CHAPTER 7

1706 Words
Chapter 7: Under the rain NAIINIS na talaga si Trixie dahil wala man lang taxi ang humihinto kahit na ilang beses na siyang pumapara. Marami naman ang dumadaan na taxi pero sadyang wala talagang humihinto sa lugar niya. Muli siyang napatingin sa lalaki. Nasa left side niya lamang ito at ilang metro lang ang layo nila sa isa’t isa. Ramdam na ramdam niya ang mabigat na presensiya nito at base pa lang sa hitsura, sa maletang hawak-hawak nito ay parang maglalayas ito. “Oh, baka naman lilipat lang ng bahay or kadarating niya lamang sa Philippines?” tanong niya sa sarili niya pero marahan niyang pinilig ang ulo niya. “Impossible naman. Ang layo ng airport dito. Pero bakit naman kaya malungkot siya?” Ang lungkot kasi ng mga mata nito at iyon ang unang napansin ni Trixie. “Aren’t you wondering why there are no taxis stopping here? That they are just passing by?” tanong ng binata na ikinabigla pa ni Trixie dahil bigla rin naman itong nagsalita. Ang deep pa ng voice niya, ha at ang sexy lang. Tapos English-ero pala si kuya. Iba ka. “Because we are already wet from the rain and they don’t want their taxi seats to get dirty?!” hysterical na sigaw niya. “No. Do you think they will reject you? In this case, they need more passengers because if they don’t to drive, they won’t have anything to eat,” seryosong sagot nito sa kanya. “Ah, but there are a lot of taxis passing by but no one really stops!” muling bulalas niya dahil kanina pa siya naiinis sa mga taxi driver dahil wala talagang nag-abala na huminto mismo sa tapat nila. Malamig na ang gabi, isabay pa ang malakas na ulan at kulog. Kaya sino ang hindi maiinis kung nasa ganito kang sitwasyon? “Because they do have passengers.” Naitikom ni Trixie ang kanyang bibig dahil sa pagsagot nito. After a while she burst out laughing, her constant complaint was that she couldn’t get a taxi because she thought that the taxi drivers had meant it but she didn’t think that it was possible that they had passengers. “You’re right. I didn’t think of that,” sabi pa niya at napahawak na siya sa tiyan niya dahil nakatatawa nga talaga siya. “There is also a saying that if you have the patience to wait, you will not be disappointed. Because your waiting is worth it because what you want will still come true,” sabi pa ng binata sa kanya. Napatango-tango siya dahil may punto naman talaga ito. “Can I ask you something?” tanong niya at ilang segundo itong nanahimik. Akala niya ay hindi na nga ito sasagot pa pero binalingan naman siya nito. “Miss, nagtatanong ka na po,” pilosopong sagot nito at mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi niya. “Maglalayas ka ba sa bahay ninyo? Bakit may bitbit kang suitcase? Sa kalagitnaan pa nang gabi at ulan?” sunod-sunod niyang tanong. “Gusto ko lang pumunta sa isang lugar na magiging komportable ako,” sagot nito. Magaan kausap ang binata at wala ka talagang masi-sense na panganib dito. Kung ibang babae lang siya ay baka natakot na siya dahil may dala pa nga itong maleta tapos kayong dalawa lang ang nasa waiting area para lang pumara ng taxi. “Bakit ngayon pa na umuulan?” naguguluhan na tanong niya rito. “Kasi hindi ko alam na uulan naman pala ngayon. Miss?” “What?” mataray na tanong pa rin niya. “I’m Wade Hansley Esquivias, 30 years old.” Bumilis ang t***k ng puso ni Trixie nang bigla itong nagpakilala sa sarili nito sa kanya at buong pangalan talaga ang sinabi nito kasama na ang edad. 30 years old? Hindi na masama para sa 27 existence niya. Napailing lang siya sa huli dahil sa mga naiisip niyang age gap nila. ‘Wade Hansley Esquivias, pogi na nga ang may-ari ay pogi pa rin ang pangalan. Saan ka pa?’ “I’m Trixie Vargas Garcia, 27 years old,” sambit naman niya sa pangalan niya. “Sorry if we met in this situation. Natatawa lang ako sa gesture mo kanina. Galit na galit ka na.” “I just want to go home,” wika niya. “I see, aren’t you afraid of me? Because you’re talking to a stranger like me? Is the line ‘I don’t talk to strangers not in your vocabulary?” tanong nito sa kanya. “Because that depends on how I feel the presence of a person. From what I see of you, you seem heartbroken. Your eyes are sad, eh,” komento niya. “You’re observant then,” saad naman nito at may isang taxi na ang huminto sa tapat nito. Binuksan nito ang pintuan ng taxi at inakala niya na maiiwan na siya roon dahil nakahanap na nga ito ng masasakyan. “Get in,” marahan ang boses na saad nito. Walang humpay ang bilis ng heartbeat niya at may kung ano na paruparo sa kanyang tiyan. Kinikilig ba siya dahil nakilala niya ang isang lalaking gentleman na si Wade Hansley Esquivias? Hindi na nag-atubili pa si Trixie at naglakad siya palapit sa lalaki, at sumakay na rin. Umusog pa siya sa kabilang upuan dahil inaasahan niya na sasakay na rin ito pero isinara lang nito ang pinto. “Saan po tayo, Ma’am?” tanong ng taxi driver sa kanya. “Ay, wait lang po, Manong!” Ibinaba niya ang salamin ng bintana at bahagyang inilabas ang ulo niya para makita niya ang binata. “Mababasa ka na niyan,” sabi nito at ginawang panangga ang dalawang palad nito sa ulan para hindi mabasa ang ulo niya. “Hindi ka ba sasakay?” tanong niya. “Hindi ba gusto mo nang umuwi?” balik na tanong naman nito sa kanya. “Yes. Pero hindi naman puwedeng iwan kita rito, ’no! Nagpaubaya ka sa taxi pero puwede naman tayong mag-share. Mahihirapan ka nang humanap niyan,” sabi pa niya. Titig na titig si Wade sa maamong mukha ng dalaga. Sa isang iglap lang ay binago agad nito ang nararamdaman niya. Na parang ang bigat ng nararamdaman niya kanina ay biglang gumaan dahil lang nakita niya ito. Ang bilis nga nagbago ang mode niya. Hindi niya alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso niya at natutuwa talaga siya na nakilala niya ito kahit na sa ganito pang sitwasyon. “Ano na?” untag na tanong nito sa kanya. Ang balak nga niya ay ito na lamang ang pasakayin sa taxi dahil sinabi nga nito na gusto na nitong umuwi pero nagmagandang loob pa rin ito na pasakayin siya. Ang akala niya ay suplada ito at walang pakialam sa mga taong nasa paligid nito. Saka ang balak niya talaga ay ang umalis at pumunta sa isang lugar na malayo rito pero mukhang babalik pa siya sa condo niya. “Sige na. Ayos na ako. Sa building na iyan ang condo ko,” sagot niya at itinuro pa niya ang condominium na tinutuluyan niya. Nasa kabilang kalsada nga lang ito. Umawang ang labi nito at namimilog pa ang mga mata. “Kaya naman pala. Sige,” paalam nito at may inabot pa sa kanya. Nagtatakang kinuha naman niya iyon at nang hawakan niya iyon ay malambot nga iyon. “What is this?” he asked in confused. “Kainin mo bago pa man iyan lumamig, sayang naman kasi. Masarap iyan at mainit sa sikmura,” sagot nito at saka isinara na ang binta. Sinundan na lamang niya nang tingin ang umaandar na sasakyan. Bumaba rin ang tingin niya sa ibinigay nito at nang makita niya ay napangiti na lamang siya. Pandesal... Wala sa sariling napatingala siya sa kalangitan na humihina na rin ang pagbagsak ng ulan. “Ito ba ang hinihiling ko na makilala ko ang isang babaeng katulad ni Trixie?” tanong niya. Muli niyang nakita ang nakangiting imahe ng babaeng iyon. Ang pagiging mainipin, pagpadyak ng mga paa nito at ang pagsusungit sa kanya na kalaunan ay malakas na tumawa dahil sa realization na sinabi niya. Nagtataka siya kung paano napagsabay ng isang babae ang dalawang katangian nito? Ang pagiging masungit pero nagmagandang loob din ito sa kanya. Kakaiba nga siyang babae. Walang katulad. *** Nang makauwi na ng safe si Trixie sa condo niya ay dumiretso siya sa banyo para muling maligo dahil nabasa nga siya ng ulan. Pero mabilis lang siyang nag-shower. Tanging bathrobe lamang ang suot niya at kinuha niya ang cellphone niya para tawagan ang kanyang ina. Umupo siya sa kama at kinain ang binili niyang pandesal kanina. May ibinigay rin siya kay Wade. Walang kahulugan iyon dahil gusto niya lang mag-share. “Hello, Mom?” “Hello, Trixie. Safe ka bang nakauwi, anak?” tanong nito sa kanya. “Yes po, Mommy. Nahirapan nga lang po kanina na pumara ng taxi dahil nga po umuulan,” kuwento niya. “But the important is nakauwi ka pa rin ng safe. Hinintay ko talaga ang tawag mo, tumagal nga bago ka tumawag, anak,” sabi pa nito. “Si Trixie ba ’yan, hon?” narinig naman niya ang boses ng kanyang ama. “Yes, ang anak natin, honey. Kauuwi niya lang sa condo niya.” “Hi, Dad!” bati niya. “Kumusta ka naman, anak?” “Okay lang po ako, Dad. Sorry po kung hindi ako nakarating kanina. Kung alam ko lang po na uulan ngayon ay sana dumiretso na ako kanina na umuwi,” aniya. “Nah, may iba pang araw na puwede kang pumunta rito. Ang kotse mo ay naiuwi na sa bahay natin. Ipasusundo na lamang kita sa family driver natin, anak.” “Okay po, Daddy. You’re the best po talaga, kayo ni Mommy! Thank you, so much po!” Pinatay na rin naman niya ang tawag at nagpasyang pumunta sa mini-kitchen niya para magtimpla ng kape dahil masarap kainin ang mainit na tinapay sa mainit na kape. Pero habang nagtitimpla nga siya ay naalala na naman niya si Mr. Wade Hansley Esquivias. Napangiti siya at napahawak sa pisngi niya hanggang sa napadaing siya dahil sa mainit na tubig. “Ang pogi kasi ng lalaking iyon! Huhu!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD