GABI ng party. Bagaman kinabahan si Sari dahil na-meet niya ang buong pamilya ni Mikhail ay mabilis rin naman na nawala iyon. Mabait naman ang mga ito sa kabila ng masamang reputasyon bilang mga babaero. Noong gabi ay naggawa niyang ma-meet si Sid at ang kambal na kapatid ni Mikhail na sina Jayden at Jaxon. Kung makulit si Mikhail, triple ang kulit ng kambal. Makulit rin si Sid. "So magpapatali ka na rin ba kagaya ni Kuya Rashid, Kuya Mikhail?" Malaki ang ngisi ni Jayden...o Jaxon. Nagulo siya. Nakalimutan niya kung sino ang nagpakilala kanina. Magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Naroroon rin ang pinag-uusapan na kapatid na si Rashid. Pero sa circle nila ngayon ay wala ito. Mag-isa lamang ang lalaki. Mukhang may problema ito. Ang sabi naman ni Mikhail ay palaging ganoon talaga si Rashid

