Chapter 8: Tinapay
NAPATITIG si Wade sa tinapay na nakahain na sa island table niya habang sumisimsim siya ng mainit na kape. Katatapos niya lamang mag-shower. Tanging bathrobe niya lang ang suot niya.
Sa lamig ba naman ng panahon dahil katatapos nga lang nang malakas na ulan ay sino ang hindi lalamigin at maghahanap ng mainit na maiinom? Kaya sa kusina agad siya dumiretso sa halip na magbihis.
Pero kanina pa talaga niya pinagmamasdan ang pandesal na ibinigay sa kanya ng dalaga na nakilala niya sa waiting area. Napailing siya dahil kahit isang beses niya lamang ito nakita ay hindi man lang nawala sa isip niya ang malaanghel nitong mukha.
Na parang ang mukha nito ay hindi common na madalas mong makikita sa kung saan-saan na lugar. Maganda ang manipis na kilay nito, bilugan ang mga mata at malalantik ang pilikmata. Matangos ang ilong nito na may kaliitan at manipis din ang mapupulang labi pero magandang tingnan habang nakanguso ito.
Kung makikita mo siya sa ugali niyang matapang, palaban at maldita ay malamig ang mga mata nito at walang facial expression. Pero kung kabutihan ang ipakikita sa iyo ay napakaamo ng mukha nito at kumikislap ang magandang mga mata nito.
“Trixie Vargas Garcia, Trixie...” sambit niya sa pangalan ng babae at nagpasya na siyang kainin ang ibinigay nitong tinapay. Nalasahan niya ang tuna nito na hindi niya akalain na may palaman nga ito. Akala niya isang simpleng tinapay lang, hindi pala.
‘You have no idea how you changed my mode, Trixie. It’s like you just saved me from the deep sea and I was drowning. I can’t really erase your beauty from my mind. You seem like a muse coming from a fantasy world. I hope to see you again.’
***
“Ate?! Ang aga mo naman po!” gulat na bulalas ng nakababatang kapatid ni Trixie nang dumating siya sa bahay nila nang hindi siya nagpapasabi sa mga magulang niya.
Hindi na rin kasi siya naghintay pa sa family driver nila na susundo nga sa kanya sa condo niya. Ayon sa sinabi ng kanyang ama. Basta na lamang siya bumiyahe to surprise them but of course hindi niya nakalimutan ang pasalubong niyang pandesal.
“Bakit bawal ba akong pumunta rito ng maaga, ha?!” supladang tanong niya sa kapatid niya at inirapan pa niya ito, kaya tumulis naman ang labi nito.
“Ang sungit-sungit mo talaga as ever, Ate Trixie!” nakangusong saad nito na tinawanan niya lamang.
“Come here, na-miss kita, ah,” aniya at nag-open arms pa siya.
Patakbong lumapit naman ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap. “I miss you rin, Ate! Wala ka pa ngang boyfriend but super busy mo na!” sabi nito. Marahan niyang tinapik-tapik ang ulo nito.
“Busy ako sa work ko, eh. Bakit nasa bahay ka? Dapat at this moment ay nasa school ka na,” sabi niya kay Lixia.
“Mamayang afternoon pa po ang class namin, Ate. Nasa living room sina Dad at Mom. Mommy!” sigaw nito at napailing siya nang mabilis itong nagtungo sa sala nila at basta na lamang siya iniwan nito.
Akala naman ng mga ito ay parang kadarating niya lamang mula sa ibang bansa dahil excited masyado.
“Good morning, Mom, Dad,” she greeted them at sabay pang napatayo ang parents niya.
Hinalikan niya sa pisngi ang mga ito sabay yakap. Marahan na patak ng halik naman sa noo niya ang naramdaman niya sa Daddy niya.
“Mamaya pang hapon dapat ang sundo mo, anak. Pero nandito ka na agad,” ani ng kanyang ama.
“Baka po uulan na naman, Dad,” she reasoned out. Kahit sinadya na niyang umalis.
Clingy ang Mommy niya kaya hindi na siya nito bumitaw pa. Umupo siya sa gitna ng mga ito, samantalang nasa kanilang single-sofa naman pumuwesto si Lixia.
“Manang, pakidalhan po kami rito ng maiinom,” marahan na utos naman ni Mrs. Garcia sa kasambahay nila.
“Iyong binili ko po kagabi ay kinain na namin ng pogi kagabi,” pagbibidahan niya sabay bigay ng paper bag sa Mommy niya.
Unang nag-react ang Daddy niya dahil sa sinabi niya na pogi. Natawa siya nang makita ang reaction nito. Salubong masyadong ang kilay at halata sa mukha nito ang pagtataka.
“May boyfriend ka na, Ate?” curious na tanong naman sa kanya ni Lixia.
“Nakarinig ka lang ng pogi at kinain namin kagabi ang binili kong tinapay ay boyfriend na agad? Baka ikaw ang may boyfriend diyan, ha. Malaman ko lang na may iba kang kinahuhumalingan maliban sa studies mo ay tatanggalan talaga kita ng allowance na bata ka. Makikita mo talaga,” mahabang pagbabanta pa niya rito.
Napakamot sa ulo nito si Lixia. “Ate naman, sinabi ko lang naman ang nasa isip ko pero ang dami mo nang sinabi agad at inaano ka po ba ng allowance na ibinibigay mo sa akin? Nanahimik po iyon,” sabi nito na halatang takot na mawala ang allowance sa kanya.
“Sino naman siya, anak? At bakit sabay pa ninyong kinain ang tinapay? Kasama mo siya kagabi?” Napaupo tuloy siya nang tuwid ng naging seryoso ang tono ng boses ang Daddy Hander niya.
“Oo, may boyfriend ka na ba na hindi mo pa naipakilala sa amin, Trixie?” ang tanong naman sa kanya ng Mommy Verzosa niya. Malayo sa naging reaksyon ng daddy niya. Mukhang masaya at excited na makilala ang lalaking tinutukoy niya.
‘Kung ang tipong lalaking iyon ang manliligaw ko ay baka po sinagot ko na siya ng hindi na ako nagdadalawang isip pa. Guwapo na, mabait at gentleman pa. Ang sarap pong yakapin habang nakahiga kami sa bed tapos malakas pa ang ulan sa labas. Eckk!’ Sa loob-loob ni Trixie ay pinagtatawanan na niya ang kanyang sarili dahil nagiging malandi na yata ang tumatakbo sa isip niya. ‘May abs kaya iyon katulad ng mga modelong nagiging partner ko?’
“Mom, tingnan ninyo po, oh! Nakangiti si Ate Trixie at nagba-blush pa ho. Baka iniisip niya nga ang lalaking tinutukoy niyang pogi!”
“Lixia! Manghuhula ka talaga!” natatawang sabi niya at halos malaglag ang panga ng mga magulang niya. Her sister’s eyes widened in shocked.
“Hindi po talaga niya itinanggi, Mom, Dad.”
“Kung ganoon dalhin mo na rito, anak para makilala na namin,” excited na sabi ng Mommy niya.
“I was just kidding, Mom. Hindi ko po iyon boyfriend.” Sinabi na nga niya ang totoo.
“Sino nga, Trixie?” tanong ng kanyang Daddy.
“Na-meet ko lang po siya kagabi habang pumapara rin po siya ng taxi at mukhang maglalayas po siya kasi may bitbit siyang suitcase. Hindi naman po siya masamang tao kung titingnan mo, dahil mas nangingibabaw po ang lungkot sa mga mata niya. Parang heartbroken po siya,” mahabang pahayag niya at nagkatinginan naman ang parents niya.
“Tapos?” interesadong tanong pa ng Mommy niya sa kanya.
“Hayon nga po, sinungitan ko ang lalaking iyon kasi panay ang pagsulyap sa akin. Naiinis na nga po ako kasi wala man lang humihinto na taxi. Hanggang sa nagsalita siya kung bakit walang taxi kahit marami na pong dumadaan,” sabi pa niya at hanggang sa naging mahaba na ang pag-uusapan nila.
Kahit si Lixia na sister niya ay nakikinig din sa kanya. Habang sabay-sabay na nilang kinakain ang tinapay at sumisimsim ng mango juice.
“Ate, malapit na po ang birthday ko. Nag-promise ka po sa akin na bibilhan mo ako ng kotse bago pa dumating ang birthday ko. Advance gift mo,” pagpapaalala sa kanya nito.
Nag-promise nga siya na may advance gift na siya for her sister’s birthday. Kung hindi lang nito pinaalala sa kanya ay talagang nakalimutan na niya. Sa sobrang busy kasi niya sa company niya ay nawala na iyon sa isip niya at puro shoes na lang ang kanyang naiisip.
“Sure ka na nag-propose ako sa ’yo ng advance gift for you?” pagbibiro niya para lang inisin ito.
“Ate naman, eh! Huwag mo naman pong bawiin ang promise mo sa akin! Na-record ko pa iyon sa cellphone ko!” sigaw nito at ipinakita pa sa kanya ang phone nito.
“Oo na! Sasamahan kita bukas,” sabi niya at parang bulate ito na kinilig nang husto.
***
“What do you mean about you’re over with Molly, Wade?” kunot-noong tanong ng kaibigan ni Wade sa kanya. Si Railey nang sabihin niya ang nangyari sa kanila ni Molly.
Hindi katulad sa mga nakikita niyang lalaki na bigo sa pag-ibig ang ginawa niya. Dahil kinabukasan din ay pumasok na siya sa trabaho niya.
Nawala na sa isip niya ang nangyari kagabi. Ang pakikipaghiwalay ng babaeng mahal niya dahil lang sa Isnag kapirasong papel kung saan nakapirma ito at nagkaroon ng contract three years pa ang itatagal.
Siya talaga ang tipong lalaki na hindi na kailangan pang maghabol sa isang babae lang. Naiintindihan naman niya talaga si Molly pero kung ano ang gusto nito ay hahayaan na lamang niya. Kasi alam naman niya na wala na siyang nagagawa pa once na nakapagdesisyon na ito.
“We’re over, she rejected my marriage proposal last night and I let her go. That’s her dream, her career. Alam mo na pagdating sa kanya ay wala na akong choice kundi ang sumang-ayon na lamang sa desisyon niya,” sabi niya.
“Hindi talaga natin napipilit ang isang tao kapag hindi pa sila handa. Sabi ko na nga ba na mangyayari ito. So, kumusta ka?” tanong nito na may pag-aalala sa boses.
“Okay lang ako,” kaswal na sabi niya lamang habang nagdedesinyo siya ng bagong sasakyan.
“Okay ka nga. Baka maghihintay ka lang sa kanya kaya wala lang sa ’yo ang pagiging heart-broken mo?” curious na tanong nito.
“I don’t know why, but I’m fine, Railey.”
“Gusto mong samahan kitang uminom? Magpakalasing hanggang sa makalimutan mo ang nangyari sa ’yo,” suhestiyon niya.
“Alam mo naman na mataas ang alcohol tolerance ko,” sabi niya rito.
“Baka lang naman,” giit nito.
“Railey, nagkatotoo nga ang sinabi mo sa akin kagabi na what if may makilala ako ng isang babae?” Inihinto niya ang ginagawa niya at binalingan ang kaibigan.
“Ha?” gulat na tugon nito.
“I met a girl,” he uttered at mabilis itong napaupo sa visitor’s chair niya at napukaw niya nga ang interes nito.
“Seryoso ka ba riyan, bro?” tanong pa nito.
“Kailan naman ako nagbiro, Railey?” nakataas ang kilay na laban niya rito at muli niyang nakita ang imahe nito.
“Hindi nga,” bulalas nito.