Chapter 02

2124 Words
Pangatlong araw ko na nagtatrabaho kay Sir Haryl. Hindi pa sya kumakain sa tamang oras. Ayaw nya rin na bantayan sya at alagaan. Kapag pinipilit sya, nagagalit. Sumasakit ulo ko sakanya. Parang bata! "Sir, nandito na ho ang pagkain nyo." Linagay ko sa mesa ang pagkain. Nakaupo na naman sya sa paborito nyang pwesto sa gilid na malapit sa bintana. Tahimik at tulala lang sya na parang may malalim na iniisip. Lumapit ako sakanya. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako kapag lumalapit sakanya pero kailangan ko labanan ang takot ko. Napagtanto ko rin na hindi naman pwede na forever ako maging takot sa ibang lalaki, marunong na kong mag self-defense kung sakali na may masamang gawin sila sakin. Ayoko mangayari ulit ang madilim na nakaraan. "Umalis ka na." Malamig nyang turan. Madalas syang ganyan, pinapaalis ako. Syempre, hindi ko sinusunod dahil kailangan ko gawin ang trabaho ko, ang bantayan at alagaan sya. May mga CCTV dito kaya baka binabantayan din nila ako Ma'am Hannah kung ginagawa ko ba ang trabaho ko, ayoko silang biguin at madismaya. "Kanina pa ho kayo umaga hindi kumakain, may gamot pa kayo kailangan inumin." Ayon kay Ma'am, may mga gamot si Sir Haryl para sa kalusugan at sa mata nya pero hindi nya iniinom. Sobra talagang hirap nya alagaan pero hindi ako susuko. Kung aalis ako rito, dapat nya muna baguhin ang sarili nya. "Hindi ka ba nagsasawa na dalhin ako ng pagkain? Wala akong gana kaya umalis ka na." Irita na nyang sabi. Alam nya ba kung anong nakakasawa? Ang mga sinasabi nya. Pauli-ulit na tumatanggi. Kakain lang sya kapag gusto nya, kakain sya pero hindi nya inuubos ang pagkain. Sinasayang nya talaga! Nakilala ko na ang tagapagluto rito sa bahay, si Ate Nita, nasa kwarenta pataas ang edad nya. Pumupunta sya rito ng umaga, tanghali at hapon para magluto pero ang pagkain na niluluto nya ay sinasayang ng lalaki na 'to. "Gusto nyo Sir, subuan ko kayo para kumain na ho kayo." Ngumiwi ako pagkatapos ko 'yun sabihin. Hindi nya ko pinansin at naging tahimik lang. Ayaw nyang subuan sya, ayaw nya kumain. Umirap ako sa kawalan at umupo sa single sofa na malapit sakanya. "Alam nyo Sir, dapat kumain na kayo. Masarap naman ang pagkain. Hindi ka ba naaawa kay Ate Nita, ang tagapagluto nyo. Naghirap sya magluto para sayo pero hindi mo naman kinakain." Ganito ako madalas kapag walang ginagawa at nagbabantay lang sakanya. Kinakausap sya kahit di nya ko sinasagot minsan. Nagiging madaldal lang si Sir kapag galit o naiinis. "Oh, Sir, saan ho kayo pupunta?" Pansin ko nang tumayo sya at naglakad papunta sa mesa. Kakain na ba sya? Sabi na eh, magugutom din sya. Napangisi ako nang ginalaw-galaw nya ang kamay nya sa mesa para hanapin ang tray na naglalaman ng pagkain. "Tulungan ko na ho kayo, Sir." Pero bago pa ko makatayo ay nakuha na nya ang tray. Ang ngisi na nakaplaster sakin mukha ay nawala agad nang tinapon nya ang pagkain sa malapit na basuran. What the... shet! Isa-isa nya pa kinuha ang plato at bowl sa tray para itapon ang laman nito. "Sir, bakit nyo tinapon?" Medyo inis at dismaya kong tanong. First time ko makita na ginawa nya ang pagtapon ng pagkain. Sa tuwing hindi sya kumakain ay ako ang nagliligpit at ininilagay ko ang pagkain sa plastic para ibigay sa mga pulubi na dinadaan ko pauwi kasi sayang naman kung tatapon lang! Marami pa naman. "Dahil wala akong gana." Tamad nyang sabi at ibinalik ang tray sa mesa na wala ng laman. Nilampasan nya ko at bumalik sa pagkaka-upo kanina. Pumikit ako para ikalma ang sarili ko, parang nanlumo ako sa ginawa nya. Nakakainis! Pagkain yun! Oo, hindi galing sakin ang pera yung pagkain pero sayang eh! Dapat na ba ko masanay sa mga ginagawa nya? Anak-mayaman sya at bunso pa kaya ganyan ang ugali. Inamba ko sya na sasapakin at sipain para ilabas ang inis ko, hindi nya naman nakikita ang ginagawa ko dahil bulag sya. Bumuntong-hininga ako. "Sana hayaan nyo nalang ako magligpit ng pagkain nyo, Sir." May halong sarkastiko kong sabi. Sumimangot sya at hindi ulit ako pinansin. Napakurap ako at mahina kong padabog na kinuha ang tray para ilagay sa kusina. Tiniis ko ang pang araw-araw nyang ugali hanggang umabot na ko sa pang-anim ko na araw sa pagiging caregiver ko sakanya. Mahirap at nakakapagod dahil may ginagawa sya na kinaiinisan ko lalo na kapag galit sya. Gumagawa sya ng paraan para makaalis ako rito. Siguro, ganun din ang ginagawa nya sa dating nag-aalaga sakanya, pinapagalitan nya. Pero iba ako sakanila, hindi ako basta-basta umaalis. "Hala, umiinom ka na naman Sir." Pagkapasok ko sa kwarto nya ay may mga bote na nagkakalat sa paligid nya. Ang aga pa at kararating ko lang, alak na agahan nya. Gosh! Tatlong beses ko na naabutan ito. Napakamot ako sa ulo at lumapit na sakanya. Kinuha ko ang mga bote at kalat nya sa sahig. Nag-iingat din ako na hindi mas lumapit sakanya. Lasing sya at baka kumilos sya na di ko magustuhan. Sabi nga nila, kapag lasing, may balak. Mali ata, kapag may alak, may balak ata yun. "Du-dumating ka na pala." Nanghihina nyang sabi. Parang kinalibutan ako sa boses ni Sir, may pagka-husky kasi at ang gwapo ng boses. Gwapo naman talaga si Sir. Umiling ako agad at binura sa isipan iyon. "Amoy alak na ho kayo. Maligo na ho kayo. Ihahatid ko ang almusal nyo rito mamaya." Pumunta ako sa basurahan at tinapon ang mga kalat doon. Ang mga bote ay inipon ko sa isang plastic bag. Kinuha ko rin ang walis para linisin ang maliliit na kalat sa sahig nitong kwarto. Hindi na ata caregiver ang trabaho ko, yaya na. Pero joke lang! Parte na rin samin linisan ang kwarto ng aalagaan namin lalo na kung sila ang kumalat. Kung hahayaan namin na maging madumi at makalat ang kwarto nila ay baka magkasakit sila. "Why... why are you different to other caregivers?" Napatigil ako sa pagwawalis. Ako ba kinakausap nya? Hala, himala, kinakausap nya ko. Sabagay, mukhang lasing kasi. Tiningnan ko sya. Ang miserable ng itsura nya kapag naglalasing. Kung hindi naman sya lasing ay lungkot at walang ekspresyon ang mukha minsan. Sa ilang araw ko rito ay napansin ko na may malaking problema si Sir Haryl na di ko naman alam. Madalas ko sya nakikita na malalim ang iniisip. Nagbabago lang ang mood nya kapag nagsasalita na ko at kapag pinapakielam sya. "Ginagawa ko lang ho ang trabaho Sir." Sagot ko sakanya. "No. You are not really doing your job." Umawang ang labi ko. Ano raw? Hindi ko ginagawa ang trabaho ko? Baliw ba sya? Ginagawa ko naman ah, palagi lang sya tumatanggi lalo na pagdating sa pagkain. "Sir, mabuti ho kung matulog muna kayo para mawala ang pagkalasing nyo." Napaatras ako bigla nang tumayo sya at humahakbang papalapit sakin habang may dala syang stick bilang gabay nya. Anong gagawin nya? huh? Mas lumayo pa ko sakanya. Tumigil naman sya. "I've feeling that you are scared while I'm approaching to you. Why?" Sabay ng pag-awang ko ng bibig ay ang panlalaki ko ng mga mata. Gulat ako sa mga sinasabi nya. Epekto ba ito ng kalasingan nya? Pero nung huli ko syang naabutan na nag-iinom ng alak ay hindi ito nangyari. "Guni-guni mo lang yan, Sir. Hindi ako takot." Walang hibla na buhok sa noo nya kaya nakita ko ang pagtaas ng isang kilay nya na parang di sya naniniwala. "But you still did not doing your job." Mariin nyang sabi. "Sinasabi nyo ho ba yan para umalis ako?" Seryoso ko na tanong. Ginigiit nya na hindi ko ginagawa ang trabaho. Ginagawa ko naman! May kulang pa ba? "Yes, I want you to leave as my caregiver. Hindi ko kailangan ng may mag-alaga sakin." Galit pero sa mababang boses nyang sabi. "Pasensya na Sir, pero ako ang tipong caregiver na hindi umaalis kapag hindi nagbabago ang inaalagaan ko. Gusto ko kayo tulungan, gusto ko ho na gumaling kayo at baguhin ang sarili nyo." Umigting ang panga nya at marahan pinikit ang mata na tila ayaw nya ang narinig sa sinabi ko. "You help me because of pity, right? Pero sa tingin ko, hindi awa ang nararamdaman mo. Dahil ang totoo napipilitan ka lang magtrabaho dito dahil malaki ang sweldo na binibigay sayo. Hindi ka aalis dito dahil sa pera!" Nabitawan ko ang walis. Kumuyom ang kamao ko at mariin na kinagat ang sariling labi. Ramdam ko ang galit nya at aaminin ko, natatakot ako. Iba ang galit nya ngayon. Nasasaktan din ako sa mga sinabi nya. "Mali ka! Hindi pera ang dahilan kaya hindi ako umaalis. Oo, napilitan ako nung una pero dahil sa awa ko sayo, tiniis ko na manatili rito!" Pinigilan ko ang sarili na hindi manginig kahit may luha na tumutulo sa pisngi ko. Madali ako masaktan. Malambot ang puso ko pero ayoko ipahalata sa ibang tao na ganun ako. Kaya pinipilit ko ang sarili na maging matapang. Hinayaan ko na tumulo ang luha sa pisngi ko dahil walang nakakakita, tanging ako lang. "Tiniis? Siguro yan ang dahilan mo kaya hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo. Nung nagkasugat ako sa kamay, hindi mo ko agad nagawang hawakan at tulungan. Binigyan mo lang ako ng first aid kit at ginamit ang bibig mo para utusan na gawin ko ang pag-gagamot ko sa sarili. You are really different to other caregivers huh? because they could touch me to give me a help but you? You just wouldn't help!" Hindi na ko nakapagsalita dahil tinalikuran na nya ko at iniwan sa kwarto. Nanginginig kong tinakip ang bibig ko gamit ang isang kamay ko. Sa panghihina ko ay napaupo ako sa sahig. Pinapagalitan ako sa trabaho pero hindi ganito kalala. Ngayon lang ako umiyak at nasablay sa trabaho. Napahawak ako sa dibdib ko, sobrang sakit na hindi ko nagawa ng maayos ang trabaho ko. Totoo ang sinabi nya. Sa anim na araw ko rito ay hindi ko sya nahahawakan. Sa lahat ng inaalagaan ko ay hinahawakan ko dahil normal iyon sa trabaho namin para tulungan sila pero pagdating kay Sir Haryl ay hindi ko magawang hawakan sya dahil natatakot ako. Lalaki sya. Kapag mahawakan ko ang ibang lalaki ay iba na ang takbo ng isip ko, inaalala ang bawat detalye na nangyari sa madilim kong nakaraan. Kahit matagal na yun ay nandito pa rin sakin ang sakit at ala-ala na gusto ko na kalimutan. Galit sakin si Sir Harly. Dapat na ba ko sumuko? Dapat na ba talaga ko umalis? Pero may parte sakin na gusto manatili rito at tulungan sya na gumaling. Bulag ang inaalagaan ko. Bakit iniisip ko na may gagawin sya masama sakin? Marunong naman ako lumaban kaya bakit hindi ko tinulungan nung nagkasugat sya? Nagsisi ako at nakokonsensya. Kahit napagalitan na ko at nakatanggap na masasakit na salita ay hindi pa rin ako aalis. Kasalanan ko rin naman. Nagkamali ako sa trabaho. "Si Haryl?" Hapon na nang dumating si Ma'am Hannah. Bumalik sa pagiging tahimik si Sir Haryl pagkatapos ang nangyari kaninang umaga. Dinadalhan ko sya ng pagkain kahit hindi nya rin naman kinakain. Hindi nya rin ako pinapansin kanina nung nasa kwarto nya ko para bantayan sya. Wala naman ako narinig na reklamo mula sakanya habang nasa loob ako ng kwarto nya. Hindi rin ako nailang dahil alam ko na hindi nya ko makikita. Gusto ko mag-sorry sakanya pero wala akong lakas loob dahil baka... baka di nya magustuhan. "Nasa kwarto nya ho." Sagot ko. "Kamusta si Haryl?" Tanong nya. Ngayon lang ulit pumunta rito si Ma'am Hannah. Hindi sya araw-araw pumupunta rito dahil abala raw sya sa trabaho at anak nya. "Ga-ganun pa rin ho sya. Naglasing din kanina umaga." Napailing agad sya sa nalaman. Sasabihin ko ba kay Ma'am ang tungkol sa galit ni Sir Haryl sakin? Siguro nga dapat ko sabihin sakanya. Huminga ako ng malalim at sinabi nga sakanya ang tungkol sa nangyare kanina. "Ma'am, sorry ho kung di ko ginawang maayos ang trabaho ko." Agad kong sabi pagkatapos ko sabihin ang nangyare. "Ayos lang, Camelaine. Wag sana maulit ito." Tumango ako sakanya at nagtaka sa biglaan ngiti nya. "Pero wag ka rin sana maniwala kay Haryl na kailangan mo umalis. Ikaw lang ang nakatagal dito na nagtrabaho bilang caregiver. Ang mga nauna sayo, hanggang dalawa o tatlong araw lang sila ay umaalis na, kaya nakakatuwa na tumagal ka ng anim na araw. Sana tumagal ka pa rito." Nahimigan ko ang buong pag-asa nya sa huling sinabi nya. "Hindi ho talaga ko aalis hangga't hindi gumagaling si Sir." "Salamat, Camelaine." Maaga ako pinauwi ni Ma'am Hannah. Sa wakas makakapagpahinga rin dahil bukas ay linggo at day-off ko. Sa lunes ako mag-so-sorry kay Sir kaya magiipon ako ng lakas na loob bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD