Chapter 01

1775 Words
Apat taon na ko nagtatrabaho bilang caregiver. Hindi na ko nakapagtapos ng kolehiyo, hanggang senior high lang natapos ko. Malaking tulong ang kinuha kong kurso ng caregiver sa senior high dahil ito ang tumutulong sakin. Nakapasa ako ng NCII at pagkagraduate ay nag-apply din ng trabaho sa isang agency na tinanggap din ako kalaunan. "Camelaine Betanzor. 25 years old..." Basa ni Ma'am Hannah sa folder. Pagpunta ko rito ay sya ang sumalubong sakin at nagpakilala rin. Kapatid sya ni Sir Haryl, ang lalaki na aalagaan ko. Nakaupo ako sa harapan nya dito sa sala. Malaki ang bahay nila at tahimik rin. "Ikaw ang pinadala ng agency nyo?" Tanong nya pagkatapos basahin ang tungkol sakin. "Opo." "I hope you will be longer here." "Sana nga po, Ma'am." Napipilitan kong sabi. Lima silang magkakapatid at ang nasa harapan ko ay pangatlo. Si Sir Haryl naman ay bunso sakanila. Wala na rin ang mga magulang nila, dahil namatay ang ina nila sa pagkakaanak kay Sir Haryl at ang tatay naman nila ay sa lung cancer. Ang pagkakaalam ko ay may mga sarili na rin sila pamilya maliban nalang kay Sir Haryl. "Si Haryl nasa taas at mukhang natutulog pa. Sakanya ang bahay na 'to at hindi rin namin sya kayang alagaan dahil may mga pamilya na kami." Namilog ang mga mata ko sa gulat. Hindi sila nakatira rito? Ibig sabihin, mag-isa lang dito si Sir Haryl. "Ayaw ni Haryl na alagaan sya pero bilang kapatid nya at pamilya ay nag-aalala kami sakanya. He is blind and we afraid that he might do something bad for himself. May housekeeper sya at tagapagluto rito pero umaalis din sila at hindi rin nakatira dito kaya madalas ay mag isa sya rito sa bahay." "Bakit di nyo nalang ho kayo tumira dito?" Simple nya ko nginitian at tumingin sa taas. "We're busy in our bussiness and family. Ayaw din ni Haryl na nandito kami palagi." Pagkatapos nya ko e-tour sa loob ng bahay ay pinasunod ako ni Ma'am Hannah sakanya papunta sa second floor. Ipapakilala nya raw ako kay Sir Haryl. Hindi ko maiwasan kabahan dahil ito ang unang lalaki na aalagaan ko. Tahimik ako sumusunod sakanya hanggang tumigil kami sa isang pintuan. Binuksan nya 'yun at pumasok kaming dalawa. Sa pagpasok namin ay madilim ngunit nang makita ang liwanag na nagmumula sa likod ng kurtina ay hindi pala dahil nagsisilbing itong ilaw sa loob. "Haryl!" Tawag ni Ma'am sa kapatid. Nakita namin ang bulto ng katawan ni Sir Haryl sa sulok. Nakaupo ito at nakasandal sa pader habang may hawak na bote. "Naku naman! Haryl, nag inom ka na naman!" Lumapit sya sa kapatid at inagaw ang bote sakanya. "What are you doing here?" Malalim tanong ni Sir kahit nakayuko pa ito. "Dumating na ang bagong mag-aalaga sayo. At pwede ba, baguhin mo na ang ugali mo." Tumayo si Sir at kinuha ang mahabang stick sa tabi nya, napaatras ako ng isang hakbang dahil sa kilos nya. "Ilang ulit ko na sinabi na ayoko may mag-aalaga sakin, Hannah. Why can't you understand me?" Halong inis at galit sa boses nya. "Haryl, nag-alala kami sayo. Hindi ka kumakain araw-araw, iniipon mo ang pagkain sa lamesa mo hanggang mapanis nalang ito!" Bumaling ako sa mesa na sinasabi ni Ma'am. Masama ako napangiwi sa nakita, tambak ang mga plato at may mga pagkain pang laman. "Tinatapon ko naman sa basurahan kapag panis na." Napaawang ako sa sinabi nya. Tinatapon nya ang pagkain? Hindi ba sya nasasayangan? Ang mamahal ng pagkain ngayon pero sya? Tinatapon nya nalang. Tsk! Ang sama. "My god! Haryl! Hindi ka na bata. You already 28 years old and you still didn't change!" Dismayadong sabi ni Ma'am Hannah. "Umalis ka na, Hannah. Ayoko ng tulong mo." Hindi nya pinansin ang sinabi ng kapatid nya. "I'm not leaving. Nandito si Camelaine para bantayan ka at alagaan." Nilingon ako ni Ma'am at pinapalapit ako sakanila. Pinilit ko naman ang sarili na lumapit kahit may kaba na nararamdaman. "Camelaine, nakita mo naman siguro kung anong ugali ng aalagaan mo?" "O-opo, Ma'am." Tiningnan ko si Sir Haryl. Kung titingnan, malayo ang tingin nya at tila tulala sya. Nakaharap ang mukha nya samin pero ang mga mata ay nasa ibang direksyon. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Lumalabas ang bangs nya sa noo dahil sa magulo nyang buhok. May balbas din sya sa taas at baba ng bibig nya na mukhang matagal na hindi inaahit. Bumaba ang tingin ko sa katawan nya, nakasuot sya ng white-tshirt at pajama. Hindi sya payat at mas hindi rin muskulado. Sabihin nalang natin na sakto lang katawan nya, may pagkapayat medyo pero matipuno pa rin ng medyo. Ah, di ko maipaliwanag. Pero kung kumain sya ng tamang oras at inalagaan ang sarili nya ay siguradong magiging maganda ang katawan nya ngayon. Wala ako sa sarili na napanguso dahil sa mga iniisip ko. Concern lang ako bilang caregiver nya. "Hindi rin yan magtatagal, Hannah." Rinig ko kay Sir. Hinahamon ba nya ko? Napabuga ako ng hangin. May takot pa rin sakin dahil lalaki ang kaharap ko pero nang makita ang kalagayan nya ay nakaramdam ako ng awa. Bulag sya, hindi nakakakita. Hindi rin nya maalagaan ang sarili. Para ngang wala syang pakielam sa buhay nya. Kapag tinitingnan ko ang mga mata ay matamlay ito at parang walang buhay. Napaatras ako nang marinig ang paggalaw nya ng stick at sinimulan ang paglalakad. "Haryl, hindi pa tayo tapos." Mahinahong sabi ni Ma'am. "Hannah, umuwi ka na. Kayo. Hayaan nyo ko." Malamig nyang sagot. Tinalikuran nya kami hanggang sa umabot sya sa pintuan para lumabas. Kinapa nya pa ang pintuan para buksan 'yun at nagtagumpay naman sya dahil dahan-dahan nya ito binuksan at lumabas na. Nahihirapan sya maglakad dahil walang makita. Sa nakita ko ay puno na ng awa ang nararamdaman ko. "May possibilidad ho ba na gumaling ang mga mata ni Sir?" Tanong ko kay Ma'am. Parehong nasa labas na kami para tingnan kung saan pupunta si Sir. Hindi ko mapigilan ang sarili na tanungin iyon dahil siguro sa awa. "Meron, pero ayaw nya." Nagulat at napatigil ako sa narinig. Bakit ayaw nya? Mabuti nga na gumaling ang mga mata nya. Gusto ko pa sana magtanong pero ayoko na dahil baka isipan nya na chismosa ako. Sa trabaho, bawal maging chismosa dahil baka di natin alam ay tayo na pala ang chinichismisan kesyo sa chismosa rin tayo. Hirap si Sir Haryl na bumaba ng hagdanan habang ginagalaw ang stick nya. Nasa taas pa rin kami at pinapanood sya. Mula rin dito sa taas ay kita namin ang buong sala. Maganda ang bahay pero iisang tao lang naman nakatira. "Ikaw na ang bahala kay Haryl," Kinabahan ako bigla dahil mukhang iiwan nya na kami. "Ayaw mo ba talaga mag-stay-in dito?" Umiling ako. "May pamilya ho ko." Sagot ko. "So bale, 6am dapat nandito ka na dahil madalas alas-otso ang gising ni Haryl. Sa gabi naman, pwede ka naman umuwi ng alasyete." "Sige ho Ma'am. Salamat po." Sabay na kami bumaba nang makita na pumunta si Sir sa kusina. "Kailangan ko na umalis, babalik din ako mamayang hapon." "O-ok po Ma'am." Hinatid ko sya hanggang sa pintuan lang dahil pinigilan na nya ko. Simple ko tinampal ang dibdib ko dahil kami nalang dalawa ang nandito. Bulag sya, wala syang gagawin masama sakin pero siguradong papagalitan nya ko. Normal na 'yun sakin dahil nasanay na rin ako sa trabaho ko. May biglang malakas na bumagsak at tunog na nabasag sa sahig mula sa kusina. Tumakbo naman ako papunta roon. Nanlaki ang mga mata nang hahakbang si Sir sa bubog. "Si-sir! Wag po kayo humakbang, bubog ang nasa harapan nyo." Ngunit hindi nya iyon sinunod dahil inapakan nya pa rin 'yun. Naka-tsinelas sya kaya hindi sya nasaktan sa bubog. Unti-unti ako lumapit sakanya. Kailangan ko labanan ang takot ko para sa trabaho. Ok. Para sa trabaho. "Bakit hindi ka pa umaalis? Hindi ako lampa kaya umalis ka na." Malamig nyang sabi sakin. Nakatingin lang ako sa tsinelas nya na siguradong may bubog na nakadikit sa ilalim. Parang nangati bigla ang kamay ko para tanggalin at linisan iyon. Ano ba ang nabasag? Baso? Tumaas ang tingin ko sakanya at may hawak na sya ng bagong baso ngayon pero nahihirapan naman sya sa pitsel. Mariin ako napapikit saglit dahil baka mabasag ulit ang dala nya. Mas lalo ako lumapit sakanya at agad na inagaw ang baso sakanya. "I-ito Sir, tubig nyo po." Pagkatapos ko lagyan ng tubig ang baso nya ay inilagay ko iyon sa kamay nya. Inis sya uminom at nilapag din sa mesa pagkatapos. "Kung gusto nyo po ng tulong, tawagan nyo ko." Paalala ko. "I don't. Tsk!" Ginalaw nya naman ang stick para maglakad ulit. "Si-sir, magpalit po kayo ng tsinelas. Kung pupunta kayo sa kwarto nyo ay baka magkaroon pa roon ng bubog." Pumunta ako sa isang cabinet na may mga tsinelas. Tinour-guide ako ni Ma'am Hannah kanina rito sa bahay at inalam din ang mga gamit dito. Inilagay ko ang bagong tsinelas sa harapan nya. Ginagalaw-galaw nya ang tsinelas gamit ang stick. "Ayoko magpalit." "Sir, hindi po pwede, baka masaktan kayo sa bubog. Responsibilidad ko na alagaan ko kayo at bantayan. Kapag may masamang nangyari sayo ay baka ako ang sisihin." "Para hindi ka sisihin, umalis ka dito. Hindi mo ko responsibilidad." Diin nya pagkakasabi. Hindi sya nagpalit ng tsinelas at nilampasan lang ako. Nagtagis ang ngipin ko sa inis at timpi. Boss ko sya. I respect him but I cannot respect his actions towards me. "Sir, tinanggap ko na ang trabahong ito. Nakapirma na ko kaya kahit ayaw nyo ko rito ay hindi pa rin ako aalis! Responsibilidad kita na bantayan at alagaan! Bakit ako aalis? Dahil sa gusto nyo? Hindi ko rin naman gustong tanggapin ito nung una pero nang makita ko ang kalagayan mo ay naawa ako kaya hindi ako aalis!" Nagulat ako sa sarili ko. Bigla nalang lumabas ang mga salita na nasa isip ko lang sa bibig ko. Nadala ako sa emosyon ko kaya siguro lumabas 'yun. Papagalitan nya ba ko? Tatanggalin sa trabaho? Pero sabi ni Ma'am Hannah, hindi si Sir Haryl ang magdedesisyon na tanggalin ako, kundi silang apat na magkakapatid. Kapag hindi nila ko nagustuhan o may ginawa ako masama dito ay siguradong tanggal na ako. Hindi pa rin umalis si Sir Haryl sa pwesto nya at nanatili pa rin na nakatalikod sakin. Napatigil sya kanina nang magsalita ako, hindi ko naman pwede bawiin yun dahil totoo naman ang mga sinabi ko. "Mawawala rin ang awa mo sakin." Huling rinig ko mula sakanya. Pinagpatuloy nya ang paglalakad at iniwan ako rito. Naestatwa ako sa sinabi nya. Bakas sa boses nya ang lamig at lungkot habang sinasabi iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD