Chapter 7: Help From a Stranger

2459 Words
Sydney Ortiz Kasabay no’n ang pagkalam ng sikmura niya na kapwa naming tinawanan. Sinulayapan ko ang oras sa relong suot ko. Alas otso na ng umaga. Nakapasok na siguro sa eskwelahan ang dalawa kong kapatid. Sina Seven at Sandra. “May… kailangan ka pa bang puntahan?” tanong ni George sa akin. “Iniisip ko lang ang mga kapatid ko. Nakapasok na siguro sila sa eskwelahan,” tugon ko sa kanya. “I see,” saad niya habang tumatango-tango pa. “Saan ba ang school nila?” “Medyo may kalayuan mula rito. Bakit mo naitanong?” “Naisip ko lang, kung bilhan din kaya natin sila ng pagkain,” tugon niya. “Naku, hindi na. Sigurado naman ako na pinag-almusal sila ni Inay bago pumasok sa eskwelahan.” “Kung ganoon… pwede na rin tayong kumain?” tanong niya. Nakangiti naman akong tumango sa kanya bilang pagtugon. Lumabas kami mula sa pampublikong hospital at bumalik na sa nakaparadang sasakyan niya. Sumakay kami roon saka niya tuluyang binuhay ang makina nito at pinaandar na. Maya-maya pa ay tumigil kami sa tapat ng isang restaurant na halatado namang mamahalin ito dahil sa ambiance pa lang nito sa labas. “Let’s go,” nakangiting yaya ni George saka ito dere-deretsyong naglakad papasok sa loob. Sisigaw sana ako upang awatin siya sa tuluyang pagpasok niya, pero dahil na rin sa mga taong napakadesente ng ayos na nagdaratingan ay hindi ko na iyon nagawa. At sa halip ay sumunod na lang din ako sa kanya papasok sa loob. Iginiya kami ng isang matangkad na waitress patungo sa nasa gilid na table. Naupo si George kaagad doon saka hinawakan ang restaurant menu. Marahan naman akong naupo rin sa tapat niya at tahimik kong hinawakan at tiningnan din ang restaurant menu. Halos malula naman ako sa mga presyong nakalagay doon. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala na parang ginto ang bawat pagkain na isine-serve nila dito. Minsan na rin naman akong nagtrabaho sa mga sosyal na restaurant pero kakaiba naman ang restaurant na ito. Ang pasta ay nagkakahalaga ng dalawampung libong piso. ‘Ano ba ‘to? May hibla ng ginto na kasama?’ bulong ng isipan ko sa aking sarili. ‘Rib-Eye Steak; 3,500. Bourbon Street Chicken and Shrimp; 3,000. Chicken Tender Platter; 3,700. Chicken Madeira; 3,200. Honey BBQ Wings; 2,800. Crispy Caramel Chicken; 4,000.’ Agad kong itinigil ang pagbabasa ng menu sa isipan ko. Para akong nahilo bigla dahil sa gutom at takam ko sa mga pagkain ng restaurant na ito, pero mas nakakahilo ang presyo ng mga ito. Sinulyapan ko si George na abala pa rin sa pagtitingin ng menu. Marahan akong lumapit sa kanya habang ginawa kong pangharang ang menu na hawak ko upang hindi marinig ng iba ang sasabihin ko sa kanya. “Alam mo… may alam akong masarap na kainan. Araw-araw madami ang pumipila dahil sa sarap ng pagkain nila,” mahinang bulong ko sa kanya. Bahagya siyang ngumiti sa akin saka lumapit din. Ginaya niya ang ginawa kong pagharang ng menu upang hindi rin marinig ng iba ang sasabihin niya. “Huwag kang mag-alala. Since, ako ang nagyaya sa iyo, ako ang taya ngayon,” mahinang tugon niya sa akin. “Pero kasi… hindi ako komportable rito. Pakiramdam ko ay hindi ako mabubusog,” saad ko sa may mahinang boses pa rin. Bahagya siyang mataman na napatitig sa akin. “P-pero… sige, ikaw. Kung dito mo gusto —” “Let’s go,” nakangiting agad na putol niya sa akin. “Huh?” “Doon tayo sa kung saan ka komportable,” nakangiting wika niya at nang mga sandaling iyon ay