Chapter 5: Pain of Love

2437 Words
Ethan Vego Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata habang sunod-sunod siyang napalunok. Nanatili naman ang mataman at madilim na pagtingin ko sa kanya. At nagulat pa ako nang nagmamadali siyang lumayo sa akin at paupong yumuko. “P-patawad po, sir. Patawarin niyo po ako!” nauutal at natatarantang saad niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niyang iyon. “P-patawarin niyo po ako. W-wala naman po akong nakita eh. H-hindi ko naman po nakita lahat,” tarantang dagdag niya pa. Napangisi ako dahil sa sinabi niya at pagkuwan ay mas lumapit ako sa kanya. “Hindi mo nakita lahat? So, tell me. Hanggang saan ba ang nakita mo?” banayad na tanong ko sa kanya na lalong tila nagpakaba sa kanya. “S-Sir…” usal niya na tila hindi malaman ang kanyang gagawin. Unti-unting tumalim ang mga tingin ko sa kanya. Nagpapakita at nagpapahayag na ano mang oras ay maaari kong gawin ang kahit na anong gusto kong gawin sa kanya. Dahil doon ay mas lalo kong nakita ang takot sa kanyang mga mata. Habang may pagbabanta at mapanganib ko siyang tinitingnan ay unti-unting nanubig ang kanyang mga mata. Kasabay no’n ang muli niyang pagyukod sa harapan ko. “Patawarain mo po ako, sir. P-patawarin mo po ako. Parang awa niyo na po. Huwag niyo po akong tatanggalin sa trabaho kong ito. Gagawin ko po ang lahat huwag niyo lang po ako paaalisin sa trabaho,” pagsusumamo niya at nakita ko na lamang ang pagpatak ng tubig sa sahig mula sa kanya. Umiiyak siya. Napaiyak ko siya gayong wala naman akong ginagawa sa kanya. Dahil doon ay unti-unting lumambot ang puso ko. Ayaw kong nakakakita ng babaeng umiiyak. Tumayo ako at lumayo mula sa kanya. Nakapamulsa akong sumandal mula sa malaking office shelves saka nagbuga ng malalim at mabigat na paghinga. “Gagawin mo ang lahat?” paglilinaw na tanong ko sa kanya. Kaagad naman siyang natigilan ngunit nananatiling nakayukod. “Lahat-lahat?” muli kong tanong sa kanya. “O-opo, sir. Huwag niyo lang po akong tanggalin sa trabaho,” nauutal at takot na tugon niya. “Get out,” malamig na sabi ko sa kanya at kaagad naman siyang marahan na nag-angat ng tingin sa akin. “P-po?” aniya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. “I said get out,” pag-ulit ko at agad naman siyang natatarantang tumayo at hinila ang dala-dala niyang panglinis. Nanatili siyang nakayuko habang nangangatog pa ang kanyang mga kamay. Bago siya tuluyang makalabas ng opisina ko ay muli akong nagsalita na nagpatigil sa kanya. “Wala kang nakita ngayon. Malinaw ba?” “O-opo, sir,” tugon niya saka mabilis na lumabas. Aalis na rin sana ako mula sa aking kinaroroonan nang may mapansin akong isang maliit na bagay mula sa sahig. Marahan kong dinampot iyon at tiningnan. “Sydney Ortiz,” mahinang pagbasa ko sa maliit na name tag na hawak ko. Agad naman akong nagambala nang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng table ko. Kinuha ko iyon at agad na sinagot. “Nasaan ka na? Ikaw na lang ang kulang dito,” bungad sa akin ni Rodnie mula sa kabilang linya. Rodnie is one of my friends. Agad akong napasilip sa desk calendar at nakita ang petsa roon. Third Saturday of the month nga pala ngayon, ibig sabihin ay may kita-kita kami ngayon. “Pupunta na ako. Sa dati pa rin naman ‘di ba?” tugon ko kay Rodnie. “Hindi, bro. Tayo lang boys ngayon. Hindi pupunta si Lory at si Rica,” ani Rodnie sa akin. “Huh? Bakit hindi sila pupunta?” tanong ko. “Busy kasi si Lory. Alam mo namang puro business na ang inatupag no’n. At si Rica naman…” bahagya siyang tumigil. “Ah basta, mamaya ko na lang ikukwento pagdating mo rito,” tuloy niya. “Okay,” tugon ko naman saka ko inayos ang butones ng suot kong polo. “Sa Sky Bar tayo. VIP room number 1. Bilisan mo huh,” saad pa nito saka tuluyang naputol ang tawag. Inayos ko ang ilang mga gamit ko saka ako lumabas ng opisina ko. Bago pa ako sumakay ng VIP elevator ay sandali akong tumingin sa paligid ko. Pakiramdam ko kasi ay may mga matang nakamasid sa akin. Sa huli ay binalewala ko na lamang iyon at nagtungo na nga ako sa parking area ng hotel. Pagdating ko sa sasakyan ko ay agad namang may mga kamay na yumakap mula sa likuran ko. Napasinghap ako dahil doon, lalo pa nang paulit-ulit niyang hinimas ang dibdib ko. “Ang tagal mo naman,” bulong niya sa tainga ko sabay kagat pa sa ibabaw nito. “Let’s go to my place now,” mapang-akit na wika niya pa. Hinarap ko siya at nakita ko ang mapupungay niyang mga mata. “Mauna ka na. May kailangan pa kasi akong puntahan,” tugon ko sa kanya. “Importante ba ‘yan kaysa sa magpasubo ka sa akin?” punong-puno ng pagnanasa na tanong niya. “Come on, Trisha,” natatawang saad ko sa kanya. “Kakatapos lang natin kanina.” “Pero hindi naman kita nasubo,” bulgar na tugon niya na siyang nagpainit sa akin. Tila ba muli na naman akong nabuhayan dahil sa makamundong sinasabi niya. Agad na nag-alab ang mga tingin ko sa kanya. “In my car, now,” mapanganib na sabi ko sa kanya at malapad naman siyang ngumiti sa akin. Kapwa kaming sumakay sa backseat ng sasakyan ko at doon ay nagsalo kami sa maiinit na halik. Mahina siyang napaungol nang mabilis kong matanggal ang suot niya at maangkin ang malulusog niyang dibdib. “Ahh Ethan,” ungol niya sa pangalan ko na siyang lalong bumuhay sa p*********i ko. Naupo ako at mabilis niyang tinanggal ang pang-ibaba ko hanggang sa makita at bumungad sa kanya ang kanina pa niyang gustong isubo. Sinamba at hinalikan niya iyon ng paulit-ulit hanggang sa magawa na niya ang nais niya doon. Kakaibang sarap ang dulot ng ginagawa niya dahilan upang paulit-ulit akong mapamura at mapasinghap. Mabuti na lang at walang tao dito sa parking area at tinted ang sasakyan ko. Kaya naman sa tuwing magkasama kami ni Trisha at abutin kami ng tawag ng laman ay mabilis namin iyong nailalabas dito. Nang matapos si Trisha sa pagsubo sa akin ay pinaupo ko na siya doon. Saka siya kusang gumiling na tila ba enjoy na enjoy niya ang pag-iisa ng aming mga katawan. Napapatingala siya habang ibinabaon niya ang sarili niya sa akin. Mainam ko naman siyang pinagmamasdan kung paano siya masarapan at kung paano gumalaw ang malulusog niyang dibdib. Ilnag sandali lang nang kapwa naming maabot ang rurok ng liwanag. Pagod siyang naupo sa tabi ko habang nagsusuot ng kanyang damit. Ako naman ay nag-ayos na din at sinilip ko ang oras mula sa wristwatch ko. Late na ako sa call time namin nila Rodnie. Mabilis akong lumabas ng backseat at nagpunta na sa driver’s seat. Habang si Trisha naman ay tumabi sa akin sa passenger’s seat. “Thank you, nag-enjoy ako,” nakangiting saad niya sa akin bago ko paandarin ang sasakyan ko. Napangising naiiling na lamang ako sa kanya. “Call me kapag ikaw naman ang naghanap,” makahulugang sabi niya pa. “Don’t worry, I’ll call you for sure,” nakangising tugon ko sa kanya. “Sa condo mo ba ikaw bababa?” tanong ko pa rito. “Ibaba mo na lang ako sa may kanto. May ime-meet pa akong kaibigan,” tugon niya. Tinapunan ko naman siya ng tingin nang ihinto ko ang sasakyan sa kanto na sinasabi niya. “Hey, don’t worry. Babae ang friend ko na imi-meet ko ngayon. She’s an actress. Do you know, Maxine Willow?” “Yea,” tugon ko habang tumatango-tango pa. “She’s my friend. So, don’t worry, Ethan. Safe ka sa akin. Tumutupad ako sa usapan. You can use me and f**k me all you want,” nakangising pahayag niya sa akin. Ngisi lang ang itinugon ko sa kanya saka ito tuluyan nang bumaba ng sasakyan ko. Bago ko man tuluyang paandarin ang sasakyan ko ay nakita ko pang kumakaway siya sa akin mula sa side mirror. Patrisha Cruz is my f**k buddy at mahigit tatlong buwan na mula nang magkakilala kami. Sa isang party bar sa Malate ko siya unang nakita noon. Mag-isa akong umiinom doon nang lapitan niya ako. Sa una ay kwentuhan at pagpapakilala lang sa isa’t isa ang ginawa namin. Hanggang sa nasundan pa ulit ang pagkikita namin sa parehong bar. Dahil sa labis na kalungkutan ko nang mga panahon na iyon at dahil na rin sa espiritu ng alak ay inalok ko siyang sumama sa akin. Hindi naman siya nagdalawang isip at kaagad na pumayag sa gusto ko. Nag-check in kami sa pinakamalapit na hotel no’n at doon ay nagsalo kami sa init na nararamdaman namin. Hanggang sa ang unang beses namin ay nasundan pa ng ilang beses. We both agreed na isa-satisfy namin ang isa’t isa at habang gusto naming gamitin ang isa’t isa ay hindi kami maaaring makipagtalik sa iba. Mabait at cool na babae si Trisha. Pero isang bagay ang nalaman ko mula sa kanya. Ayaw niya ng commitment. Tulad ko ay minsan na rin siyang nasaktan sa pag-ibig kaya wala siyang plano na pumasok sa seryosong relasyon. At nagkasundo kami sa bagay na iyon dahil gaya niya ay ayaw ko rin ng commitment. We just want s*x. No strings attached. We only use each other for s****l pleasure. Bakit? Bakit nga ba ako naging ganito? Siguro dahil na-realize ko na wala naman akong mapapala sa pagmamahal ko ng totoo. Wala akong mapapala kahit ibigay ko pa ang lahat sa taong mahal ko. Kasi sa huli, kaya pa rin naman niya akong saktan at iwanan ng basta na lang. Kasi kahit na anong gawin ko, magagawa niya pa ring sabihin sa akin ang mga salitang ‘patawad,’ ‘ayaw ko na,’ ‘hindi na ako masaya,’ ‘palayain mo na ako.’ Katulad nang kung paano iyon sabihin sa akin ng babaeng pinakamamahal ko… limang na buwan na ang nakakaraan. “Babe!” masayang tawag ko kay Beatrice nang makita ko siyang pumasok sa restaurant na paborito naming kainan. Tumingin siya sa akin at bigla akong nabahala nang wala akong makitang ano mang emosyon sa kanyang mga mata. Lumapit siya sa akin at naupo sa harapan ko. “Kanina ka pa ba?” marahan na tanong niya. “Hindi naman, halos kadarating ko lang,” nakangiting tugon ko sa kanya, ngunit hindi pa rin maalis ang pangamba sa dibdib ko dahil sa matamlay na mga tingin niya sa akin. “Umorder na tayo, baka nagugutom ka na. Sabi ko naman kasi sa iyo ay susunduin na lang kita sa unit mo e,” malambing na sabi ko sa kanya saka ako nagpalinga-linga upang tumawag sana ng waiter. Pero agad din naman akong inawat ni Beatrice. “Hindi rin naman ako magtatagal. May gusto lang akong sabihin sa iyo,” malamig na sabi niya sa akin. “Huh? Ano ba ‘yang sasabihin mo? Pwede naman mamaya na lang. Kumain na muna tayo—” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na siyang nagsalita ulit. “Let’s stop this,” seryosong usal niya na siyang parang nagpabingi sa akin. “What?” tanong ko at bahagya pa akong tumawa sa kanya. “O-order lang naman tayo ng pagkain natin—” “Ayaw ko na, Ethan,” muling pahayag niya at dahil doon ay unti-unti nang naglaho ang mga ngiti sa labi ko. Nang tingnan ko nang mabuti ang kanyang mga mata ay nakita ko ang dedikasyon niya sa mga sinabi niya. “What do you mean?” tanong ko sa kanya. “I’m sorry pero… ayaw ko na. Hindi na ako masaya, Ethan. Palayain mo na ako.” And with that, tuluyan nang nawasak ang puso ko. There seemed to be something stuck in my throat, causing me not to be able to speak. There seemed to be something stuck in my heart, causing me not to be able to breathe. Ang hirap. Ang sakit. Ang gulo. Ang gulo-gulo! Hindi ko maintindihan. Hindi ko lubusang maunawaan. Bakit? Bakit niya nasabi sa akin ang mga salitang iyon? Ano ang dahilan at bakit bigla na lang siyang umayaw sa amin? Apat na taon ang relasyon namin pero naitapon niya lang ng ganoon lang? Matapos sabihin sa akin ni Beatrice ang mga salitang iyon ay mabilis na niya akong iniwanan ng mag-isa. Wala siyang ibinigay na kahit na anong dahilan. Basta sinabi na lang niya na ayaw na niya at hindi na siya masaya sa akin. At hindi ko alam kung ano ang naging pagkukulang ko para ayawan niya ako ng basta na lang. Hindi ko na siya nagawang habulin pa noong araw na iyon dahil masyado akong nabigla at nasaktan. Ibinigay ko sa kanya ang lahat. Minahal ko siya ng buong puso at tapat. Halos isang taon ko siyang niligawan noon at lahat ng paraan na kaya kong gawin upang sumaya siya ay ginawa ko. Ginawa ko siyang prinsesa ng buhay ko. Para sa akin, siya ang pinakaimportanteng tao. Higit pa sa buhay ko. Ganoon ko siya kamahal. Na lahat ay nakahanda akong gawin para sa kanya. Kaya siguro nagawa ko rin siyang palayain noong araw na iyon kahit na ang sakit-sakit, dahil iyon ang hiniling niya sa akin. At mula nang araw na iyon, nawala na ang dating Ethan. Unti-unti, hindi ko namalayan na nabago na pala ako ng sakit na idinulot niya sa akin. Natakot na akong magtiwala ulit. Natakot na akong magmahal at ibigay ang lahat ng pagmamahal na mayroon ako. Hindi na nagpakita o nagparamdam pa sa akin si Beatrice matapos ang araw na iyon. Wala na akong naging balita pa sa kanya at kahit ang sakit-sakit, pinili ko na lang na palayain siya kahit pa hindi ako nakatanggap ng tamang paliwanag kung bakit, kung saan ako nagkulang, kung ano ang naging dahilan para mawala ang saya niya sa piling ko. Hindi ko alam, pero pinili ko na rin na hindi iyon alamin dahil baka lalo lang akong lumubog sa sakit. Ilang sandali pa nang makarating ako sa Sky Bar kung saan kasulukuyang naroon ang mga kaibigan ko. Pumasok ako sa nasabing bar at dumeretsyo sa VIP room number 1. “And you’re finally here!” bati sa akin ni Zairus. “Mukhang umisa ka muna bago dumeretsyo rito huh,” makahulugan namang sabi ni Brylle sa akin sabay inom sa lowball glass niya. “And let’s start the party!” sigaw naman ni Rodnie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD