Chapter 1: Estranghero

1156 Words
Sydney "Anak?" narinig kong tawag sa akin ni inay mula sa sala. "Bakit po, inay?" tugon ko habang maingat na naglalagay ng pagkain sa hapag-kainan. "Bakit ang aga mo masyadong nagising, anak?" tanong niya nang makapunta siya sa kusina. "Unang araw ko po kasi ngayon sa Blue Prime Hotel, inay. Tapos na po kasi ang two weeks training namin kaya sobang kabado at excited po ako," pagkukwento ko sa kanya. "Ganoon ba? Sana anak sinabi mo sa akin kagabi. Para naman ako na ang naghanda ng almusal at nagkaroon ka pa ng sapat na oras para makapagpahinga." "Nay, kaya ko naman pong maghanda pa rin ng almusal kahit maaga ang pasok ko." "Kahit na, anak. Masyado ka nang maraming isinasakripisyo lagi sa amin ng mga kapatid mo—" Agad ko siyang pinutol sa nais niyang sabihin. "Inay, ginagawa ko po ang lahat ng ito dahil mahal ko kayo. At natural lang naman po na gawin ko ang mga bagay na ito." Lumapit ako sa kanya at iginiya siya paupo sa upuan ng hapag-kainan. "Gigisingin ko lang po sila Seven at Sandra para makapag-almusal na rin sila at makapaghanda sa pagpasok nila sa eskwela." Nakangiting tumango sa akin si nanay at pagkuwan ay iniwanan ko na nga siya para puntahan sa kwarto ang mga kapatid ko. Nang magising ko na nga sila ay sabay-sabay na kaming nag-almusal. Seven, is a fifteen-year-old boy. At si Sandra naman, na bunso naming kapatid na babae ay twelve years old. Kapwa silang nag-aaral ngayon, si Seven ay nasa grade 9 na, habang si Sandra naman ay grade 6. Tindera naman sa palengke ang hanap-buhay ni Inay. At ako naman para makatulong sa mga gastusin at bayarin namin sa utang ay kung ano-ano nang trabaho ang pinasok ko. Naging service crew ako sa isang fast-food chain, naging sales lady at naging waitress. At ang kasulukuyan na trabaho ko ngayon ay housekeeper sa isang pinakasikat at pinakamahal na hotel sa bansa—ang Blue Prime Hotel. Labing walong taong gulang ako noong magpasya ako na tumigil na sa pag-aaral at magsimula na sa pagtatrabaho. Namatay kasi noon ang aming ama dahil sa malubhang sakit, at naiwan sa amin ang madami niyang pagkakautang sa mga tao. Iyon ang nagtulak sa akin para i-give up ang sarili kong pangarap na makapagtapos sa pag-aaral. Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang mapagtapos ko ang mga kapatid ko at ang matulungan ko si inay. Nang matapos kami sa pag-aagahan, ay nagsimula na akong maghanda ng aking sarili para sa unang araw ko sa Blue Prime Hotel bilang isang ganap na empleyado roon. "Inay, aalis na po ako," pagpapaalam ko kay inay. "Mag-iingat ka, anak ha." Humalik ako sa pisngi ni inay at hinagkan ko rin ang mga kapatid ko. "Mag-aral kayong dalawa ng mabuti ha, bye!" paalam ko sa dalawa kong kapatid saka ako tuluyang umalis ng bahay. Halos isang oras din ang naging biyahe ko nang marating ko ang Blue Prime Hotel. Mabilis akong nagtungo sa loob habang nakasabit ang I.D ko sa kaliwang dibdib ko. Pinapasok naman ako ni Mang Boni, ang bodyguard na naka-duty ngayong araw. Dumeretsyo ako sa dressing room ng mga staff ng hotel upang magbihis ng uniporme namin. "Good morning, Sydney," nakangiting bati sa akin ni Ivy. Isa siya sa mabait na nag-training sa akin sa dalawang linggo na lumipas. Halos kasing edad ko lang din siya kaya naman napakakomportable ko sa kanya. "Good morning din, Ivy," nakangiting tugon ko sa kanya. "Sa akin ka sasama today sabi ni Ms. Leticia," aniya. "Oo. Sobrang saya ko nga dahil ikaw ang ka-partner ko," masayang sabi ko kay Ivy. "Ako rin! Feeling ko gaganda na ako dahil araw-araw kitang makakasama. Hawaan mo ako ng kagandahan mo huh," aniya at kapwa kaming natawa. "Hindi mo na kailangan pang magpahawa sa akin dahil mas maganda ka, Ivy," saad ko. "Ay sus! Napaka-humble mo talaga." Natawa habang naiiling na lamang ako sa kanya. Pagkatapos naming magbihis ni Ivy ay sabay na kaming nagtungo sa pool area ng Blue Prime Hotel. Ngayong araw ay doon kami nakatoka. Upang maglinis at maghatid ng serbisyo sa mga taong naroroon. Naging kapwa kaming abala ni Ivy sa maghapon na paglilinis at pag-aasikaso sa mga utos at demand ng mga customer namin. Hanggang sa... may dumating na couple at pumuwesto sa may double chaise lounge. Nagtaas ng kamay ang babae, senyales na kailangan at tinatawag niya ako kaya naman mabilis akong nagtungo sa kinaroroonan nila. "Good afternoon, ma'am. Ano pong kailangan n’yo po?" magiliw na tanong ko rito at napasulyap ako sa lalaking kasama niya dahil sa titig nito sa akin. Nakaramdam naman ako ng matinding pagkailang nang ngitian at kindatan ako ng lalaki. "Miss, pwede bang makahingi ng extra towel? Naiwan ko kasi sa room namin 'yong sa akin," tugon niya. "S-sure ma'am, wait lang po." "Thanks!" aniya at mabilis akong kumuha ng towel na kailangan niya. Bagaman naiilang ako sa lalaking iyon ay isinantabi ko na lang muna ang kaisipan na iyon at bumalik ako sa pwesto nila. Pero wala na roon ang babae at tanging ang lalaki na lamang na kasama nito ang nandoon. Napalunok ako saka marahan na lumapit dito. "Excuse me, sir. Ito na po 'yong towel na hinihingi ng kasama n’yo po." Tumayo ang lalaki habang nakangisi sa akin. Lumapit siya sa akin at marahan na kinuha ang towel sa kamay ko at nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang haplusin niya ang ibaba ko sa likuran. Dahil doon ay agad ko siyang naitulak. "Bastos!" mariin na sigaw ko. "Easy p***y," nakangising sabi niya. "What's going on here? Bakit mo tinulak ang boyfriend ko?" Biglang sumulpot ang babae at pumagitna sa amin. Hindi ako nakapagsalita. Para bang may kung anong nagbara sa lalamunan ko. Gusto kong sabihin sa babaeng nasa harapan ko ngayon ang kabastusan na ginawa sa akin ng nobyo niya pero tila ba wala akong lakas para gawin iyon. Tinaasan ako ng kilay ng lalaki habang nakangisi pa rin. Para ba itong nang-aasar at gustong-gusto ko siyang sampalin! "Tell me, bakit mo tinulak ang boyfriend ko?!" Medyo tumaas na ang boses ng babae dahilan para maagaw na namin ang atensyon ng ibang mga tao na naroon. Huminga ako ng malalim at napayuko na lamang. "P-pasensya na po—" "Hinipuan siya ng boyfriend mo." Napaangat ako sa boses na iyon at bumungad sa akin ang isang lalaki na kalalapit lamang sa amin. "What the heck? Bakit naman siya hihipuan ng boyfriend ko? Isang tulad niya pa talaga huh?" maarteng sabi ng babae. "Nagtatanong ka 'di ba? Kasi hindi mo alam kung bakit niya ginawa iyon. So, sinasabi ko sa iyo ang dahilan kasi nakita ko iyon ng buo." "Pwede ba? Hindi ka naman kasali rito. Hindi ikaw ang kinakausap ko. Huwag kang pakialamero!" "Hindi ako pakialamero Miss, sinasabi ko lang ang nakita ko." At nang sandaling iyon, nakaramdam ng kapanatagan ang loob ko dahil sa estrangherong naging boses ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD