Don't stalk! -kung gusto mo talagang maka-move on, never ever open his/her social media account. Maawa ka sa sarili mo, tino-t*****e mo ang sarili mo sa ginagawa mo! Kahit anong bagay na related sa kanya `wag mo ng pakialaman o silipin man lang. Learn to let go. Geraldine ISANG BUWAN na ang nakalipas mula nang maging close kami ni Dexter. Actually, `di naman super close. Nabawasan lang `yong tarayan at supladuhan moment namin. Mayroon pa rin minsan pero konti na lang. Kasi naman minsan, sobra na siyang makialam. Araw-araw pa rin niya akong sinusundo at hinahatid dito sa bakeshop. Ang tigaya nga, eh! Kung `di lang dahil sa kasunduan, iisipin kong nanliligaw siya sa akin. Pero BIG NO! Mahirap mag-assume! Naalala ko pa noong first day niya akong ihatid dito sa shop. Natatawa

