dad"sigurado ba kayong yan nga si aleah ang kapated ko"ani ni nathan sa ama,kararating nya lang at sinalubong sya nang balita na bumalik na si aleah,
oo" hijo nagpa DNA test na ako,at positibo ang resulta, kaya nasisiguro ko yan na ang kapated mo"masayang turan nito,
kayo po ang bahala,nag alala lang ako alam naman ninyo maraming kalaban sa paligid naninigurado lang po ako,"pagsuko nya.
nagpaalam na sya sa ama at bumaba, di parin sya mapakali sa katotohanan na kusang bumalik o umuwi si aleah,ang tagal nila itong hinanap at ngayon kusa itong uuwi,
naabutan nya ang babae prenting nakaupo sa sala na animo'y isang prinsesa,pinagmasdan nya ito,wala man lang itong kamukha kahit isa sa daddy at mommy nya,
hi"kuya"malanding bati nito,
tumango lang sya at umalis na,papasok pa sya sa trabaho dahil ilang araw din syang nanatili kay frans sa kapated nya,inayos nya muna ito,pinanatili nya ito sa mansyon ng daddy nito at pinabantayan nang magagaling na mga doctor,kailangan makakasigurado syang ligtas ito habang nasa sinapupunan nito ang bata,
pagkasakay ng sasakyan ay agad nyang tinawagan si alan,pina papunta nya sa opina at may pag uusapan sila,
pagkarating sa opisina ay agad nyang hinarap ang trabaho ang daming papel na dapat pirmahan,napaangat ang ulo nya nang makarinig ng katok,
pasok"aniya
boss"bungad ni alan
kumusta ang pinapahanap ko may balita naba'?tanong nya nang makaupo na ito,
wala pa boss"ang hirap hanapin ng babaing yon"si alan
may ipapagawa ako sayo,imbistigahan mo ang babaing ito"alamin mo kung saan nanggaling o sinong kumopkop sa kanya noon,"aniya na inabot dito ang larawan ni aleah,
pagkaalis ni alan ay busy narin sya sa kanyang trabaho,subsub sya sa ginagawa nang makarinig sya nang ingay sa labas ng opisina,mukhang may nagpupumilit na pumasok,
hindi po kayo pweding basta nalang po pumasok ma'am"rinig nyang turan nang secretary nya,
isa din ako sa may ari ng building ito kaya wag mo akong paki alaman,kung ayaw mong mawalan ng trabaho"boses ni aleah
sir" I'm sorry, di ko napigilan ang kapatid nyo,"hingi ng paumanhin nito,
It's ok" ako na bahala,"aniya dito,at lumabas naman ito,
kunot ang noo na hinarap nya si aleah,
anong ginagawa mo dito?tanong nya pagkuwan,
"yayain sana kitang kumain sa labas eh" bored na ako sa bahay,"anito na lumapit sa sopa ng opisina nya at naupo,
busy ako aleah"ang dami kung trabaho,"sagot nya na bumalik na sa kanyang ginagawa,
hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako sasamahan"matigas ang ulo turan nito,
napabuntong hininga nalang si nathan sa tinuran nito,
ok" ok" pagsuko nya at tumayo dinampot ang cellphone at umalis,"ano nga pala ang sinakyan mo papunta dito?pagkaupo sa sasakyan tanong nya,sya na ang magmamaniho,sanay syang walang driver,
nag taxi ako"turan nito
masayang nag kwento ng kung ano ano ang babae,pero wala doon ang isip nya,
kanina pa parang may itim na kotse sumusunod sa sasakyan nila,
bigla nyang iniliko ang sasakyan,kung susunod ito ay sadyang sya talaga ang pakay nito,
san tayo pupunta kuya?tanong nito na nagtataka kung saan sila tutungo, pumasok sila sa isang kalsadang wala gaanong kabahayan,
kuya natatakot ako"anito na nag panic na,nakatingin din ito sa kotseng sumusunod sa kanila,
wagkang magulo aniya"na mabilis pinahaharurot ang sasakyan,sumusunod parin ang kotseng itim sa kanila,kinuha nya ang baril na nakatago sa ilalim nang upuan,gulat na napatingin ang kasama nya,
kuya"anong gagawin mo"umiiyak na ito,
hindi sya umimik,mabilis parin ang pagmamaniho nya,nang papalapit ang ang kotse ay pinapatukan nya ito,pero hindi man lang ito tinamaan,
anak ng pating" mura nya at tinawagan nya si alan,pinapasunod nya sa kanila dahil bigla ay may dumating pa na dalawang sasakyan sa unahan nila at alam nya kalaban din ang mga ito,
kailangan nilang bumababa ng sasakyan at magtago,dahil pag nagkataon hindi siya bubuhayin ng mga ito,nagkataon din na may pinagawa sya sa mga angel,
nagtago sila kasama ang kapated nya,ang ingay nito puro kaartihan ang ginagawa,
kuya masira ang sandals ko"anito na hilahila nya papunta sa maraming puno,
wagkang maingay kung gusto mo pang mabuhay"inis na sabi nya dito.
pinapaputokan sila, gumanti din naman sya ng putok,mabilis syang kumilos timaan nya ang isa sa kalaban,
kahit may tinamaan sya,hindi nya parin kayanin ang mga kalaban,dahil marami ito,
shit"mura nya kailangan nilang makalayo kung hindi baka katapusan na nila.hinila nya ang kapated kahit naka high heel ito,maktol itong sumunod sa kanya,
NAPALIBUTAN na sila ng kaaway,ibinaba na nathan ang baril na hawak,
ako nalang ang patayin nyo wag nyo idamay ang kasama ko,"turan nya sa mga ito,
hindi ikaw ang magdidisyon kung anong gawin namin sa inyo"inis na tumawa ito sabay tadyak sa likuran ng tuhod nya,tiim bagang napaluhod si nathan,
hindi ko alam marunong din pala makiusap ang mr miller ngayon"parungit nito na humahalakhak,
wala syang magawa sa mga oras na yun,marami ang kalaban at isa pa baka mapahamak si aleah kung lalaban pa sya,
akala ko ba malakas ang gagong to ha"pang aasar ng isa sabay suntok sa mukha nya,napasigaw naman si aleah,duguang napalingon si nathan sa sumuntok sa kanya,galit nya itong tiningnan,
tapusin mo nayan"?turan ng isa,
bumunot naman ang isang kasama nito at tinutok sa kanya,
pero bago nito napaputok ang baril ay agad itong natumba gulat ang mga kalaban sa sniper na nasa di kalayuan, nagsipagtaguan ito,agad may motor na biglang humarurot sa harapan nya at bigla syang hinila pasakay,at may humila din kay aleah na umiiyak at isinikay ito nang isa pang motor,agad umalis ang motor sa kinnaroroonan nila,
napahawak sya sa byewang nito at parang pamilyar sa kanya ang sukat ng katawan nito at lalo na ang pabango parang kilala nya ang pabango na iyon,
baba"anito nang makarating sila sa di kalayuan,
naguguluhan syang bumababa, at pati boses nito ay kilala nya,pero napailing sya, imposible na sya iyon,dahil anak iyon ng kalaban,ipiniling nya nalang ang ulo ng basta nalang din syang iniwan nito,at napalingon sya nang marinig ang boses ng kapatid na umiiyak parin,,
kuya sino ang mga iyon?takot na takot ako"anito na nanginginig nga sa takot at umiiyak,
naaawa naman sya sa babae,nilapitan nya ito at niyakap,
dumating naman si alan agad silang pinasakay nito at umalis na,
boss may nag text sa amin na dito ko kayo matatagpuan,"ani ni alan
nangunot naman ang noon ko, yong babaing yon ba ang nagsabi kay alan kung saan nya kami iniwan?tanong nya sa isip,
DELVARAH
walang hiya kang babae ka"galit na turan ni minerva sa anak hawak hawak nya ang buhok nito,kalmot sa mukha sampal at tadyak ang tinamo nya sa mommy nya,,
walang imik siyang hinayaan ang mommy nya,wala ito kumpara sa sayang naramdaman nya nailigtas nya ang lalaking pinakamamahal,
pababa sya nang hagdan gusto nyang makalanghap ng sariwang hangin, dahil hindi sya makatulog ulit dahil sa masamang panaginip na hinahabol daw sya ni nathan at gustong patayin,
narinig nyang kausap ng mommy nya ang tauhan nito kung saan ay ipinapapatay nito si nathan,
agad syang nagplano"kung paano ito iligtas,kaya yong mga sakit na binigay ng mommy nya ngayon ay tama lang iyon sa kanya,
minerva"sigaw ng lolo dad nya di nya inaasahan na darating ito,
wagkang mangialam papa kung bigyan ko ng leksyon itong babaing to"sagot ng mommy nya na galit parin itong hila hila ang buhok ko,
subra na yang ginagawa mo sa apo ko"hindi ko papayagan nyang pananakit mo sa kanya"lumapit ang lolo at inawat ang mommy,pinatayo ako at dinala sa sala,
kumuha sya nang first aid kit at ginamot ang mga sugat ko,
pansisya kana apo"wala ako dito nang saktan ka ng mommy mo"hingi nito nang paumanhin,
napangiti naman ako dito ng tipid, "wala yon lolo dad kasalanan korin naman kung bakit galit ang mommy," pero masaya ako na nandito kayo"aniya sa lolo nya,at yumakap dito ng mahigpit,
to be continue.......