Cassie’s POV Kinabukasan, parang ibang-iba ang atmosphere sa mansion ng mga Yao. Pagkababa namin mula sa kwarto ni David, sinalubong agad kami ng Mommy ni David sa dining area. Ang laki ng ngiti niya. “Cassie! Anak, dito ka na umupo sa tabi ko.” Hinila niya ako papalapit, hindi man lang inalintana si David. Napatingin ako kay David, pero napangiti lang siya at nag-shrug. Para bang sinasabi niyang let her be. “Anong gusto mo, hija? May special diet ka na dapat! Hindi ka pwedeng basta kumain ng kung ano-ano,” excited na wika ng mommy ni David habang tinatawag ang mga staff. “Juice! Fruits! At wag niyo nang ilabas ang kape, baka maamoy lang ng maam Cassie niyo.” Napayuko ako, nahihiya. Okay lang po ako—” “No, Cassie. You’re carrying my apo. Kaya ako na ang bahala sa iyo,” sabay hawak n

