FOURTY-SIX NAUWI NA naman sa hindi pagkakaunawan ang pag-uusap ni Rasha at Railey. 'Yon ay kung matatawag ngang pag-uusap ang nangyari sa kanila kanina. Hindi naman niya gustong sumama ang loob nito pero 'yon nga yata ang nangyari dahil bigla na lang siya nitong iniwanan. Pero anong magagawa niya hindi siya binibigyan nito ng pagkakataon na magpaliwanag. Napapakamot ng ulo na sinundan niya ang dalaga. Ang bilis nito maglakad. Ni hindi na niya napantayan ang paglalakad nito at nakita niyang nakatayo na ito sa harap ng mesa katabi ni Dana at sa kabila nito ay...si Yandro. Kulang na lang ay umusok ang ilong niya sa selos at parang gusto niyang higitin palayo doon ang kaibigan. Pero pinigilan niya ang sarili. Pasimple siyang sumingit sa gitna ng dalawa. Nginitian niya si Rasha nang tuming

