Sydney Ortiz Maingat at marahan kong isinara ang pintuan ng opisina niya. Hindi pa rin normal ang pagkabog ng dibdib ko hanggang sa tuluyan kong lisanin ang lugar na iyon. Paulit-ulit na nagbabalik sa isipan ko ang malulungkot niyang mga mata at ang masakit na paghikbi niya. ‘Ano kayang pinagdaraanan niya? Ano ang dahilan ng mga luhang umalpas mula sa kanyang mga mata? Bakit kaya siya labis na nasasaktan?’ Mga katanungan na paulit-ulit na umiikot sa isipan ko hanggang sa magbalik ako sa trabaho. “Sydney!” Agad akong napalingon sa boses na tumawag sa akin. Nakita ko si Juliet na nakangiting naglalakad papalapit sa akin. “Juliet…” “Nakita mo na ‘yong name tag mo?” tanong niya nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Bumaba ang tingin niya sa kaliwang dibdib ko at agad na malawak na napan