may kung anong parang humaplos sa puso ko. “Tara,” yaya niya pa saka siya tumayo at hinawakan ako sa kamay ko upang makatayo rin. Marahan niya akong hinila palabas ng restaurant at unti-unti, tila nag-iba ang normal na pagtibok ng puso ko. Napatitig ako sa kamay kong hawak-hawak niya at pilit kong hinahagilap sa isipan ko ang sagot sa kung bakit biglang nag-iba ang t***k ng puso ko. Nang makarating kami sa labas ng restaurant, sa tapat ng kotse niya ay agad na niyang binitiwan ang kamay ko. Bigla namang nakaramdam ng pangungulila ang kamay kong ngayon lang nahawakan nang ganoon katagal ng isang lalaki. “Are you alright?” balin niya sa akin. “Huh?” tila wala sa sariling tugon ko sa kanya. “Ah… o-oo. Ayos lang ako.” “Let’s go,” nakangiting yaya niya saka siya sumakay sa sasakyan niya. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ako sumunod sa kanya na sumakay rin sa sasakyan niya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan niya saka ito tuluyang pinaandar. “Saan ba ang sinasabi mo na masarap na kainan?” pagkuwan ay tanong niya sa akin. Itinuro ko nga sa kanya ang daan papunta sa mura ngunit masarap na kainan na paborito naming puntahan nina Inay, Seven at Sandra. Ilang sandali pa nang makarating kami roon ni George. “Nandito na tayo,” masayang saad ko kay George. Sinilip at pinagmasdan naman ni George ang kainan na nasa tapat namin. Simpleng kainan lamang iyon pero hindi naman nakakahiyang ibida sa iba, sapagkat masasarap talaga ang mga pagkaing isine-serve nila rito. “Mukhang masarap nga dito. Madaming tao ang nakain at kita sa mga mukha nila na nag-eenjoy sila sa pagkain,” komento ni George. “Tara na! Sigurado talaga akong hindi ka magsisisi rito,” pagyayabang ko pa sa kanya saka kami kapwang bumaba na ng sasakyan niya. Pumasok kami sa loob at naghanap agad ng mapupwestuhan. “Ano ba ang best seller nila rito?” tanong sa akin ni George nang makaupo na kami pareho. “Bangsilog at Liemposilog ang pinakamabenta ritong pagkain nila. Pero ang pinakabinabalik-balikan ko rito ay ‘yong Porksilog at Tapsilog nila,” pahayag ko kay George. “Kung ganoon, iyon na lang din ang kakainin ko,” nakangiting wika niya. “Huh? Sure ka? Marami pa naman silang ibang pwedeng pagpilian na pagkain dito e.” “Gusto ko ‘yong kung ano rin ang gusto mo,” nakangiting tugon niya. “O-okay,” saad ko saka ako mabilis na tumayo. “Teka,” awat niya sa akin. “Where are you going?” nagtatakang tanong niya pa. “Self-service kasi rito. Sandali lang,” tugon ko sa kanya saka ako tuluyang nagtungo sa counter at umorder ng pagkain namin. Ilang minuto pa ang hinintay ko dahil sa paghahanda pa ng mga pagkain. At maya-maya lang ay iniabot na iyon sa akin ng babaeng nasa counter. Pagkabigay sa akin ng order naming pagkain ay binayaran ko na rin iyon kaagad. Saka ako bumalik sa pwesto namin ni George. “Let’s eat,” masayang wika ko habang takam na takam sa mga pagkain na nasa harapan namin. Hinayaan ko na munang unang sumubo ng pagkain niya si George. Unang subo ay mainam niya pa iyong nginuya na tila ba nilalasahan niya iyon ng mabuti. “Hmm… masarap nga,” nakangiting wika niya habang ngumunguya pa. Agad naman akong napangiti sa kanya. “Sabi sa iyo e,” tugon ko saka ako sumubo na rin ng pagkain ko. “Mukhang mula ngayon ay madadalas na rin ang pagkain ko rito,” saad niya pa saka muling sumubo ng pagkain niya. “Totoo, ito talaga ang palagi kong binabalikan dito e,” masayang tugon ko naman sa kanya. Habang kumakain kami ni George ay masaya rin kaming nagkukwentuhan tungkol sa mga sarili namin. Masaya at magaan na kasama siya. At kahit na kung tutuusin ay noong isang araw ko pa lang naman siya nakikilala, ay para bang napakapanatag na agad ng loob ko sa kanya. Ang bilis kong magtiwala sa kanya at nararamdaman ng puso ko, na mabuti siyang tao. Na mabuti siyang lalaki. “Pwede bang malaman kung… sino ang palaging kasama mong kumain rito?” tanong niya. “Huh?” “Kasi ‘di ba… sabi mo, nakakailang balik ka na rito. So, mag-isa ka lang ba sa tuwing kumakain ka rito?” “Hindi. May kasama ako,” simpleng tugon ko na siyang bahagyang ikinabago ng ekspresyon ng mukha niya. Napalabi siya at bahagyang kumunot ang noo. “B-bakit mo naitanong?” “Wala naman,” simpleng tugon niya saka muling ibinalik ang atensyon niya sa pagkain na nasa harapan niya. Sa huli ay binalewala ko na lamang iyon at nagpatuloy na rin ako sa pagkain. Hanggang sa… muli na naman siyang magsalita. “S-sinong… isinasama mo rito?” “Huh?” “F-friends? Or… b-boyfriend mo?” mataman na tanong niya at nakita ko ang mainam na pagtingin niya sa akin na tila ba kinakabahan sa magiging sagot ko sa kanya. “Wala akong boyfriend,” deretsyong sagot ko sa kanya na siyang ikinabilog ng mga mata niya. “What? T-talaga?” tila hindi niya makapaniwalang tanong sa akin. “Oo. Wala akong boyfriend,” muling tugon ko sa tanong niya. Unti-unti, sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Saka siya marahan na napayuko at napansin ko rin na tila ba may ibinulong siya sa kanyang sarili. “Bakit mo naitanong?” tanong ko sa kanya. Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin na may matatamis pa rin na ngiti sa mga labi. “Wala naman. Ibig sabihin pala… walang magagalit kung… palagi tayong sabay na kumain dito,” tugon niya na siyang nagpakabog sa puso ko. “Huh?” Isang ngiti lamang ang itinugon niya pabalik sa akin saka siya muling sumubo sa pagkain niya. Sa huli ay muli ko na lamang ulit na binalewala iyon at nagpatuloy na rin sa pagkain. Nang matapos na kami sa pagkain ay akmang lalapit si Geroge sa counter. “Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya. “Magbabayad,” nakangiting tugon niya. “Okay na, bayad na,” sabi ko sa kanya. “What? Bakit ikaw ang nagbayad?” “Ako naman ang nagdala sa iyo rito e. Kaya ayos lang iyon.” “No, hindi ayos iyon, Sydney. Ako ang lalaki. Dapat ako ang nagbayad since ako rin naman ang nagyaya sa iyo na kumain tayo—” “Dahil lang ba sa babae ako kaya hindi ako pwedeng magbayad ng kinain natin?” putol ko sa kanya. “No, hindi naman sa ganoon. Pero kasi—” “Sa susunod na lang, ikaw naman ang magbayad,” muli kong putol sa kanya. Unti-unti naman siyang napangiti. “Okay. Ibig sabihin, may susunod pa talaga. At payag ka,” nakangiting wika niya. “Oo naman,” simpleng tugon ko at bago pa man ako mapangiti rin ay mabilis na akong tumalikod sa kanya at naglakad palabas. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng mumunting kiliti sa tyan ko sa ideya na mauulit muli ang ganito sa amin. Nang makalabas ako ay may lalaki ang mabilis na bumangga sa akin, dahilan upang mapatid ako. “Sydney!” narinig kong sigaw ni George. Agad niya akong dinaluhan at inalalayan na makatayo, hanggang sa… mapagtanto ko na nawawala na sa akin ang sling bag na nakasukbit kanina sa balikat ko. Doon ko lang din napagtanto na snatcher pala ang lalaking bumunggo sa akin. “Ang bag ko!” tarantang sigaw ko saka ako akmang tatakbo rin sana para habulin ang lalaking mabilis na tumatakbo ngunit natatanaw ko pa naman. Nang bigla naman akong awatin ni George. Hinawakan niya ako sa braso ko. “Hayaan mo na lang,” saad niya. “Hindi pwede,” tugon ko sa kanya at mabilis kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. Pagkuwan ay mabilis akong tumakbo at hinabol ang lalaking bumunggo sa akin. Hindi pwedeng mawala ang bag ko na iyon dahil nandoon ang kakaunting pera ko na pang-budget namin sa buong isang linggo. Bukod doon ay naroroon din ang cellphone ko. Hindi naman ako kaagad makakabili ng bagong cellphone kung mawawala ko iyon. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa maabutan ko ang lalaki. Lumiko siya sa kanan na siyang dead end pala at walang katao-tao. Ngayon ay na-corner ko siya. Humihingal pa akong nakapamaewang sa kanya. “I-ibalik mo… ibalik mo sa akin… ang bag ko,” hingal na usal ko. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang maglabas ng patalim ang lalaki at inambaan ako. Napatakip ako sa aking bibig at nakaramdam ng panghihina ang mga tuhod ko. “S-sandali… wala naman pong ganyanan. I-importante lang po sa akin ang bag ko na iyan. Please? Ibalik niyo na lang po sa akin ang bag ko,” pagmamakaawa at pagkumbinsi ko sa snatcher. Pero tinakot lamang niya ako ng patalim na hawak niya hanggang sa marahan akong napahakbang paatras. At nang akmang susugurin na niya ako gamit ang patalim na hawak niya ay napapikit na lamang ako kasabay ng aking pagsigaw. Ngunit nakarinig ako ng malakas na pagkalabog at mga suntok. “Are you alright?” Naramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa may balikat ko. Marahan akong nagmulat ng mga mata ko at nakita ko agad ang nag-aalalang mukha ni George. “G-George?” nanghihinang usal ko. Sinulyapan ko ang snatcher na nakahiga sa may likuran niya. Mabilis na tumayo ang galit na snatcher saka nito pinulot ang patalim at… patakbo itong susugod sa amin —kay George. Nanlaki ang mga mata ko at tila ba may kung anong nagbara sa lalamunan ko na hindi ko magawang magsalita. Mabilis ko na lamang na itinulak si George palayo at inihanda ko na lamang ang sarili ko na masalo ang saksak na ibibigay ng snatcher na iyon. Pero nagulat ako nang mabilis na muling bumulagta sa sahig ang snatcher. Pinaulanan siya ng suntok ng isang lalaking biglang sumulpot mula sa kung saan. Muli akong dinaluhan ni George at inalalayan sa pagtayo. Habang ang estranghero naman na tumulong sa amin ay mabilis na nakagawa ng paraan upang maitali patalikod ang magkabilang kamay ng snatcher. Tila ba sisiw lamang sa estranghero ang ginawa niyang pagpigil at pakikipaglaban sa mapanganib na snatcher. Dinampot ng estranghero ang bag ko saka ito lumapit sa amin ni George. Iniabot niya sa akin ang bag ko at agad ko naman iyong tinanggap. “May paparating ng pulis, huwag kayong mag-alala,” saad ng estrangherong nagligtas at tumulong sa amin ni George. “Salamat, bro,” pagpapasalamat ni George dito. “Wala iyon. Sa susunod ay mag-iingat na lang kayo kung pupunta kayo sa lugar na ito dahil marami talagang mga snatcher dito,” tugon at paalala nito sa amin. Kapwa naman kaming napatango ni George sa kanya. “Salamat ulit,” saad ni George at pagkuwan ay inilahad niya ang kamay niya sa lalaki. “George Vego,” pagpapakilala niya rito. Tinanggap naman iyon ng lalaki at… “Joel Robles,” pagpapakilala nito sabay sulyap sa akin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD