Cassie’s POV Kinaumagahan, putcha. Hindi ako makatingin sa kisame nang hindi naiisip ang nangyari sa amin ni David kagabi. Alam mo 'yong feeling na para kang sinabugan ng fireworks habang sinasakal ng kumot ng realidad? Gano'n. Hindi ako sure kung dahil sa tatlong buwang pagkatiis namin ni David, o dahil sa kung paano siya tumitig sa akin habang paulit-ulit niya akong tinatawag na "mine" kagabi pero ang totoo? Ako ‘yong hindi na makatulog. Wala pa rin siyang naririnig na "oo" mula sa akin. Pero hindi rin siya tumitigil. At kagabi, kahit wala kaming malinaw na kasunduan, kahit hindi pa kami officially “tayo,” parang sinelyuhan na ng katawan ko ‘yong sagot na hindi ko pa kayang sabihin. Nakakainis. Dahil hindi ko alam kung ano ako sa kanya. Kung hanggang kailan siya manliligaw. Kung kai

