Prologue

1128 Words
"Hi, Ma'am, ano pong hanap?" magiliw na tanong ko sa babaeng mukhang nasa mid-thirties ang edad. Maingat niyang ibinaba ang shades na suot niya saka marahan na inilibot ang mga mata sa mga sapatos na naka-display sa kanyang harapan. Nang may matipuhan siya ay agad niya iyong hinipo at tiningnan "May size 9 kayo nito?" tanong niya sa akin. "Yes, Ma'am. All sizes are available po," nakangiti kong tugon dito. "How about colors? Available rin ba ang lahat ng kulay?" tanong niya ulit. Magiliw naman akong tumango sa kanya saka nagsalita. "Yes po, Ma'am." "Good. Give me size 9, color red," aniya. "Noted po," tugon ko naman dito at mabilis na akong kumilos para asikasuhin ang item na gusto niya. Thank God dahil nakabenta pa ako kahit last minute na. Ten minutes na lang kasi ay mag-aalas sais na ng hapon at kakailanganin ko ng magsara ng shop. Nang matapos ko nang asikasuhin ang item ng customer ay magiliw ko iyong iniabot sa kanya. Binayaran naman niya ako gamit ang cash at nang akmang susuklian ko na siya dahil sa sobrang halaga na ibinayad niya ay agad itong nagsalita. "Keep the change, Ms.," saad nito saka ngumiti sa akin. "Thank you, Ma'am!" masayang-masayang tugon ko rito bago ito tuluyang makalabas ng shop. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa labis na pagkatuwa. Malaking bagay ang tip na iyon para sa akin kaya naman mas lalo akong ginanahan para sa gabing ito. "Ganda ng ngiti mo diyan huh. Malaki ba ang tip?" tanong sa akin ni Bia. Kasamahan kong sales lady. Tumango ako sa kanya bilang pagtugon. "Pangdagdag ko para sa kailangang bayaran ni Seven sa school niya." "Napakabuti at sweet talaga ng ate. Sana all may ate," ani Bia. "Sana all may tatay pa," ganti ko rito at kapwa na lang kaming natawa. Pagkalipas ng ilang minuto ay magkatuwang na naming nilinis at isinara ang shop. "Deretsyo ka na niyan sa resto?" tanong sa akin ni Bia nang matapos kami sa pagsasara. "Oo. Bukas na lang ako hihingi ng off," tugon ko sa kanya. "Okay sige. Ingat ka huh. See you tomorrow!" nakangiting paalam niya sa akin at naglakad na ito palayo. Mabilis naman akong tumawid mula sa kabilang kalsada at pumara ng jeep. Sumakay ako rito at bumaba sa Restaurant na pinagtatrabahuhan ko bilang isang waitress. Dalawa ang hanap-buhay ko. Sales lady sa umaga at waitress naman sa gabi. Four hours duty lang naman ako bilang waitress kaya may natitira pang ilang oras sa akin para makatulog at makapagpahinga. Malaki-laki rin kasi ang kinikita ko sa pagwe-waitress lalo na sa mga tip na ibinibigay ng mga mayayaman naming customer. Nang makapasok ako sa restaurant ay agad akong nagtungo sa staff room at nagbihis ng uniform namin sa dressing room. Tapos nag-duty na ako. Nag-asikaso ng mga customer at nag-take ng mga order nila. Hanggang sa, may isang lalaking pumasok sa loob ng resto ang nakaagaw ng pansin ko. Napaka-pormal ng suot niya, napakalinis at napakagwapo niyang tingnan. May dala siyang isang bouquet ng pulang rosas, tapos sa isang kamay niya ay may hawak itong maliit na kahon. "I-assist mo," utos sa akin ng manager namin kaya mabilis akong lumapit sa lalaking kadarating lang at iginiya ko ito sa maayos at komportableng pwesto. Inabutan ko siya ng menu pero mabilis niya iyong tinanggihan. "I'm still waiting for someone, I'll order later," matipunong saad niya. "O-okay, sir. You want some water to drink?" pag-offer ko sa kanya at tanging pagtango na lamang ang naging tugon niya sa akin. "With or without ice, sir?" "Anything will do," matipid na tugon niya. "Okay, sir." Mabilis akong kumilos at kumuha ng tubig niya. Dinala ko iyon sa kanya at pagkatapos ay bumalik ako sa dati kong pwesto pero nanatili lamang ang paningin at atensyon ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit o kung ano ang mayroon sa kanya at kuhang-kuha niya ang buong atensyon ko. Marami naman akong nakitang lalaki at gwapo sa tanang buhay ko. Pero hindi ko maiwasan ang hindi mapalingon ng maya't maya sa lalaking iyon. At para mapunta sa iba ang atensyon ko ay nakipagpalit na muna ako ng pwesto sa kasamahan ko. Umakyat ako at doon pumwesto sa roofdeck ng restaurant. At hindi naman ako nabigo dahil marami ang customer na nakapwesto roon, kaya naging busy ako. Lumipas ang ilang oras ng pagtatrabaho ko nang gabing iyon. At ilang minuto na lang ay magsasara na ang restaurant. Bumaba ako from roofdeck upang magpalit na ng damit dahil mag-oout na ako. Pero laking gulat ko nang makita ang lalaki kanina na nandoon pa rin. Mag-isa pa rin ito at tanging ang bouquet lang ng pulang rosas at maliit na kahon ang kasama niya. "Wala pa rin 'yong hinihintay niya?" bulong ko sa aking sarili at tuluyan na nga akong nagtungo sa dressing room para magpalit ng damit at makapaghanda pauwi. Nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko. At nang tutunguhin ko na ang palabas ng restaurant ay nakita kong tumayo at umalis na ang lalaking pinagmamasdan ko kanina. Nakita ko ang maliit na box na hawak niya kanina sa table. Naiwan niya ito kaya naman mabilis ko itong kinuha at hinabol siya. Hindi naman ako nabigo dahil pagkalabas ko ay natanaw ko agad siya na naglalakad. Napansin ko pa ang bouquet ng rosas na hawak niya kanina na ngayon ay nasa basurahan na. Tumakbo ako at agad na hinabol siya. "Sir, sir sandali po!" tawag ko rito. Nilingon niya naman ako nang maabutan ko siya. "Sir... n-naiwan n’yo... naiwan n’yo po, sir," hinihingal na sabi ko. Iniabot ko sa kanya ang maliit na box pero walang emosyon niya lang na tiningnan iyon. "You can keep it," buo ang boses na pagkakasabi niya. "H-huh?" "Keep it or just throw it away," aniya sabay talikod sa akin at nagsimula na ulit maglakad patungo sa isang itim na sasakyan. "S-sandali, sir. Sigurado po ba kayo?" awat ko sa kanya. Bumalin ulit siya sa akin. "Ano po bang laman nito?" Binuksan ko ang kahon na iyon at bumungad sa akin ang isang maganda at kumikinang na bracelet na pangbabae. Natutop ko ang aking bibig. "Ang ganda!" manghang sabi ko. "Sure po kayo, sir? Ayaw n’yo na ito? Mukhang ang mahal nito eh, napakaganda po nito," sunod-sunod na sabi ko. Pero nanatili lamang siyang walang imik at saka ako muling tinalikuran. Pero agad ko rin siyang inawat sa pag-alis niya. "Sir, teka. Huling tanong po, ayaw n’yo na po ba talaga ito?" "It's yours now. You can do everything you want to do there." Pagkasabi niya no'n ay mabilis na siyang sumakay sa kotse niya, at bago pa man niya ito paandarin ay... "Sir, naisasanla naman po ito, ano?" pahabol na sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD