Chapter 10: Tears

2367 Words

Sydney Ortiz Maingat kong binuksan ang bintana at ang pintuan ng balcony ng isa sa kababakante lang na room ng Hotel. Pagkatapos ay hinubad ko ang bed sheet ng kama maging ang mga punda ng unan nito. Nang matapos ko namang gawin iyon ay isa-isa ko namang kinuha at kinolekta ang mga basura na nasa basurahan. Inilagay ko iyon sa dala-dala kong garbage bag saka ko maayos na ibinuhol ito. Iniligpit ko rin ang lahat ng mga kalat sa kwartong ito. Mga gamit na baso, bote ng alak, balat ng chichirya at mga pinagkainan. Napailing pa ako ng ilang beses nang may makita akong gamit na condom sa sahig. Sa pagkakatanda ko ay grupo ng mga kabataan ang huling nag-check in sa room na ito. “Alam kaya ng mga magulang nila ang mga pinaggagagawa ng mga kabataan na iyon?” mahinang pagkausap ko sa aking sarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD