MAGULO ang isip ni del sa mga sandaling iyon dahil sa mga sinasabi ng mommy nya,paano nya gagawin ang iniutos nito ng hindi masasaktan ang lalaking mahalaga sa kanya,
kung ayaw mong mamatay ang lalaking yon, kunin mo ang kanyang ama at dalhin mo dito,at sa harap ko mismo pahirapan mo sya"ani ng mommy nya,
at kapag nagawa mo yon pagbibigyan kitang makasama ang lalaking yon"dagdag nito na nakangisi,
kuyom ang kamaong natahimik sya, ano ba ang pagpipilian nya?pareho lang ang kinalabasan non,at isa pa kinamumuhian na sya ni nathan ngayon,at lalo syang kamumuhian nito kapag pinatay nya ang ama nito,
gawin mo ang inuutos ko sayo delvarah at sana'y hindi kana papalpak sa pagkakataon ngayon"anito bago sya iniwan,nahuli nya pa ang kakaibang mga ngisi nito, wala syang nagawa kundi sundan nalang ng tingin ang bulto nito papalabas sa silid nya,
nasa harap sya nang dalampasigan iniisip ang masasayang pinagsamahan nila at ng lalaking di nya akalain na mortal palang kalaban ng pamilya nya o ng mommy nya,
di nya maiwasan tumulo ang butil ng luha sa pisngi,nag iisa nalang sya, mula noon wala ng saysay ang buhay nya mula ng pinanganak sya,nagkaroon lang ito ng kulay nang makilala si Elliot at dagli rin nawala sa kanya ang kaligayahan na yon,
pinilit nya itong kalimutan ng sinabi ng mommy nya na ipapatay nito ang lalaki kapag ayaw nya itong kalimutan at sapilitang syang dalhin ng mommy nya sa isla para hasain,15 palang sya noon ng makilala at mahalin nya ang lalaki,naging mapusok sya at sa murang edad nag karelasyon sila at nong nalaman ng mommy nya ang namamagitan sa kanila ay subra itong nagalit,
hindi nya rin maintindihan ang mommy nya noon kung bakit Chloe davis lang ang pangalan nya noong nag aaral sya,
nalaman lang nya nung nasa isla sila,maraming kaaway ang daddy nya kaya ang apliyedong Henarez ay di nya pweding gamitin,
at sa muling pagtatagpo ng landas nila ni elliot di nya akalain na muling titibok ang puso nya para dito, di pala dahil kahit minsan ay di nya nagawang kalimutan ito o ang nararamdaman nya para dito sa murang edad ay labis nya itong minahal,hanggang kailan ba sya masasaktan at magtitiis ng ganito?kailan matatapos yong pakiradam na laging nawawalan,aniya sa isip habang pinunasan ang luhang nag uunahang naglandas sa pisngi nya,
NATHAN
matapos ang insidinting yon ay lalo nya pang hinigpitan ang securidad nilang mag anak,hindi sya papayag na may isa naman sa pamilya nya ang mapahamak dahil sa kapabayaan nya tulad kay Elaine
at kahit madalas ang pamamasyal ng daddy nya dahil sa pagyaya ni aleah dito ay may Security siyang naka bantay dito mula sa malayo,
dad" alam naman ninyong kumikilos na naman si minerva" kailangan nyo munang iwasan ang madalas na paglabas labas lalo na kung wala kayong kasamang bodyguard,"isang gabi kausap nya sa ama nya,
hayaan muna ako hijo" nakakainip dito sa bahay at gusto ko rin ipasyal ang kapated mo"anito na masaya ang mukha,
hindi nya masisi ito kung gusto nitong mamasyal kasama si aleah,dahil bumabawi ito sa mga taon na nawalay ang bunso nitong anak,
sa akin lang dad ay mag doble ingat po kayo"dahil ayaw kung mapahamak kayo"aniya
ok" ok " ikaw na nga ang bahala," pagsuko nito,
DELVARAH
may tao na akong inilagay mangmanman sa mga miller"nag aantay nalang ito nang go signal ko" ani ni minerva isang gabi nag hahapunan sila,
anong ibig nyong sabihin mommy"?pag maangmaangan nya, alam nya ang ibig sabihin nito,kaya lang gusto nya kumpirmahin ito dito mismo,
may tao na akong nakatalaga para mag bantay sa mga miller"anytime kikilos ito para mailayo ang mga gwardya kay mr Alain Miller"paliwanag nito
tumango nalang si delvarah,ayaw nya na makipagtalo pa dito,
bukas ng gabi kumilos kana"at tatawagan ko ang tao ko para maghanda"anito
sakay ng motor ay papunta na sya sa mall na sinasabi ng mommy nya,nakasunod narin ang van na gagamitin para sa pagdukot kay mr Miller,may mga tao narin syang mga kasama,si joy si leah at si philip ay saka nya na hahanapin kapag maayos na ang kanyang misyon,
boss'nakikita ko na ang tao sa litrato,nasa may harap sya nang mall parang may hinihintay"ani ng tao nya,
ok" kumilos na kayo at baka makawala pa iyan,aniya sa tauhan habang sya ay nakatingin sa paligid,sinisiguro kung may gwardya ito,alas 7 palang ng gabi, napatingin sya sa babaing papalabas,"Chandra" mahinang usal nya,
anong ginagawa ni chandra sa lugar na yun,
mabilis lumapit ang van,lumabas ang mga tao nya pagkatapos ay mabilis din nitong hinablot si mr miller at isinakay sa sasakyan,pinaharurut na ang sasakyang kina lulan kay mr miller nang may dalawang kotse ang mabilis na sumunod,
nilingon muna muli ni delvarah si chandra nang mahuli nya itong nangingiti,nakatingin sa van na kinalalagyan ni mr miller,napailing nalang sya at iniwan ito may ibang pagkakataon na kausapin at tanungin nya ito kung nasaan na ang tatlo,
mabilis rin ang ginawa nyang pagsunod sa kotse na nakasunod sa van,kailangan nyang mapahinto ang mga ito,kinuha nya ang kanyang baril sa suot na boots at itinutok nya ito sa kotseng malapit sa kanya,binaril nya ang gulong nito at gumiwang giwang ito nang matamaan nya,bago ito pabulusok pababa sa ibang diriksyon,napangiti sya,walang kahirap hirap sa kanya ang misyon na ito,
lumapit sya kunti sa isa pang kotse,pinagbabaril naman sya ng lulan ng kotseng yon,pero hindi sya natatamaan magaling sya kapag motor ang dala nya,binaril nya ito,pagkatatlong bisis ay gumiwang din ito,bago huminto,kaya nilampasan nya ito sumunod sya sa van,dinala nila si mr miller sa pinag usapan nila ng mommy nya,
Pagkahinto ng van ay humito rin sya at lumapit dito,nakapiring at nakatali si mr miller ng makita nya ito,may edad na ito pero matikas parin at malakas ang pangangatawan at mukhang bata pa sa eded nito,
sino kayo"anong kailangan nyo sa akin?tanong nito,
sumagot naman ang isa sa tauhan nya at tinadyakan nito si mr miller sa likod ng binti at napasubsob ito,
hindi alam ni del kung bakit nakaramdam sya ng awa dito,dahil sa ginawa ng tauhan nya,
sa nararamdaman agad nyang binigwasan ang lalaki at tumba itong namimilipit,galit nya itong tiningnan,
"wag kayong kumilos o manakit kapag walang iniutos sa inyo nagka intindihan ba tayo?aniya sa lahat
areglado boss"panabay na sagot ng mga ito,natakot ang mga ito sa galit na nakikita sa mga mata nya,kilala si del sa walang awa kung pumaslang,nagbago lang sya nang muling magkita sila ng lalaking nilalaman ng puso nya,
dalhin nyo nayan sa loob"utos nya. nag alisan naman ang mga ito,
pero ang akala ng iba na nagbago na si delvarah ay nagkakamali sila,dahil pagkaalis ng tauhan nya ay hinarap nya ang lalaking pinatumba kanina,doon nya inilabas ang lahat ng galit nya,ang ayaw nya sa lahat ay ang taong mapagsamantala at ito rin ang taong nanakit kay nathan,
agad nyang kinuha ang baril at pinapaputukan ito sa ulo,agad itong binawian ng buhay,pagkatapos ay pumasok sya sa loob at iniutos nyang ligpitin iyon,agad naman nag sipag sunuran ang mga ito,sa takot na baka sila naman ang balingan ng amo,
lumapit si delvarah sa taong nakatali sa bakal na upuan,tinanggalan nya ito ng piring sa mata,
hi" mr miller "nakangising wika nya dito,
napatulala naman ito sa kanya,
kumusta ang dating pinuno ng organisasyon na walang magawa at bihag ko ngayon?aniya dito,hindi nya pinansin ang mataman na pagkakatingin nito sa kanya,
nakilala mo ba ako?ako si delvarah henarez nag iisang anak ni minerva at delthon hinarez ang taong pinatay nyo dalawang dikada na ang nakalipas"aniya na galit itong tiningnan,kapag naalala nya ang pumatay sa daddy nya at ito rin ang dahilan kung bakit nagbago ang turing sa kanya ng mommy nya ay di nya maiwasan na magalit,
paanong may anak si delton kay minerva na ba-----"alain" tawag ng mommy nya dito,dina natapos ang sasabihin sana nito nang biglang dumating si minerva,
to be continue.........