ALAS sais ng gabi nang dumating si Mikhail sa bahay. Nagulat pa si Sari nang makitang napaka-gara ng bihis nito. Hinalikan siya nito at ang karga-karga niyang si MM. "Daddy's back, baby. Are you happy?" masayang tanong ni Mikhail sa anak. Ngumiti si MM sa ama. Naging mas maliwanag ang mukha ng lalaki. "Nawiwili siyang ngumiti, ha? Nakakatuwa!" "She's adorable..." Maganda rin ang ngiti ni Sari. "At ikaw rin, Mommy. Thank you so much for taking care of our baby. Thank you for loving her. Mas masaya ako sa kaalaman na 'yun." Maluha-luha si Sari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Napakasaya niya ngayong ramdam niya na wala na ang depression niya. Pumasok sa loob si Mikhail. Kinuha nito sa kanya ang anak. Umupo ito sa sala samantalang inihiga naman nito roon ang anak. S

