Chapter 18: Happiness
PAGKATAPOS naman siyang ipakilala sa parents nito, na ramdam niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ay dinala naman niya sa bahay nila ang kanyang boyfriend.
Katulad niya ay may hinanda rin ito na regalo para sa Mommy at Daddy niya, at sa kapatid din niyang si Lixia.
“Do you think magugustuhan ito ng Mommy mo, Trixie?” tanong nito na halata sa boses ang kaba. Hinaplos niya ang panga nito na ikinangiti naman sa huli. Mapupungay ang mga mata nito, ganoon naman talaga ito kung makatitig sa kanya.
“Mahilig mangolekta si Mommy ng painting at magugustuhan niya ’yan,” sabi niya.
“What about your Dad?”
“Malaking discount kapag bibili siya ng sasakyan mo? Hmm, napansin ko na medyo may kalumaan na ang kotse ng Daddy ko kaya hindi niya iyan tatanggihan. Para kay Lixia naman ay okay na sa kanya ang bracelet. Super expensive niyan, kukutusan ko siya kapag hindi niya nagustuhan,” sabi niya para naman hindi ito matakot nang husto.
Sa living room ay naghihintay na ang mga ito sa kanila. Seryoso nga lang ang facial expression ng Daddy niya. Samantala, ang kanyang ina ay malapad ang ngiti dahil halatang masaya rin ito dahil for the first time ay nagdala siya ng boyfriend niya sa bahay nila. Matamis na ngiti rin ang sinalubong sa kanila ng nakababata niyang kapatid.
Bayolenteng nagtaas baba ang adams apple ni Wade at ngayon niya lang naramdaman ang sobrang kaba sa buong buhay niya. Hindi naman siya ganito sa parents ni Molly.
Pakiramdam niya nga ay parang puputulan siya nito ng ulo dahil madilim ang tingin nito sa kanya.
He cleared his throat. “Good evening po. I’m Wade Hansley Esquivias,” pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Saglit na naghari ang katahimikan sa pagitan nila kaya mas lalong bumigat ang atmosphere sa paligid.
Walang bumati sa kanya kahit ang kababatang kapatid nito. Therefore, he glanced at his girlfriend na nakataas ang kilay nito.
“Mom, Dad and Lixia, huwag ninyo pong tingnan ng ganyan ang boyfriend ko. Iuuwi ko po talaga siya,” masungit na sabi nito at niyakap ang kanang braso niya.
“Hi, good evening din, hijo. Glad to finally meet you,” magiliw na bati sa kanya ng Mommy nito.
Lumapit siya rito. Humalik sa pisngi. “Kumusta po?”
“I’m fine, Wade. Ikaw pala ang first boyfriend ng aming anak. Hindi nabigyan ng hustisya ang paglalarawan niya sa amin. Dahil talaga namang napakaguwapo mong bata. Hon.” Siniko naman nito ang asawa.
“Good evening, Esquivias.” Napalunok lang ulit siya dahil sa tinawag nito sa kanya. Hindi naman niya alam kung gusto ba siya nito o hindi.
“Dad, magiging Esquivias din po ako soon!” Natuwa siya sa narinig ng girlfriend niya. Oo, may plano siyang gawin na Esquivias ito balang araw.
“Paano ka po nakasisiguro na pakakasalan ka ni Kuya Wade, Ate?” taas-noong tanong ni Lixia.
“Lixia!” sambit nito sa pangalan ng kapatid. Hinaplos niya ang baywang nito at nakarinig lang siya nang pagtikhim. Kaya nabawi siya na ang kamay niya.
“May plano ka bang pakasalan ang anak ko, Esquivias?” malamig na tanong ng daddy nito.
“Opo, Sir. Mahal ko po ang anak ninyo,” seryosong sagot naman niya at nang sulyapan niya si Trixie, ang mabilog nitong mga mata ay mas lumaki pa. Dahil sa gulat na narinig na sinabi niya.
“Y-You love me?” gulat na tanong nito.
“Ano naman pong klaseng tanong iyan, Ate?”
“Lixia, behave,” suway naman ng mommy nito.
Hinalikan niya ang ulo nito saka niya hinarap ang parents ng dalaga. “Kung pagbibigyan po ako ng pagkakataon na pakasalan ang anak ninyo ay pangakong aalagaan ko po siya at mamahalin habangbuhay,” nakangiting sabi niya.
Alam niya na walang maniniwala sa kanya kapag sabihin niya na hindi na niya mahal si Molly o sabihin niya na wala na siyang nararamdaman para rito. Dahil sa tagal nang pinagsamahan nila. Sapagkat ang lahat ng pagmamahal na mayroon ito mula sa kanya ay naibaling na niya ang lahat kay Trixie. Sigurado na siya, na ito na ang makakasama niya hanggang sa pagtanda niya.
Nagising na lamang kasi siya na isang araw ay si Trixie na ang babaeng nagmamay-ari ng puso niya at ang tinitibok nito. Walang oras na hindi niya ito naiisip at nae-excite siya palagi kapag susunduin na niya ito sa company nito.
“Siya ang Daddy Hander ko, Wade. Si Mommy Verzosa naman iyan. Si Lixia ay kilala mo naman na siya,” sabi pa nito nang naka-recover na sa biglaan niyang pag-amin. Hinila pa siya nito at sabay na hinawakan ang mga kamay nila ng daddy nito. “Dad naman, boyfriend ko po iyan. Magiging anak ninyo na rin siya.”
“Fine,” sambit nito bagamat tinanggap na ang pakikipagkamay nito. “Keep your promise that you will take care of my daughter at kung nalaman kong sinaktan mo siya ay babawiin ko siya mula sa ’yo,” banta pa nito sa kanya pero nabawasan na ang kaba niya dahil senyales na iyon na tinatanggap na siya nito para kay Trixie.
“I will po,” sabi niya.
“Oh, siya kumain na lamang tayo. Salamat sa mga regalo mo sa amin, hijo.”
“Thanks po rito, Kuya Wade!”
“Bukas ay pupunta na ako sa car rental mo. Baka bawiin mo ang discount mo,” sabi ng daddy nito na ikinatawa nila pareho. Tinapik nito ang balikat niya. “Welcome to the family, Esquivias.”
Katulad din sa dinner nila last time sa bahay ng parents ni Wade ay naging maayos naman ang lahat sa kanila. Legal na sila pareho sa mga parents nila at masayang-masaya na si Wade sa piling ng nobya niya.
***
“Happy first anniversary, Wade baby!” bati nito sa kanya at pinugpog siya ng halik pero sa pisngi at noo niya lamang. Sinasadya nito na huwag dumapo sa mga labi niya. Kahit ilang beses siyang ngumuso.
Ilang anniversary na ang dumating sa buhay ni Wade kasama ang dati niyang karelasyon pero ito na yata ang unang beses na nag-celebrate siya na na-excite siya at pinaghandaan niya talaga.
Hindi sila nagpunta sa kung saan para sa first anniversary nila. Dahil sa bahay niya lang ay naghanda siya. Todo effort ang ginawa niya para sa dekorasyon. Puro mga litrato naman ang makikita nila sa loob and may round table pa.
Buong araw silang magkasama at wala naman silang ibang ginawa kundi ang manood ng comedy drama kaya ang boses lang nila ang maririnig sa entertainment room. May mga pagkakataon na naghahabulan pa silang dalawa sa loob na parang mga bata.
Hanggang sumapit ang gabi ay may romantic dinner naman sila. Nakatulog si Trixie kaya hindi na niya nakita pa ang paglalagay ng maraming candle lights ng boyfriend niya. Kaya nang makita niya iyon ay teary-eyed pa siya dahil sobrang na-appreciate niya ang mga effort nito sa kanya.
Wala na siyang ibang mahihiling pa kundi si Wade na lang, na makasama niya for lifetime. Hindi lang naman ito ang nagmamahal kundi pati siya ay mahal na niya ang binata.
Sa balkonahe naman ay magkatabi silang nakahiga. Nag-star gazing silang dalawa. Ginawang unan ni Trixie ang braso ng nobyo niya at nasa likuran niya ito. Mahigpit pa ang yakap sa kanya.
“Trixie?”
“Hmm?”
“I love you...” Napangiti siya at mahinang gumalaw siya dahil sa nararamdaman niyang kilig.
“I love you too, Wade baby,” sabi niya at binalingan niya ito para lang halikan siya. Mabilis lang naman iyon at tumingala ulit sila upang makita ang magagandang star sa itaas ng kalangitan.
“Akala ko ay iisang babae lang ang mamahalin ko.”
“Isa lang naman talaga. Ako lang iyon,” sabi niya.
“Yup, ikaw lang iyon, baby,” sabi nito sabay halik sa pisngi niya. “My cure,” dagdag na saad nito.
“Wade Hansley?”
“Hmm?”
“Mahal kita.”
“Mahal din kita,” sagot nito sa kanya at tumihaya siya para titigan ang guwapo nitong mukha.
“Paano kung magkikita ulit kayo ni Molly? Paano kung... mare-realize mo na siya pa ang mahal mo?” tanong niya. Inaamin niyang kinakabahan siya sa tanong niyang iyon.
Dahil may posibleng babalik ang nararamdaman nito para sa dalaga dahil matagal din ang naging relasyon nito. Sila ay isang taon pa lamang.
“Hindi na mangyayari pa iyon, Trixie. Ikaw na ang siyang tinitibok nito,” seryosong sabi sa kanya ni Wade at hinawakan ang kamay niya upang dalhin ito sa dibdib nito.
Napangiti siya nang maramdaman ang mabilis na t***k ng puso nito. “Ikaw ang first love ko, Wade. Kaya...alam mo na masasaktan ako kapag iniwan mo ako,” malungkot na sabi nito.
“Not gonna happen, Trixie. I won’t leave you,” sabi nito at siniil ng halik ang mga labi niya na mabilis niyang tinugunan ng buong puso.
Malaki ang respeto ni Wade sa kanya at hanggang paghalik lang talaga ang nagagawa nila. Maski si Wade ay hindi niya rin alam kung bakit hindi naman niya nagagawa ang isang bagay kung saan na mas active sila ni Molly.
Dahil para sa kanya ay sapat na ang halik lang at ang makasama ang girlfriend niya. Ang makita lang iyong nakangiti ay buo na ang kanyang araw. Ganoon niya talaga kamahal ang girlfriend niya na higit pa sa buhay niya.
Ngunit ang akala nila isang perpektong relasyon ay mananatiling masaya palagi dahil dumating ang isang araw na bumalik si Molly at gusto nitong makipagbalikan kay Wade.
Dahil umabot na sa dalaga ang pagkakaroon niya ng bagong nobya at lahat ng mga tao ay nalaman ang dati nilang relasyon.
Natatakot si Wade na baka masira naman ang tiwala sa kanya ni Trixie. Lalo na sinabi rin ni Molly na engaged na sila at hinintay niya lamang daw na matapos ang kontrata nito bago sila magpapakasal.
Ilang beses nang tinawagan ni Wade ang cellphone nito pero walang sumasagot mula sa kabilang linya.