Beatrice Albotra “So, you want him back?” nakangising tanong niya sa akin habang patuloy sa pagtaas at pagbaba ang dibdib ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Simula nang magbalik ako dito ay hindi na niya ako tinigilan. Panay ang pagpapadala nito sa akin ng mensahe at alam kong binabantayan din nito ang lahat ng ikinikilos ko. Pero kahit na natatakot ako sa kanya ay kinakailangan ko pa ring maging kalmado lamang at magpakita ng katapangan sa kanya. Tiyak naman din kasi akong hindi niya ako magagalaw after all dahil may bala akong hawak sa kanya na tiyak kong ikababagsak niya kapag nalaman ng lahat. Laking pasasalamat ko lang din na hindi niya alam ang tungkol sa ebidensyang hawak ko na siyang tatapos sa buhay niya. “Yes, I want him back. Wala namang masama doon ‘di ba? O huwag

