"SHE'S fine now, Mr. Leskov. Walang dapat na ipag-aalala." Kalmado lang ang Doctor at kahit na dapat rin na maging kalmado si Mikhail sa sinabi nito ay hindi niya maggawang mahawa. Sa loob niya ay pinapagalitan pa rin niya ang sarili. May nangyaring masama sa anak niya at wala siyang kaalam-alam! "Sa ngayon ay mananatili pa rin si MM sa ospital. We'll have her under observation. Kapag wala naman na nangyaring kakaiba sa kanya hanggang bukas ay puwede na rin siyang makalabas. Itutuloy na lamang sa bahay ang medication." Wika pa ng Doctor. "Thank you, Doc. Nagi-guilty lamang ako." Tumingin siya sa natutulog na anak. Tatlong oras nasa ospital ang anak at wala siya. Paano kung malala ang inabot nito? Baka patayin siya ng konsensya niya. "Hindi mo kasalanan ang nangyari, Mr. Leskov. " hinaw

