CHAPTER 16

1691 Words
Chapter 16: Passionate First Kiss “HINDI ba nakarating na rito ang ex-girlfriend mo, Wade?” tanong ni Trixie. Gusto niya lang malaman kung hindi na ba siya ang nag-iisang babae ang nakapunta sa bahay nito. “Hindi. Alam niya lang na may bahay na ako kasi may car collection nga ako pero ni minsan ay hindi ko pa siya naidala rito,” sagot nito na may kasama pang pag-iling. “Bakit naman?” tanong niya na punong-puno ng kuryusidad. “Dahil ayaw niyang makita,” malungkot na sabi nito. “Anyway, tara sa loob? Mahaba pa naman ang oras natin, right? Magluluto pa kasi ako para sa lunch natin.” “Yup, bet ko ’yan, Wade. Gusto kong matikman ang mga luto mo,” aniya. “Masarap akong magluto, Trixie. Baka pati pangalan mo ay makalimutan mo.” Kumindat pa ito sa kanya. “Go on, Wade.” Halatang mayaman nga ang may-ari ng bahay dahil kahit ang mga gamit sa loob ay expensive rin. May malaking TV set ito at sofa bed. “Puwede kang maglibot-libot sa loob, Trixie. But if you want to rest ay may guest room ako sa itaas,” sabi nito sa kanya. “Wade, alam mo ba?” “What is it?” “May kulang sa bahay mo,” sagot niya at pinasadahan naman nito nang tingin ang buong paligid ng mansion. “You can tell me anything para may madagdagan ako,” sabi nito na inilingan niya. Ang bilis talaga kausap ni crush. “Hindi bagay ang tinutukoy ko, Wade,” wika niya. “Eh, ano naman?” curious nitong tanong. “Asawa at anak, Wade,” mabilis na sagot niya at nagmamadali na siyang umakyat sa hagdanan. “Be careful, Trixie!” paalala nito sa kanya. Nalaman agad ni Trixie kung saan ang master’s bedroom at pumasok siya sa loob. May pahintulot naman ang binata na puwede siyang mag-tour dito. Namangha lang siya nang makita niya ang silid nito. “Ang laki naman nito. Ang suwerte talaga ng magiging asawa niya,” naiiling na komento niya at lumapit sa kama upang umupo. Sa lambot nito ay nag-bounch pa ang katawan niya. May mga laruang sasakyan din ang naka-display at sketching naman ang iba. Sa paanan naman ng kama, sa pader ay may malaking portrait si Wade. Nakangiti ito sa camera kaya kitang-kita niya ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. “Hay, ang pogi talaga ng crush ko.” Hindi naman nagtagal ay sabay na silang kumain ni Wade. Masarap ang niluto nitong lunch nila, kari-kari at adobong manok. Sa halip na sa dining area ay sa kitchen sila kumain. Bumaba kasi siya after niyang makita ang kuwarto nito. Ang akala ni Trixie ay ililihim nito ang dating karelasyon nito pero nagkuwento ito sa kanya. At doon niya nalaman na nag-propose na nga ito sa dalaga pero tinanggihan naman sa huli. Dahil sa career nito. “That’s life, Wade. May mga tao talaga ang darating sa buhay natin, pasasayahin tayo sa una, bibigyan ng inspirasyon at tila kukulayan ng mga ito ang blangko nating mundo. Pero hindi natin maiwasan na ang isang tao na nagpapasaya sa atin ay siya rin pala ang magbibigay ng sakit at lungkot sa mga buhay natin. Hindi kasi lahat ng tao ay mananatili sa tabi natin. Minsan karamihan sa kanila ay darating lang saglit at mawawala rin. Ang buhay natin, Wade ay hindi puro tamis lang, minsan kailangan ng pait para matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa, na kung paano lumaban at magiging matatag,” mahabang pahayag niya na tinanguan ni Wade. “Totoo nga rin ang kasabihan na kakambal ng kasiyahan ang lungkot,” sabi nito. “Walang perpekto sa mundo at saka hindi naman lahat ay puro kasiyahan lang. Kailangan din na may pagsubok ang haharapin natin para matuto tayo kung paano labanan ang hirap, sakit at lungkot, ’di ba?” tanong niya. “Ang dami mong nalalaman, Trixie. Thank you for spending your time, ha? Nang dahil sa ’yo ay paunti-unti mong nalulunasan ang sakit sa puso ko,” sabi nito na punong-puno ng sensiridad sa boses. “But Wade, wala naman talagang gamot para sa sakit ng puso kapag heartbroken ka,” pagbibiro niya na tinawanan lamang ito. “No, puwedeng instrumento ng bagong pag-ibig,” usal nito. *** Nagtagal ang pagkakaibigan nina Trixie at Wade. Sabay silang lumalabas para lamang kumain ng lunch at dinner. Namamasyal kung minsan at sa puntong iyon ay nakalimutan na talaga ni Wade si Molly. Hindi niya lubos akalain na puwede palang kalimutan ang feelings na matagal nang nakatago sa kanyang puso. Ang pag-ibig na mahigit sampung taon niya ring iningatan. Nang dahil iyon sa isang babae. Muli nitong pinatibok ang puso niya na akala niya ay hindi na mangyayari pa. Dahil sa pangakong iisang babae lang ang mamahalin niya at titibok ang puso. Ngunit mas higit pa ang nararamdaman niya para kay Trixie. May takot man siya na baka iwan din siya nito sa huli ay nag-take pa rin siya ng risk. Lahat naman ng bagay ay kailangan ng pagsubok kaya humingi siya ng permiso sa dalaga na kung puwedeng niya ba itong ligawan. Hindi naman nagdalawang isip ito na pagbigyan siya kahit alam nito na may dati siyang minamahal. Ngunit hindi na mahalaga pa sa kanya iyon. Dahil ang nga sabi nito, “Wade, mas importante sa akin ang kasalukuyan. Hindi ang nakaraan. Kasi mananatiling alaala na lamang iyon.” May mga babaeng katulad pa rin pala ni Trixie na tatanggapin ang nakaraan ng isang lalaki. Tatlong buwan naman ang nakalipas noong paghihiwalay nila ni Molly at may dalawang buwan na rin ang panliligaw niya kay Trixie. Naiintindihan niya ang hindi pagsagot nito ng agaran. Dahil kahit ang ex-girlfriend niya ay umabot pa ng ilang taon bago niya ito napa-oo. At saka ayos lang sa kanya ang maghintay nang matagal kay Trixie, dahil alam niyang worth it naman. “Trixie, mas talented ka yata kaysa sa akin, ah,” komento niya nang dalhin naman siya nito sa condo. Ipinakita rin sa kanya ang mga collection nito. Hindi masakit sa mga mata kahit ang daming kulay pero napansin niya ang mas maraming sapatos ngunit iisa lang ang kulay ng mga ito. Halatang favorite color nito ang purple. “Talaga? Ngayon mo lang napansin?” tanong nito at inaayos ang bagong collection. “Hindi, matagal na. Parang ikaw ang obsessed na mga ito. Ang dami, ah.” “Umabot na ito sa hundreds, Wade. Original shoes ito at handmade pa. Mga kamay ko mismo ang gumagawa nito bago ang mas maraming ire-release namin,” paliwanag nito at naglakad naman siya palapit sa dalaga. Napaigtad pa ito nang hawakan niya ang magkabilang kamay. “Kaya naman pala ang gaspang ng mga kamay mo, Miss,” aniya. “Pangit ba, Wade?” nag-aalalang tanong nito sa kanya at ngumuso pa. Dinala niya sa mga labi niya ang dalawang palad nito saka niya masuyong pinatakan ng halik. “No. Kamay ito ng isang babae na talented at workaholic. I like it the way you are, Trixie,” sabi niya at sinapo pa niya ang pisngi nito. Sumilay naman ang matamis na ngiti nito. Pumungay ang kanyang mga mata at napakagat-labi nang titigan niya rin ang mapupulang mga labi nito at hanggang sa hindi na niya napigilan pa ang sarili niya na haplusin ito gamit ang hinlalaki niyang daliri. “W-Wade...” nauutal na sambit nito sa pangalan niya nang dahan-dahan na lumapit ang kanyang mukha rito. Nalalanghap niya ang mabango nitong hininga na mas lalong nagbigay sa kanya ng urge na halikan ito. “Can I kiss you, Trixie?” utas niya. “Uhm... W-Why?” kinakabahan na tanong nito sa kanya at hinapit niya ito sa baywang upang mas maging malapit ang kanilang katawan. Ang lambot ng dibdib nito at dahil matangkad siya ay kailangan pa niyang yumuko at humilig upang maging pantay ang kanilang mukha, na ilang dangkal na lamang ang layo ng mga labi nila sa isa’t isa. Nabibingi sa malakas na kabog sa kanyang dibdib si Trixie habang nasa ganoong posisyon sila ni Wade. Manliligaw na niya si Wade, hindi na lang isang kaibigan. Crush lang naman noong una pero nagugustuhan na rin niya ito habang tumatagal ang mga araw na palagi niyang kasama ang binata. Gentleman pa naman ito at walang ginagawa na puwede niyang ikailang o kainisan. Ngunit hindi sa pagkakataong ito. Dahil nanghihingi na sa kanya ng permiso na halikan ang mga labi niya. Isama mo pa ang braso nitong nasa baywang niya at ramdam na ramdam niya ang mainit na katawan nito. Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya na mabilis nitong pinigilan. “Don’t...” “Y-Yes, Wade. You have my permission,” nahihiyang sabi niya rito at tumaas ang sulok ng mga labi nito. Tinitigan siya ng diretso sa mga mata niya. Kakaibang kislap ang mga nakikita niya rito. Hanggang sa dumampi na nga ang malambot at mainit na mga labi nito sa kanya. Mabilis na halik lang naman iyon na parang hangin lang pero kakaibang hatid na ang ibinigay sa kanya. Namanhid ang batok niya at nag-init ang pisngi niya. Muli siyang siniil nang mariin na halik at bumitaw rin sa huli. Tumaas na ang isang palad nito at nanatili na sa batok niya at ang isa naman ay nasa kaliwang pisngi niya. Padampi-dampi lang ang mga halik nito sa kanya pero may panunuya. Mapupungay ang mata niya na parang inaantok siya. But when she wrapped her arms around his neck at siniil ulit siya ng halik nito and this time ay mas malalim na at marubdob. Unang halik iyon ni Trixie at inaamin niya na wala siyang karanasan pagdating doon. Pero mabilis siyang natuto dahil sinundan niya lang ang bawat na galaw ng mga labi nito. Faint moans and groans slip out of their mouths as they kiss deepened and more passionately, tongue to tongue, bite to bite and suck to suck. Hindi nila alam kung nagtagal ba iyon ng isang oras. Kung nararamdaman nila na kakapusin sila ng hininga ay bumibitaw sila pero muling mauulit ang paghalik nila hanggang sa mamanhid pareho ang mga labi nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD