Chapter 1: Trixie’s introduction
TRIXIE’S POV
NAPASIMANGOT ako nang makita ko kung sino ang magmo-model ng bagong design ko na shoes. Limited edition lang ito at sinadya ko rin naman na tatlo lang ang ilalabas ko sa ngayon.
I’m a shoes designer at kilala ang mga nilikha ko lalong-lalo na sa mga artista at mayayamang tao. Pag-aagawan pa nila ang bagong design ko kahit sinasadya ko talaga na hindi maglabas ng marami.
Every two months kami nagre-release ng shoes at kahit hindi pa pinag-aaralan ng mga staff ko na kung pasok ba ito sa stock market ay inilalabas pa rin namin dahil basta may pangalan na Trixie’s Sexy ay wala kaming magiging problema pa. Papatok agad sa buyers.
Every week din ay may ipinapakita kami sa internet na new design ko. Wala pang isang minuto ay makikita na ang maraming views at pag-angat nito pataas.
Ako mismo ang kumukuha ng mga modelo para sa production namin pero choosy rin ako pagdating sa mga model ko. Kung hindi ko nagustuhan ay talagang papalitan ko kaya stress na stress sa akin ang staffs ko pero hindi naman nila ako pipigilan pa sa gusto ko. Hindi naman iyon dahil ako ang boss nila.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa highchair nang makita ko na nawalan nang balanse si Solace Cromwell nang suot-suot na niya ang black high heels na may butterfly pendant sa strap nito.
“Oh, my God, Solace!” sigaw ko at namilog pa ang mga mata ko sa gulat dahil sa pagbagsak niya. Nahawi pa ang suot niyang dress, hindi naman siya masisilipan dahil may shorts naman siya but... “Labas!” sigaw ko sa kanya at itinuro ko ang pintuan ng studio.
“I’m sorry, Ms. Trixie,” hinging paumanhin niya sa akin. I walked towards her.
“Tell me. Ilang beses tayong nag-shoot para lang makuha ang mga step na itinuro sa iyo ng director natin pero bakit hindi mo man lang makuha-kuha at hindi maayos ang paglalakad mo kaya ka nga na out of balance!” sigaw ko at ang mga kamay ko ay halos pigain na ng mga ito ang ulo niya sa sobrang gigil ng nararamdaman ko sa kanya.
“S-Sorry po. Hindi lang ako sanay sa sobrang taas,” she reasoned out.
Yumuko ako at marahas kong hinubad ang heels sa paa niya saka ako tumayo. Ipinakita ko sa kanya ang takong nito na halos ingudngod ko na sa mukha niya para lang makita niya ito nang maayos.
“Hindi mo ba ito nakikita? ’Sakto lang ang taas niya at sinadya kong gawin itong ganito dahil para talaga sa mga artista. Well, hindi ka naman kasi artista, magkaiba ang artista sa model lang pero ilang beses na tayong nagpa-practice kanina? Bakit hindi mo man lang makuha-kuha, ha?!” sigaw ko sa kanya.
“Secretary Bardot, ilabas ninyo muna si Solace bago ko pa man maipalo itong heels sa ulo niya!” Natatarantang lumapit naman ang secretarya ko sa amin dahil sa pagbabanta ko pero alam naman nila na hindi ko iyon magagawa.
Ayaw lang nila makita na super stress na ako today. Hindi ko nakakayanan ang pagiging mangmang ng model ko.
Maldita and suplada, kilala nila ako na may ganitong attitude pero hindi naman ako nananakit physically. Ang bibig ko lang ang masyadong masakit na kung magsalita but I know my limits. Tss.
Bumalik ako sa puwesto ko kanina. I wore my light violet peplum shirt and violet cargo pants, and pair of black strappy heels na ako rin mismo ang nag-design nito.
Of course, ako ang owner and designer kaya ako ang unang magkakaroon nito at ginagawa kong collection sa bahay ko.
Sa edad kong 27 years old ay marami na akong achievements, nagkaroon ng awards as a top model dito sa bansa natin and also one of the successful business woman na nagkaroon din ng five branches company sa limang bansa. Kauna-unahang Filipino na may malaking kompanya na kahit sapatos lang daw ay umaariba ang business. Like what the ef.
Matunog ang pangalan ko sa mga artista, model and mga mayayaman at kilalang tao sa mundo. Weird nga lang for them na ang pangalan ng company ko ay Trixie’s Sexy Shoes.
Well, aminado akong weird talaga siyang pakinggan but for me. Ang pinaka-sexy sa mundo ay ang mga sapatos na nililikha ko mismo. Kung papipiliin ako sa dalawa bagay; dress or heels? Of course, hindi ako magdadalawang isip na sumagot na ang shoes ang pinaka-sexy sa lahat.
At the age of 21 ay maging independent na ako at hindi na ako umasa pa sa parents ko. Even though at that time ay fresh graduates pa lamang ako.
Honestly speaking, ang ipinundar kong budget para makapagpatayo ako ng business ko ay ang pag-wo-work ko ng dalawang taon sa kompanya ng parents ko. Clothing lines ang negosyo nila at mataas ang salary ko dahil naging sales talk ako ng mga customers nila na puro foreigner naman at doon din naman nagsimula ang career ko as a model.
But umabot pa ako ng six months bago ako nag-resign dahil ongoing ang construction nang ipinatayo kong maliit na building.
Dahil madiskarte nga ako ay limang buwan ay nakahanap ako ng customer ko na nagustuhan ang mga designs ko hanggang sa paunti-unti ay nakikilala na rin ako.
Mag-aapat na taon na ang Trixie’s Sexy Shoes company kaya masasabi talaga ng karamihan na successful na nga talaga ang owner and also the designer.
Kung sinusumpong ako ay may 50 stocks ang new design namin. 3 stock lang iyong first released namin.
Trixie Vargas Garcia is the name, 27 years old, model, shoes designer and a business woman. Paanong naging model pa ako sa kabila ng pagiging busy ko sa company ko?
Ginagawa kong rest day ang Friday kaya naman iyon lang ang tanging oras ko para i-model ang mga dress na hindi naman nagmula sa clothing lines ng parents ko. Hindi iyon puwede dahil baka kung ano pa ang masabi sa akin ng mga tao, and also hindi na ako model nila.
Mayaman na nga raw ay mas nagpapayaman pa ako lalo. Ayokong umabot sa point na husgahan kami ng karamihan dahil ginagamit din namin ang kasikatan namin, eh.
“Break muna tayo everyone,” anunsyo ko sa kanilang lahat dahil kanina pa nga rin sila nagtatrabaho. Pinapatagal lang ni Solace dahil super maarte siya.
“Yes, Ms. Trixie,” sabay-sabay na saad nila.
“Sige na. Libre ko ang pizza and burger ninyo today dahil stress ako,” sabi ko at sumulyap ako kay Solace na dahan-dahan ang paglalakad dahil ayaw niyang mapansin ako. Takot siya sa akin dahil nasigawan ko siya. “Solace...” sambit ko sa pangalan niya pero may lambing iyon kaya kitang-kita ko ang bayolenteng paglunok niya.
“Bakit po, Ms. Trixie?” tanong niya na halata sa boses ang kaba.
“Hindi ka ba nasaktan kanina nang ma-out of balance ka?” tanong ko sa kanya at napahawak siya sa pisngi niya.
“Hindi naman po, Ms. Trixie,” sagot niya.
“Aalis ka na ba? Ayaw mong kumain ng pizza and burger?” Sa sinabi ko ay mabilis siyang lumapit sa amin at tumabi nang upo sa director namin. Napairap na lamang ako sa huli. “Diet ka pa rin,” paalala ko sa kanya na ikinasimangot niya. “Aangal ka pa?”