- People leave not because things are hard but because he chose the people they loved. People leave not because they are no longer wants you but because he gives you up for the sake of those peoples who bound to love him... Its hurts but it's the truth... acceptance! Dexter HINDI MAPAWI ang ngiti sa labi ko hanggang sa makauwi ako ng bahay. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi mawaglit sa isip ko ang magandang mukha ni Geraldine. Ang ngiti nito at pagtawa habang magkasama kami sa mall kanina. Pati na rin ang ganda ng boses niya nang kumanta na siya sa videoke. Parang naririnig ko pa sa aking gunita ang boses niya nang kantahin ang How did you know version of Aiza Seguera. Alam kong si Grachelle ang pumili ng kantang iyon ngunit pakiramdam ko taos sa puso n

