HINDI alam ni Fay kung saan sila pupunta ni Storm kaya wala siyang magagawa kundi ang magtiwala sa bawat galaw nito. May mga tinatawagan ito na hindi niya alam kung sino at may pinupuntahan sila na hindi niya alam kung saan. “Fay, dala mo ba yung phone mo?” tanong ni Storm kaya napatingin siya rito. “Oo, bakit? Kailangan mo ba?” balik tanong niya. “Hindi, but you have to turned it off,” she gave him an asking look. “They can track us using your phone signal, kaya para safe tayo mas maganda na i-turned off mo na lang.” Napatango naman siya rito at kinuha ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang hoodie jacket at pinatay iyon. “Saan tayo pupunta, Storm? Bakit nandito tayo?” Kasalukuyan kasi silang nasa tabing dagat at naghihintay ng bangka. ‘Yon lang ang tanging alam niya. “Dito tayo

