"LONG time no see, Brother. Well, I mean sa bar!" Nakipag-high five ang kapatid na kambal kay Mikhail nang pumasok siya sa bar ng Golden Cash Club House Resort. Sa bar sa loob ng sikat clubhouse siya at ang mga kapatid niya madalas na pumupunta kapag gusto nilang mag-inom o kaya ay tumambay lang. Mayroon rin na private suit siya roon at ilan pa niya na mga kapatid. They've got their needs in the said place. Kaya ang makita ang mga kapatid roon ay hindi na bago sa kanya. Tinanggap ni Mikhail ang kamay ng kapatid. Umupo siya sa stool ng bar. Akmang o-order na siya ng maiinom nang abutan na siya ng isa pang kambal. "Treat ko na sa 'yo. Infairness, na-miss ko na makita ka rito, Kuya!" Pinakiramdaman ni Mikhail ang sarili. Tama ang mga kapatid. Matagal na nga nang huli siyang makita sa bar,

