sarili.
Kung napanganga siya sa ganda ng sasakyan na iyon sa labas ay mas napanganga siya sa ganda noon sa loob. Muntik nang mawala sa isip niya na bilyonaryo nga pala ang mga Chavez.
"Teka, saan ba tayo?" tanong naman nito sa kaniya.
"Beer Garden daw malapit lang dito."
Mukhang alam na agad nito kung saan ang tinutukoy niya dahil mabilis na nitong pinaandar ang sasakyan na iyon, at nalulula siya sa bilis noon, hindi niya inaasahan na ganoon pala talaga kabilis ang sports car na iyon.
Ilang sandali lang ay nasa harapan na rin sila ng Beer Garden, kaya bumaba na siya at mabilis na pumasok sa loob. Alam naman niyang nakasunod lang sa kaniya ang binata.
Pagpasok niya ay si Treyton na sumasayaw sa may pole dancing stage ang bumungad sa kaniya. Bakas na bakas ang labis na kalasingan sa mga ginagawa nito.
Si Candice naman ay halos magtakip na ng mukha sa kahihiyang nararamdaman sa pinaggagagawa ng kaibigan.
"Cand!" tawag niya rito.
"Fay!" naiiyak na salubong nito sa kaniya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa taong 'yan! Kahit anong pigil ko ayaw talagang magpapigil!"
"Sige, ako na," saad naman niya. Akmang lalapit siya kay Treyton ng bigla siyang pigilan ni Storm. "Oh, bakit?"
"Oops! Kasama mo pala si Storm!" saad ni Candice nang makita ang binata ngunit tinapunan lamang ito ng tingin ni Storm.
"Lasing 'yan! Mamaya kung anong gawin sa 'yo niyan!"
"Lasing man siya, kaibigan ko pa rin 'yan. Kaya hindi niya magagawa kung anomang iniisip mo," tutol naman niya sa sinabi nito. Binitiwan naman siya nito kaya lumapit siya kay Treyton. "Treyt!"
"Uy! Nandito pa lang ang kaibigan kong wumasak sa puso ko!" iyak tawang wika nito pagtapos ay patalon na bumaba sa pole dancing stage at dahil sa kalasingan nito ay natumba ito.
"Ano bang ginagawa mo, Treyton?" naiiling na sermon niya rito habang tinutulungan itong tumayo.
"Ginagawa ko?" Pagtapos ay ngumisi ito. "Ito pinipilit na kalimutan ka."
Naiiling na tinitingnan lamang ni Storm ang lalaking tinutulungan ni Fay. Nakita nitong hirap na hirap ang dalaga kaya naman mabilis siyang lumapit, lalo na nang makitang akmang yayakapin nito ang dalaga. Si Storm ang pumalit sa puwesto ni Fay kaya ang binata ang nayakap ni Treyton.
"Bakit ba kasi hindi mo ko kayang piliin?" tanong ni Treyton habang mahigpit na nakayakap kay Storm. Pilit naman itong itinutulak ng binata ngunit habang tinutulak niya ito ay mas humihigpit ang yakap nito. "Bakit parang ang tangkad mo ngayon, Fay?" tanong pa ni Treyton habang kinakapa nito ang buong katawan ng binata.
"Dahil hindi ako si Fay!" bulyaw naman ni Storm kaya binitiwan siya nito.
"Oh, nandito rin pala 'tong gunggong kong karibal? Anong ginagawa mo rito? Gusto mo bang makita kung gaano ako kamiserable?" Pagtapos ay susuray-suray itong lumakad palayo kay Storm. "Hoy, Fay! Bakit sinama mo pa 'yang siraulo mong stepbrother dito?" baling na tanong nito sa dalaga.
"Alam mo manahimik ka na dahil lasing na lasing ka na!" iritableng sigaw ni Storm dito.
"G*go! Ikaw ang manahimik! Hindi mo alam yung nararamdaman ko dahil ikaw yung pinili!" ganting bulyaw ni Treyton. "Tang*na nito, eh! 'Kala mo kung sinong guwapo! Mayaman lang naman!"
Sa sinabi nitong iyon ay marahas itong sinipa ni Storm dahilan para matumba ang isa. Galit na galit namang sinugod ni Treyton si Storm ngunit dahil sa kalasingan nito ay hindi rin naman tumatama ang mga suntok nito sa binata kaya naman sinunggaban na lang niya ito at doon sila parehong bumagsak sa sahig. Umibabaw si Treyton rito at nagpupumiglas naman si Storm.
"One... two... three... knockout!" sigaw pa ni Treyton na waring nasa boxing arena ang dalawa. "Talo ka na kaya dapat layuan mo na si Fay!"
"Tarantado! Umalis ka diyan ang bigat mo!" bulyaw ni Storm rito habang nagpupumiglas pa rin. Buong lakas itong itinulak ng binata kaya tumaob naman si Treyton.
Habang ang dalawang babae ay nagkakatinginan na lang sa ginagawa ng dalawang iyon.
"Gaano na ba karami ang nainom niya?" naiiling na tanong ni Fay.
"Nakakatatlong bote na siya ng rum, pagkatapos niya tunggain yung pangatlo ayan tuluyan na siyang nawala sa sarili."
Iyon ang unang pagkakataon na nakita nilang ganoon ang binata dahil kung naiisipan man nilang magkakaibigan na mag-inuman ay hindi ito masyadong nagpapakalasing dahil ito ang madalas na umaalalay sa kanilang dalawa ni Candice.
Kaya naman alam ni Fay na labis talaga itong nasaktan sa nangyari. Bagaman alam niyang wala siyang magagawa sa sakit na nararamdaman nito. Isa pa mas naging malinaw sa kaniya nang araw na iyon kung ano ang totoong nararamdaman niya para kay Storm.
Biglang tumayo si Treyton at lumapit sa bar counter. Gegewang-gewang itong naupo sa upuang naroon.
"Ishang bote fa nga ng rum," utos nito habang nakapikit na at lungayngay na ang ulo kaya mabilis silang lumapit dito.
"Treyt, tigilan mo na 'yan," awat na ni Candice sa binata. "Lasing na lasing ka na!"
"Anong lashing? Hindi fa ko lashing!" animo'y lalo itong tinamaan ng alak na ininom nito dahil maging sa pagsasalita nito ay mababakas na ang kalasingan. "Hoy! Shabi ko! Isha fang rum!" Nagulat naman ang bartender na naroon kaya mabilis nitong iniabot ang rum na hinihingi nito. Pagkalapag na pagkalapag noon sa lamesa ay mabilis nitong tinungga iyon at sa huling lagok nito ay tuluyan nang bumagsak ang binata.
"Hindi pa lasing 'yang lagay na 'yan, ha?" naiiling na wika ni Candice. "Paano natin ngayon iuuwi 'yan?"
"Siguro, ang maganda sa Jack Ridge na rin kayo magpalipas ng gabi. Sigurado namang maraming bakanteng cottages doon," suhestiyon naman niya pagtapos ay tumingin siya kay Storm.
"Ano?" nagtatakang tanong nito.
"Si Treyton na ang isakay mo, magta-taxi na lang kami ni Candice," usal niya dahil hindi naman sila kasyang apat sa sports car na dala nito.
"Ano! At bakit ko isasakay 'yang kurimaw na 'yan sa sasakyan ko?" iritableng wika naman nito.
"Oh, di sige kami na lang ang magdadala sa kaniya," inis na saad niya saka lumapit kay Treyton, kinuha niya ang braso nito at isinampay sa balikat niya. "Cand, ikaw sa kabila."
Akmang gagawin na ni Candice ang sinabi niya ng biglang kuhain sa kaniya ni Storm ang braso nito at inis na inis na binuhat ang lasing na binata.
"Mag-iinom kasi tapos hindi naman kaya!" bulyaw nito habang isinampay sa balikat nito ang katawan ng lasing na binata na animo'y isang sakong bigas lamang ang bitbit nito.
"Storm, mag-ingat ka naman baka tumama ang ulo ni Treyton," angal naman ni Fay dito.
"Ano bang gusto mo i-babysit ko pa 'tong talunan na 'to!" iritableng usal nito sa kaniya.
Grabe! Napaka-inconsiderate talaga nitong lalaking 'to! Naiiling na wika niya sa sarili.
"Ma'am!" malakas na tawag sa kanila noong bartender kaya sabay-sabay rin silang napalingon dito.
"Bakit?" tanong niya.
"Hindi pa po kasi bayad ang lahat ng nainom ni sir," nag-aalangang wika nito saka inabot sa kaniya ang resibo ng mga nainom nito.
"5,978?" di makapaniwalang tumingin siya rito.
"Opo, yung pinakamatapang po kasing alak ang hiningi niya, at iyon din po ang pinakamahal naming alak dito," paliwanag naman nito.
"May pera bang dala 'tong si Treyton?" baling niya kay Candice.
"Hala! Hindi ko alam," nag-aalalang sagot naman nito.
"Pambihira! Ang lakas ng loob uminom pagtapos wala palang pera!" galit na usal na naman ni Storm, at kahit buhat-buhat ito ang lasing na binata ay walang kahirap-hirap na nailabas nito ang wallet at binigyan ng anim na tig-iisang libo ang bartender. Pagtapos ay dumeretso na ito palabas ng bar na iyon.
Paglabas nila ay ipinapasok na ni Storm sa sasakyan nito ang binata at wala itong pakialam kahit magkanda tama-tama na ang ulo ni Treyton kung saan-saan.
"Ayusin mo naman, Storm!" sita niya sa binata.
Hindi ito sumagot sa halip ay pinara nito ang paparating na taxi, paghinto naman ng taxi ay lumapit ito sa driver's seat.
"Pakihatid itong dalawa sa Jack Ridge, susundan ko ang sasakyan mo kaya mag-iingat ka sa kilos mo," may pagbabantang wika nito sa driver kaya hindi maiwasang magsalubong ang kilay ni Fay. "Sige na, sumakay na kayo," utos nito.
Pagsakay nila, tulad ng sinabi nito ay nakasunod ang sasakyan nito sa sinasakyan nilang taxi.
"Grabe, nakakatakot pala si Papa S magbanta! Pero alam mo, ghorl? May spark na kayo, ha! Anong ganap?" nakangiting tanong sa kaniya ni Candice nang mapansing lingon siya nang lingon sa likuran ng sinasakyan nila.
"Ha? Wala naman." tanggi naman niya.
"Ay sus!" di naniniwalang wika nito. "Kanina lang nagwawala siya sa party tapos pagpunta sa bar magkasama na kayo!"
Ngunit totoo naman kasi ang sinabi niya dahil hindi naman niya alam kung ano ang totoong nararamdaman ng binata dahil mula sa simula naman ay ganoon na ito ka-possessive sa kaniya kaya hindi niya alam kung may nabago ba sa nararamdaman nito. Ang tanging nasisiguro lamang niya ay ang nararamdaman niya para rito.