Cassie’s POV Pagkababa namin ng yate, hindi pa agad niya ako pinayagan umuwi. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil gusto pa niya ako makasama damhin ang nalalabing oras. O baka gusto ko lang magkaroon ng kahit isang gabi pa sa pagitan ng pagiging "kami" sa isla at sa pagbabalik sa tunay na mundo. At hindi na ako nagulat nang imbes na ihatid ako pauwi, ay dumiretso kami sa isa sa mga penthouse unit ng isang Yao-owned skyscraper sa may BGC. Tahimik kami habang nasa elevator. Si David, hawak pa rin ang kamay ko. Ako, pinipigilan ang sarili kong maging emosyonal. Kasi alam kong pag-alis ko kinaumagahan, tapos na ang maliit na mundo na binuo namin. Pagpasok sa unit, hindi na kami nag-usap. Wala nang mga birong madalas naming ginagawa. Ang tanging narinig ko ay ang mahinang pagsara ng pin

