FOURTY-SEVEN "PAANO NAKAPASOK ang hay*p na 'yon dito?!" Galit na tanong ni Railey. Natatanaw pa rin niya ang motorboat na sinasakyan ni Ian at Rasha pero hindi na niya kita kung ano ang ginagawa nito sa dalaga. "He killed our men kaya siya nakapasok dito. Mukhang lulong sa ipinagbabawal na gamot ang Ramirez na 'yon kaya siya umabot sa ganito," saad ni Yandro. "Tumawag na ba kayo ng mga pulis?" Tanong ni Lance na hindi mapakali. Hindi nito magawang sabihin sa mga magulang ang nangyayari dahil baka kung ano ang mangyari sa ama nila na may sakit sa puso. "On the way na daw po sila Tatay," si Dana na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang telepono. Nang dumating ang motorboat na dala ni Mang Tony ay hindi na nagdalawang-isip pa si Railey at agad na siyang sumakay kasama si Yandro at Theo sak

