CHAPTER 17

1866 Words
Chapter 17: Relationship Official “I LIKE you so much, Trixie,” namamaos ang boses na sabi sa kanya ni Wade at kapwa nila habol ang sariling hininga. Hinalikan pa siya nito sa noo pababa sa tungki ng kanyang ilong at saka ito ibinaon ang mukha sa leeg niya na alam niyang may namumuo ng pawis pero balewala iyon. “G-Gusto rin kita, Wade,” pag-amin niya sa binata at naramdaman niya ang pagngiti nito. Muli pa siyang hinalikan sa noo saka siya iginiya sa labas ng walk-in closet niya kung saan mas marami ang mga sapatos niya kaysa sa mga damit niya. “Ipagluto mo na lang ako, Miss. Baka kung ano pa ang magawa natin dito,” sabi nito na ikinangiti niya. Dahil hindi ito nagti-take advantage at alam nito kung kailan sila hihinto. Maski siya ay parang wala na ring control sa sarili niya. Dahil nakalalasing ang bawat na paghalik nito sa kanya. Pero nadi-distract lang siya nito dahil hindi siya tinantanan ng mga tingin nito. “Wade, naman. Sabi ko naman sa ’yo na sa living room ka muna. Huwag dito,” mahinang reklamo niya. Nakatukod kasi isang braso nito sa island table at nangalumbaba. “Wala naman akong ginagawa maliban sa panonood ko sa ’yo, Trixie.” “Anong wala?! Nadi-distract ako sa ’yo!” nakangusong sigaw niya at napahalakhak na naman ito. “Please, let me stay here,” pakikiusap nito at marahas na bumuga siya nang hangin sa bibig. “Wade Hansley Esquivias!” sambit niya sa buong pangalan nito. “Yes, my Mrs. Trixie Garcia-Esquivias?” “Wade!” Nagpapadyak lang siya sa sahig dahil sa panunukso nito sa kanya. Natitiyak siyang namumula na naman ang mga pisngi niya dahil ramdam niya ang init nito. “Sounds good, right baby?” Tinakpan na lamang niya ang mukha niya gamit ang kanyang dalawang palad at bayolenteng nagtaas baba ang kanyang dibdib dahil sa mabilis na pagtibok ng puso niya. Tinawag siya nitong baby. Talaga naman pati bulate niya sa loob ng tiyan niya ay kikiligin din. “Wade, enough na nga,” mahinang suway niya at naramdaman niya ang pagtayo nito. Mas lalong nagwawala na ang puso niya nang pumuwesto ito sa likuran niya at pumulupot ang isang braso nito. Hinawakan naman ang isang kamay niya na may hawak na sandok. “Baka hindi na maluluto pa ang chicken soup natin, Trixie,” sabi nito at sabay nilang hinalo ang niluluto niya kaya naman tiningnan na niya ito. Sa huli ay hinayaan na lamang niya ang binata na yakapin siya na panay halik sa sentido niya. Kahit habang kumakain sila ay nasa kanya pa rin ang buong atensyon nito. Iniirapan pa nga niya ito at iniikutan ng eyeballs. Tanging mahihinang halakhak lang ang iginaganti nito sa kanya. “Trixie, did you know?” “Hmm?” tugon niya habang umiinom siya ng tubig. “I just experience this strange feeling. This looks like a lot of fun. Molly and I don’t do this often. So I can say... this is the happiest thing in my life. Thank you, Trixie. Thank you for letting me be part of your life.” “Me too, Wade. Only you made me feel this way. Thank you rin dahil paunti-unti mo akong pinapasok sa puso mo,” sabi niya and since magkatabi lang silang nakaupo ay nagawa siya nitong yakapin. He kissed her temple. “I’ll take care of you, Trixie...” “I’ll do the same way, Wade baby,” she teased him at nagawa pa niyang sundutin ang tagiliran nito. “Hmm, wala akong kiliti riyan. Ikaw ay mayroon,” anito at sinundot naman ang tagiliran niya. Tamang hula naman ito dahil may kiliti siya roon. “Wade!” Malakas na natawa siya dahil ilang beses itong inulit. *** Lumipas ang ilang mga araw at naging opisyal na ang relasyon nilang dalawa. Isang taon na rin ang lumipas simula nang mawalan na ng komunikasyon sina Wade at Molly. Isang magandang pangyayari na iyon para kay Wade dahil tuluyan na siyang naka-move on. Tama nga naman ang kanyang bagong girlfriend. May mga taong nawawala man ay may bago namang dumarating pero ngayon ay nangangako siya na hindi na niya hahayaan pa na may mawala pa sa kanya na isang taong mahalaga na sa buhay niya. May puwang na sa puso niya si Trixie at ito na ang kanyang happy pills. Nakadepende na kasi sa dalaga ang kasiyahan niya. “Wade baby, ayos na ba ang dress ko?” tanong nito sa kanya at ipinakita pa sa kanya ang purple na off-shoulder dress nito. Hinawakan pa niya sa kamay ang nobya niya at inikot niya ito para makita ang buong ayos nito. “Of course, walang damit na hindi na babagay sa ’yo. You’re a model, baby,” papuri niya rito. Hindi naging isang sekreto ang relasyon nilang dalawa dahil kahit ang parehong empleyado nila ay una pa lamang may alam na ang mga ito sa panliligaw niya. Maliban na lang kung may nalalaman na rin ba ang mga media. Dahil natitiyak niyang pagkakaguluhan sila dahil pareho silang successful. “Oh, as expected sa boyfriend ko,” sabi nito. “At dahil diyan. May kiss ka sa akin,” sabi nito at yumuko siya para maabot nito ang mukha niya ikinulong ng mga palad nito ang magkabila niyang pisngi. Matunog na hinalikan siya sa kaliwang pisngi niya na ikinasimangot niya. “Halik pang-kinder naman iyon, Trixie,” reklamo niya. “Wade, ayokong masira ang lipstick ko.” “As I remember ay waterproof ang lipstick mo, Ms. Trixie,” sabi niya at hinaplos pa niya ang gilid ng labi nito. “Iyon lang ang halik na afford ko sa ngayon, Wade baby.” Napapangiti talaga siya sa tuwing may karugtong ang pangalan niya na baby. “No. I want more than that, please,” aniya at hinapit niya ito sa baywang. Tiningala siya nito at hinawi niya ang buhok na nakatabi sa maamo nitong mukha. “Sa sobrang ganda mo ay pinagseselosan ko ang mga matang maraming nakakita sa ’yo,” saad pa niya. Bumaba ang kanyang tingin sa mga labi nito na ilang beses na niyang natikman. Parang naaadik na siya na halikan ito. His girlfriend wrapped her arms around his neck at sa ganoong paraan ay binibigyan na siya nito ng permiso. Kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Siniil na niya ito nang mariin na halik at napapikit siya nang malasahan na niya ang matamis nitong mga labi. Mararahan na kagat ang ginawa niya at pagsipsip. He felt the softness inside her mouth as the kiss deepened. Kapwa habol na naman nila ang paghinga nang pinakawalan nito. Napangiti sila sa isa’t isa pero wala pang isang minuto ay muling nagtagpo ang kanilang mga labi. She slowly parted her lips to accept the kiss. “Tama na... Baka kanina pa tayo hinihintay ng parents mo,” sabi nito at dumaing siya dahil gusto pa talaga niyang halikan ito. “Wade, isa!” sigaw nito sa kanya dahil binigyan niya ng halik ang leeg nito. Hindi niya talaga naramdaman ang ganitong klaseng kasiyahan at kailanman ay hindi siya naging clingy kay Molly. Kay Trixie lang talaga siya nagkakaganito. Dahil sa piling ng dalaga ay naramdaman niya na siya ang first priority nito. Kahit busy ito ay hindi man lang nawalan nang oras para sa kanya. Kahit sa pagmomodelo ay nagagawa siyang tawagan nito at sagutin ang mga tawag niya. Ito ang relasyon na gusto niya noon pa man. Pagdating nila sa bahay ni Wade ay naging kalmado lang si Trixie. Napansin siya ng boyfriend niya at pinagsiklop ang mga daliri nila. “Kinakabahan ka ba, Trixie?” tanong nito sa kanya na mabilis niyang inilingan. “Nope, I’m good,” sagot niya sabay kindat. “Wow, ikaw lang yata ang kilala kong babae na hindi kinakabahan na makilala ang parents ko.” “Kasama naman kita, Wade,” aniya at humilig siya sa balikat nito. Hinalikan siya nito sa sentido niya saka sila nagpasyang pumasok sa loob ng bahay ng mga magulang nito. May hinanda si Trixie na regalo para sa mga ito. Bagong design na heels na hindi pa nila nailalabas sa market. Para naman iyon sa nakababatang kapatid nito. Isang halaman naman para sa Mommy nito dahil naikuwento sa kanya ng nobyo niya mahilig ito mag-garden. Dalawang pares na t-shirt pambahay naman para sa daddy nito na binili pa niya sa clothing lines ng parents niya. Magiliw naman siyang tinanggap ng mga ito dahil mababait naman pala. “Mom, Dad, girlfriend ko po. Ashley.” Nagmano pa si Trixie sa mga ito at hinalikan naman niya sa pisngi si Ashley. Na ngayon ay namimilog pa ang mga mata nito dahil kilala nga siya nito. “Ako po si Trixie Vargas Garcia,” magalang na pakilala niya sa sarili niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito ang dating nobya ng boyfriend niya. Kaya tuwang-tuwa nang makilala siya na bilang bagong girlfriend nito. “Iyong shoes designer po ng Trixie’s Sexy Shoes company?” gulat na tanong sa kanya ni Ashley. “Oo,” tipid na sagot niya. “Oh, my gosh! I’m an fan of your shoes po!” maligayang bulalas nito at nagawa pa siyang yakapin. “I can’t believe it na kayo po ang bagong girlfriend ng Kuya ko!” “Yeah? May gift ako for you.” Ibinigay niya ang regalo niya rito at si Wade naman ang nagbigay para sa Mommy at Daddy nito. “Nag-abala ka pa, hija,” sabi ng Daddy nito. “Maliit na bagay lang po iyan, Mr. Esquivias.” “Please, just call me Tito Wazel.” “Okay po, Tito.” “Tita Ashtelle naman ang itawag mo sa akin, hija.” “Sige po.” “God! Ang ganda po talaga!” “That’s her new design, Ashley. Hindi pa nila iyan nai-release sa market. So, you’re special dahil handmade niya iyan,” sabi ni Wade. “Thank you po talaga rito, Ate Trixie! Super ganda nito! “You’re welcome.” “Highly appreciated this, Trixie,” sabi naman ni Tito Wazel. “This is lotus flower, right?” “Opo, Tita.” “Lotus flower? Mom, nabibili lang po iyan online and super mahal po niyan,” sabi naman ni Ashley. “Then, I will take care of this.” “Hija, ang komportable pala nito,” sabi ni Tito Wazel. Pareho silang natawa nang sinusuot na pala nito. Masayang naghapunan silang lahat sa dining room. Iisa lang ang tumatakbo sa mga isip ng parents ni Wade. Na sana ay si Trixie na nga ang makakatuluyan ng kanilang panganay na anak dahil nakikita nila ang busilak na puso nito at sigurado silang hindi ito ang tipong mananakit ng damdamin ng isang tao. Nakikita nila na bagay na bagay naman ang dalawa at parang doon lang nila nakita ang sobrang kasiyahan ni Wade. Dahil kakaiba ang pagkislap ng mga mata nito habang tinititigan nito ang nobya. Ganoon din ang dalaga kay Wade. Hinihiling nila na sana hindi na maghihiwalay pa ang mga ito. Mas gusto pa nila si Trixie kaysa kay Molly na masyadong mahal ang oras nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD