CHAPTER 19

1870 Words
Chapter 19: Tears & Heart HINDI lubos maisip ni Trixie na ganito pala ang mangyayari kapag babalik na sa bansa si Molly Allison. Ang ex-girlfriend ng boyfriend niya. Isa talaga ito sa kinakatakutan niyang mangyari. Ang babalik ito at inamin sa lahat na nobyo nito si Wade Hansley Esquivias, kahit matagal na silang hiwalay. Pinili nito ang career tapos babalik ito na parang hindi nito sinaktan ang binata dahil sa pang-iiwan nito noon? Gusto tuloy ni Trixie sabunutan ang buhok nito pero natatakot lang din siya dahil baka nag-iba na ang tingin ni Wade sa babae. Na baka bumalik din ang feelings nito dahil malakas ang kutob niya na makikipagbalikan ito sa ex nito. Mahigit sampung taon ang naging relasyon ng dalawa at hindi niya kayang talunin sa dalawang taon nilang pagsasama ni Wade. Walang-wala iyon, kahit na nararamdaman naman niya na mahal na mahal naman siya ng kanyang kasintahan at ganoon din siya. First love niya ito kung kaya’t may takot siya na baka mawala ito sa kanya. Kahit may assurance naman talaga ito sa kanya na hinding-hindi naman siya nito iiwan. Nagkulong lang siya ng buong araw sa loob ng kanyang silid at kahit ang lunch and dinner niya ay hindi na siya kumain pa. Ring nang ring ang cellphone niya at ang tumatawag sa kanya ngayon ay ang nobyo niya. Ngunit hindi niya ito sinasagot. Naisip niya na posibleng makikipaghiwalay na ito sa kanya kung sasagutin niya ang mga tawag nito. Sa unang pagkakataon ay naging duwag si Trixie na harapin ang realidad. Na parang gusto na niyang magtago na lamang. Iyak nang iyak lang din siya at naninikip ng husto ang kanyang dibdib. Nakaupo siya sa gitna ng kama niya at nakasandal sa headboard nito habang yakap-yakap niya ang mga tuhod niya. Sa paanan naman niya ay nakabukas ang laptop niya. Napanood niya mismo ang statement nito about their relationship. Tuwang-tuwa pa nga si Molly. May mga pictures din ang inilabas nito. Kaya mas dumagdag lang ang hinanakit niya sa dibdib. Tumatawag na rin sa kanya ang mga magulang at kapatid niya pero kahit na isa ay wala man lang siyang sinagot. Nag-iingay na rin ang doorbell niya ngunit wala talaga siyang ginagawa. Nakaupo lamang siya at nakatulala kung minsan. Hindi pa nga nakikipag-break sa kanya si Wade at hindi pa sinabi nito sa kanya na hindi na siya mahal o bumalik na ang feelings nito sa ex nito pero parang heartbroken na agad siya. Ang sakit ng dibdib niya dahil tila may malaking kamay ang pumipiga sa puso niya. Hindi na rin maayos ang kanyang paghinga at may kung ano ang bumabara rito. Hanggang sa naisipan niya ang tumayo at nagtungo sa kusina pero laking gulat niya nang makita niya si Wade. Patakbong bumalik siya sa kuwarto niya. “Trixie!” tawag nito sa pangalan niya pero hindi niya pinansin. Isinara niya agad ang pintuan at dumausdos pababa sa sahig at napatutop siya sa kanyang bibig. Nakalimutan niya na alam pala nito ang passcode ng unit niya pero bakit naman kaya ilang beses pa itong nag-doorbell bago naisipan ang pumasok sa loob? “Baby...open the door, please. Papasukin mo ako. Trixie...” nakikiusap na sambit nito. Tinakpan niya rin ang magkabilang tainga niya upang hindi na niya marinig pa ang paulit-ulit na pakikiusap nito sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas ay hindi na niya narinig pa ang boses nito pero wala rin naman siyang narinig pa may lumabas mula sa unit niya dahil tutunog pa ang pintuan kapag may lalabas na nga ngunit wala naman. Isinandal niya ang ulo niya sa nakasaradong pinto at mariin na pumikit. Nagpakawala pa siya nang malalim na hininga at saka niya naisipan na bumalik sa kama. Humiga siya roon at nagbungkos ng kumot. Umalingawngaw naman sa apat na sulok ng kanyang silid ang pamilyar na ringtone niya. Nang kunin niya ang cellphone niya ay si Wade mismo ang tumatawag. Ang balak niya ay i-turn off na lamang ito pero aksidente niyang napindot ang accept button nito at pati na ang speaker. “Trixie? Bakit mo ako tinataguan at bigla mo na lamang akong iniiwasan?” tanong nito mula sa kabilang linya. Hindi siya sumagot. “Dahil ba ito kay Molly? Trixie, nakita—” “I’m not asking you!” sigaw niya sa binata at narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Wala ka bang tiwala sa akin, Trixie? Pinagdudu—” “I don’t want to hear your explanation!” muling sigaw niya. “Pagbuksan mo ako, please. Mag-usap tayo.” “Ayaw ko!” “Trixie...” “U-Umalis ka na lang, please!” “Ayoko. Hindi ko gagawin. Iyong boses mo namamaos na dahil sa pag-iyak mo, Trixie. Buksan mo na ang pintuan at hayaan mo na akong makapasok.” Napahikbi siya sa sinabi nito at nakarinig pa siya nang mahinang pagsuntok nito. “Go away and leave me alone!” “Sisirain ko ang pintuan mo kapag hindi mo ako pagbuksan, Trixie,” banta nito sa kanya na as if matatakot siya. Wala siyang pakialam kung sisirain na nito ang pinto dahil wala naman siyang balak na harapin ito at kausapin pa. Punong-puno ng sakit at selos ang puso niya kaya paano niya haharapin ito gayong kadarating lamang ang totoong mahal nito? Ipamumukha na ba sa kanya na mahal na ulit nito si Molly? “Kahit sirain mo pa ay wala akong pakialam. Dahil hindi pa rin kita haharapin, Esquivias!” asik niya at nagpatuloy siya sa pag-iyak niya. “Hear me out first, Ms. Garcia. Bumalik si Molly—” “Ayokong marinig ang pangalan ng ex mo...” mahinahon na saad niya. “Okay, okay. Si Mo—nakipagkita nga siya sa akin at para sabihin na makikipagbalikan na siya pero sinabi ko na hindi na puwede. Sinabi ko na...may girlfriend na ako. Akala niya—” “Sinabi ko bang magpaliwanag ka, Esquivias?” malamig na tanong niya rito. “Trixie, gusto ko lang naman sabihin sa ’yo ang opinyon ko about her. Pakinggan mo muna ako dahil nasasaktan ako sa inaasta mo ngayon. Parang wala kang tiwala sa akin. Parang pinagdududahan mo naman ang nararamdaman ko para sa ’yo,” malungkot na saad nito at napabangon siya nang wala sa oras. Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya. “S-Sorry, Wade,” wala sa sariling sambit niya. “Forgiven, Miss,” mabilis na sabi nito. “Pakikinggan mo na ba ako?” “O-Oo...” “Do you trust me, Trixie?” “Hindi kita magiging boyfriend kapag wala akong tiwala sa ’yo!” “Exactly, baby. Eh, bakit mo ako iniiwasan? Sa pagkakaalala ko ay hindi naman tayo nag-away, ’di ba? Wala naman akong nagawa sa ’yo na ikagagalit mo. So?” “Dahil nga ’yon sa ex mo. Bakit pa ba siya bumalik dito?” parang batang tanong niya. “Dahil nandito ang pamilya niya—” “At pati na ikaw,” putol na naman siya sasabihin nito. “Goodness, Ms. Garcia. Patapusin mo muna ako,” may lambing ang boses na saad nito. “Fine!” pagsuko niya. “So hayon nga. Gusto niyang makipagbalikan sa akin kahit sinabi kong may girlfriend na ako ngayon. Pero ang akala niya ay galit lang ako o nagtatampo lalo na wala na raw siyang paramdam p sa akin sa nakalipas na dalawang taon. Sinubukan niyang magpa-interview at inamin niya na ako ang long-term boyfriend niya. Pinagkaguluhan iyon ng mga media dahil sikat na modelo siya at ako...alam mo na iyon, baby. Nagbigay rin kasi siya ng mga litrato namin, lalo na kung saan nasa bakasyon kaming dalawa. Hindi ko agad naipaliwanag sa kanila na we’re already over two years ago kasi mas inuna kitang puntahan. Kasi ikaw ang first priority ko kaysa sa issue na lumabas dahil nakaraan na ang lahat ng iyon. Mas importante ka sa akin, Trixie,” mahabang paliwanag nito sa kanya na nabigyan din siya ng linaw. Bagamat may paruparo na naman sa kanyang tiyan at napasinghot pa siya dahil sa sinabi nitong mas mahalaga siya at siya ang first priority nito. “Mahalaga ka rin sa akin at ikaw rin naman ang first priority ko,” pag-amin niya at narinig naman niya ang pagtikhim. “I know right, baby,” lakas loob na sambit nito. Nagsalubong ang manipis niyang kilay. “Ang yabang mo, Esquivias!” “Oo. Mayabang ako dahil mas higit kong naramdaman ang pagmamahal mo sa akin kaysa sa kanya. Trixie, ikaw lang naman ang nagbigay sa akin ng isang bagay na makokontento ako at magbibigay rin ng idea na katatakutan ko,” mahinang saad nito mula sa kabilang linya, ngunit sapat na upang marinig naman siya. “Ano iyon?” “Ang mawala ka sa akin.” Ilang minutong nilukob sila nang katahimikan hanggang sa nagsalita siya. “Mahal mo pa ba siya, Wade? Ten years mo rin naman siyang minahal at nakasama. Siya ang unang babaeng pinangakuan mo ng kasal at makakasama mo habangbuhay,” aniya at pinaglalaruan na niya ang mga daliri niya. May kirot na naman sa puso niya. Kung hindi ito tinanggihan ng dalaga ay malabong makilala niya si Wade at mahalin ng ganito na higit pa sa buhay niya at nang bumalik na nga ito ay mas natakot lang siya na puwedeng magkabalikan pa ang dalawa. First love never dies nga ika nila. At first love niya nga si Wade kaya mahihirapan talaga siyang kalimutan ito at lalo na mahal na mahal pa niya. “Katulad ng sinabi mo sa akin ay nakaraan na siya at ikaw na ang kasalukuyan ko, Trixie. Kahit sa hinaharap o maging sa kabilang buhay ay ikaw lang naman ang mahal ko at mamahalin ko. Ikaw rin ang nagsabi na may mga tao ang dumating sa buhay natin na magbibigay lang ng kasiyahan sa atin. Hindi ko alam kung bakit bigla ring nawala ang pagmamahal ko sa kanya kahit noong nakita ko ulit siya. Isa lang naman ang sigurado ako, Trixie. Wala na akong nararamdaman pa sa kanya at kung mayroon man ay siguro bilang kaibigan na lamang. Trixie, ikaw na ang nagmamay-ari ng puso ko. Wala ng iba pa.” Ramdam na ramdam niya ang sensiridad sa boses nito at sumasabay na ang mabilis na pintig ng puso niya. Kinuha niya ang kanyanga cellphone. Bumaba siya mula sa kama at naglakad patungo sa pintuan. Pinagbuksan na niya ito at natawa pa siya nang bigla itong natumba. Nakaupo naman kasi ito sa sahig at nakasandal din ito kaya nang binuksan niya ay natumba nga ito. Mabilis naman itong napatayo at parang nakahinga pa nang maluwag. Nilapitan siya at mabilis na hinalikan ang pisngi niya. “Nag-alala ako nang husto sa ’yo. Akala ko ay kung ano na ang ginawa mo sa sarili mo,” sabi nito at hinapit siya sa baywang. Mahigpit siya nitong niyakap. “Mahal na mahal kita, Trixie. Hindi kita ipagpapalit sa nakaraan ko,” sabi nito na ikinangiti niya. May padrama-drama pa siyang nalalaman. “I love you more.” “Mas mahal kita higit pa kanino.” “More than your car collection?” pangungulit niya. “Yes, of course. Display lang naman iyon. Ikaw ang mahal ko at kaligayahan ko,” malambing na sabi nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD