CHAPTER 15

1699 Words
Chapter 15: Car collection “GUSTO mo bang makita ang mga collection ko, Trixie?” Napahinto sa pag-inom niya ng soda si Trixie nang marinig niya ang tanong ni Wade sa kanya. Na kung gusto ba niya na makita ang collection nito, iyon siguro ang mga sasakyan. Ngunit sa halip na sumagot siya ay nagtanong pa siya. “Puwede?” “That’s why I’m asking you, Miss,” sabi nito. “Baka kasi private lang talaga at ayaw mong ipakita sa iba, right?” aniya. “Hindi kita tatanungin kung ayaw kong ipakita sa iba,” wika nito. “Eh, kahit nga binili kong kotse sa iyo ay mas nauna pa pala si Railey pero ang sabi mo ay collection mo na ’yon. Tapos sa akin ang laki pa ng discount,” nakangusong sabi niya. “Hmm, ewan ko lang kung bakit, Trixie. Pero baka ikaw talaga ang dapat na magmamay-ari no’n sa halip na ako. Anyway, huwag mo ng alalahanin pa ang kaibigan ko. May susunod pa naman at malaki rin ang discount.” Napangiti na lamang siya sa sinabi nito at napatingin sa mga kasamahan niya nang nasa kanila na ang buong atensyon ng mga ito. “What?!” masungit na tanong niya at nag-iwas na lamang ito nang tingin. Samantala, si Wade naman ay malakas na napahalakhak siya dahil talagang tinatarayan niya ang mga staff niya. “Oh, ano naman ang nakatatawa, Esquivias?” nakataas ang kilay na tanong niya sa binata. Pekeng umubo ito at marahan na hinaplos ang dibdib. “Gusto mong maging Esquivias, Miss?” tanong nito at tumulis naman ang mga labi niya. “Hindi ko tatanggihan ’yan,” pabirong sagot niya at umawang ang bibig nito lalo na ng kindatan niya. “But seryoso ka ba ipapakita mo sa akin ang collection mo?” “Yup.” “Mayroon din ako. Kung gusto mo lang din naman, kahit na...hmm... Hindi mo yata magugustuhan, eh.” “Try me, Miss,” saad nito. “Sige na nga. Kailan?” “After our lunch time, I guess?” “Okay po.” After ng break time na ibinigay ni Trixie sa mga tauhan niya ay bumalik din naman sila sa trabaho nila. Alam niyang nanonood ang magkaibigan kaya nakikita ng mga ito ang pagsigaw niya pero hindi na iyon mahalaga pa sa kanya. Stress na stress lang talaga siya sa mga modelo niya kapag pumapalakpak talaga ang mga ito. “Okay na ang pose ko, ’no Ms. Trixie?” tanong ni Solace sa kanya na may pabebeng tono pa sa boses nito. She rolled her eyes. “Takot ka lang mapagalitan ko,” aniya at matamis na ngumiti lang ito sa kanya. “Ask ko lang po, Ms. Trixie. Ano po ba ang status ninyo kay Mr. Esquivias? Ang pogi niya po kasi, eh. Actually crush ko siya, eh,” sabi nito at pinitik niya ang noo kaya napaigik ito sa sakit. “Ms. Trixie naman,” reklamo nito. “Ikaw na ang susunod!” asik niya rito at napaigtad pa ito sa gulat. “Curious lang kasi ako, Ms. Trixie. Kilala mo ba si Molly Allison?” Napukaw nito ang interes niya sa pangalan ng isang babaeng binanggit nito. “Molly Allison? Sino naman ’yon?” interesado niyang tanong pero parang may naalala siya sa pangalan na iyon. Tila narinig na niya ito, sadyang hindi niya lang talaga maalala. “Aksidente ko lang kasi nakita ang cellphone ni Molly Allison. Nakalimutan niya kasi i-off ang phone niya noong sabay kaming nag-shoot, tapos nakita ko ang isang picture nila uhm... Sure ako na si Wade Esquivias ’yon. Nasa isang beach resort sila. Nakayakap mula sa likuran niya si Wade at nakahalik sa pisngi niya habang kumukuha siya ng litrato. Ang sweet po nila, eh. Kaya naisip ko na baka may secret relationship sila. Alam mo naman ang mga modelo na katulad natin, Ms. Trixie,” mahabang kuwento nito. Bayolenteng napalunok siya dahil baka iyon na nga ang long-term girlfriend ng binata, na ngayon ay ex na lamang nito. Ang alam lang niya ay naghiwalay ang mga ito pero hindi siya sigurado kung ano ang dahilan. Ten years naman nagtagal ang relationship ng mga ito, na labis niyang ipinagtataka na kung bakit umabot sa puntong hiwalayan ang dalawa. Imposible naman kasi na parehong na fell out of love, ’di ba? “Oh, siya sige na. Balik ka na sa work mo,” pagtataboy niya rito. “Pero ano ba ang status ninyong dalawa?” giit nito na dakilang makulit talaga si Solace. “Magkaibigan lang kami!” pasigaw na sagot niya. “Ah, magka-ibigan!” natatawang sigaw naman nito at hahabulin niya sana para kutusan nang makita niya ang direction ni Wade. Mag-isa na lamang ito at naiiling na pinapanood siya. Kumaway siya rito na may matamis na ngiti pa. Tumango lang din ito sa kanya pero sa isip-isip niya ay kung si Molly Allison na ba ang ex-girlfriend nito? Wala sa sariling napaupo siya sa swivel chair niya at tumutok sa laptop niya. Nagtipa sa keyboard nito at dumiretso sa website para hanapin ang pangalan ng babae. Sa pagtipa niya ng pangalan nito ay lumabas agad ito at nakita pa niya ang mga branch na mino-modelo nito. Sikat na modelo naman pala siya at talaga namang maganda. Siya ’yong tipong babae na puwede na ngang maging asawa pero bakit naman kaya nakipaghiwalay siya kay Wade? Nakita niya ang updated na picture nito at kasalukuyan itong nasa Canada. May kapares pa na isang foreigner at napaka-intimate ng scenes nito. Hindi kaya nagloko si ate girl? Nag-cheat siya kay Wade, ganern? Pero habang matiim niyang tinititigan ang maamo nitong mukha ay parang wala naman talaga sa hitsura nito ang lokohin si Wade. Napatango-tango siya. *** “Sasabay po ba kayo sa amin na mag-lunch, Ms. Trixie?” tanong ni Secretary Bardot sa boss niya na kanina pa nananahimik sa isang sulok. Mukhang malalim ang iniisip nito at napatingin naman siya sa lalaking naglalakad palapit sa direksyon nila. “Hi po, Mr. Esquivias,” magalang na bati niya rito. “Hello,” nakangiting bati nito sa kanya pabalik. Talaga namang napakabait ng owner ng car rental at maganda ang pakikitungo nito sa kanila. “Sasabay po ba kayong mag-lunch sa amin?” tanong niya at sumulyap ito kay Trixie. “Actually, I invited your boss to have lunch with me,” sagot nito at doon lang tila nagising sa malalim na pagkakatulog ang kanyang boss. “Ano na naman ’yan, ha Secretary Bardot?” masungit na tanong nito sa kanya. “Lunch time na po, Ms. Trixie,” sagot niya at inilahad agad nito ang wallet. “Sige na. Puwede na kayong kumain sa labas. Isama mo ang mga modelo natin,” sabi nito. Isa ito sa nagustuhan nila na pag-uugali ng CEO nila. Kahit araw-araw pa silang sinusungitan nito ay may ibang side pa rin ito na mas pipiliin nila ang irespeto at intindihin ang pagiging suplada nito kung minsan. Mabait na masungit ito pero maalalahanin naman. “Credit card lang naman po ang kailangan namin, Ms. Trixie. Hindi ang iyong wallet,” aniya at binuksan ang purple na wallet nito at kinuha niya ang pamilyar na cards nito. “Salamat po,” pasasalamat niya. “Enjoy your date po!” pahabol na saad pa niya. “Talaga naman!” asik nito sa kanya na hindi na niya pinansin pa at inaya na niya ang mga kasamahan niya na mag-lunch sa labas. Totoo ang kasabihan na hindi puwedeng i-judge na lang basta ang isang tao dahil lang sa mga nakikita mo sa panlabas na anyo nito. Parang isang tubig o dagat lang naman ang pagkatao ng isang tao. Kailangan mo munang sumisid sa ilalim ng tubig kung malalim ba ito o hindi. In other words, kilalanin mo muna ang mga taong nasa paligid mo at kung ano ba talaga ang totoong ugali nito. Isang patunay na ganoon si Trixie Vargas Garcia. Makikita mo sa panlabas na anyo nito ang pagiging suplada at mahilig umirap pero kung kikilalanin mo ng mas malalim ay malalaman mo na busilak pala ang puso nito. *** “Nakatira ka pala sa isang malaking mansion, Wade,” namamanghang saad niya nang dalhin na nga siya nito sa bahay ng binata. Sa sobrang laki nito ay parang kasya talagang ang sampung pamilya. Maganda ang structure nito, white and light blue ang wall kapag nasa labas mo lang titingnan. Nakatira rin ito sa isang subdivision. “Bihira lang ako matulog dito. Inuuwi ko lang ang mga bagong sasakyan ko. Come on in,” pag-aaya nito sa kanya at nauna siyang naglakad. Naramdaman naman niya ang kamay nito sa likuran niya para alalayan siya pero sa paraan na hindi naman siya maiilang sa paghawak nito sa kanya. “Welcome to my home, Trixie.” “Thank you. Wow...” Sa garahe nga siya nito dinala at kumikinang ang mga mata niya sa mga nakikita niyang magaganda na kotse. Iba’t iba ang kulay. “I wonder...kung ilan lahat ito, Wade?” tanong niya. “Hmm... I planned to have a hundreds car. As of now ay 47 pa ang bilang ng lahat ng ito.” Nalaglag ang panga ni Trixie sa nalaman na bilang ng mga collection nito. Hindi siya makapaniwala na ganoon karami ang mga sasakyang nasa garahe, kaya naman pala sobrang laki nito. Natatawang tiniklop nito ang kanyang bibig at may pinunasan pa sa gilid ng labi niya. Na parang may laway rin ang tumulo, kaya naman ay siya na ang nagpunas sa bibig niya. “Sorry,” nahihiyang paghingi niya ng paumanhin. “Wade, nagamit mo na ba ang mga iyan?” tanong niya. “Yes,” sagot nito. “Pero baka mabulok lang ang iba riyan, Wade kapag hindi mo nagalit,” biro niya sa binata. “You can use them if you want. Hindi ako madamot pagdating sa mga gamit ko,” saad nito. Mas lalo niyang nagugustuhan ang character ni Wade. “Baka nga favoritism ka at sa mga babae mo lang ipinapakita ang mga ito,” biro pa niya. “Trixie, sa ngayon ay ikaw lang naman ang babae ko,” usal nito at napatikhim na lamang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD